Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ruru Madrid and Bianca Umali are "Instagram official"

by Rachelle Siazon
Mar 2, 2020
Ruru Madrid posts photo with rumored girlfriend Bianca Umali, who is celebrating her 19th birthday this Tuesday, March 2.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram

Handa na ba sina Ruru Madrid at Bianca Umali na ihayag ang damdamin nila sa isa't isa?

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbahagi si Ruru ng litrato sa Instagram kasama ang rumored girlfriend niyang si Bianca.

Ito ay matapos ang isa't kalahating taong pagiging mailap nila sa publiko na nagkakamabutihan sila.

Sa litrato, sakay sila ng elevator habang ipinapakita ang kanilang matching white sneakers.

"Happy birthday moonlight," simpleng caption ng 22-year-old Kapuso actor.


Continue reading below ↓

Pasado alas-dose ng hatinggabi ipinost ni Ruru ang litrato para kay Bianca, na nagdiriwang ng kanyang 19th birthday ngayong Martes, March 2.

May nauna pang picture kunsaan magka-holding hands sina Ruru at Bianca, pero binura agad iyon ng aktor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lumalabas na Instagram official na ang dalawang Kapuso stars.

Sa urbandictionary.com, sinasabing "Instagram official" na ang isang relasyon sa oras na mag-post sa Instagram ng magkasama ang rumored couple.

PREVIOUS HINTS

Makailang-beses nang nakukunan ng litrato sina Ruru at Bianca, pero kung hindi man stolen shots ay mga kaibigan nila ang nagpo-post sa social media.

Tulad na lang ng kanilang kilig duet noong October 2019.

Noon ding buwan na iyon, pasimpleng nagpakita si Ruru ng kanyang pagtatangi kay Bianca nang mag-comment siya sa sexy bikini photo ng aktres sa Instagram.

"Stop," saad ni Ruru kalakip ng isang emoji na nagtakip ng mga mata.

May hiwalay pang cryptic post si Ruru noon na nagsasabing, "Look, i dont know what to say but can you please stop being so gorgeous?"

Continue reading below ↓

Noong December 2019, naiulat naman ang pasimpleng "I love you" nila sa isa't isa.

LOW-PROFILE RELATIONSHIP

As early as August 2019, nagpahiwatig din si Ruru na may nagmamay-ari na sa kanyang puso.

Pero hangga't maaari ay ayaw niya itong ipangalandakan para maprotektahan daw ito.

Sa ulat ng PEP Troika, sabi ni Ruru: "Gusto ko pong sabihin sa mga tao na itong babaeng ito ay mahal ko.

"Kaya lang, ang nagiging problema po kasi ay masyado na po kasi siyang nagiging public property.

"I mean, bawat kilos ninyo, pag nag-aaway kayo, alam na alam na ng mga tao, o kung saan kayo magpunta.

"Feeling ko po, iyong mga ganoon pong bagay, dapat po, pinipersonal po iyon."

August 2018 nang unang mapansin ng mga tagasuporta nina Ruru at Bianca ang kanilang pagiging malapit sa isa't isa.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid posts photo with rumored girlfriend Bianca Umali, who is celebrating her 19th birthday this Tuesday, March 2.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results