Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Matteo Guidicelli is the new National Youth Commission ambassador

by Jet Hitosis
Mar 3, 2020
Actor and Philippine Army reservist 2nd Lt. Matteo Guidicelli is the newly-appointed Youth Ambassador of National Youth Commission, as the government office "recognizes his significant contribution to youth development."
PHOTO/S: @matteog on Instagram

Si Matteo Guidicelli ang bagong youth ambassador ng National Youth Commission (NYC).

Itinalaga sa komisyon ang 29-anyos na aktor at Philippine Army reservist bilang “role model of good citizenship.”

Ang NYC ang policy-making coordinating body para sa lahat ng programa at institusyon ng gobyerno na may kinalaman sa kabataan.

Itinatag ang NYC sa bisa ng Republic Act 8044 (Youth in Nation-Building Act of 1995).

Ang komisyon ay nasasaklawan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Lunes ng gabi, March 2, nang ihayag ng NYC sa social media sites nito ang pagkakatalaga kay Matteo sa komisyon.

Sa Facebook post ng NYC, sinabi nitong ang appointment ni Matteo ay base sa Commission Resolution No. 26.

Wala namang kopya ng nabanggit na resolusyon sa official website ng komisyon (nyc.gov.ph).

“PATRIOTISM AND NATIONALISM”

Inaasahan ng NYC na ang “patriotism and nationalism” ni Matteo bilang military reservist ay magsisilbing “inspiration and encouragement for the Filipino youth in the fulfillment of their role in nation-building.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bilang Army reservist, si Matteo ay may ranggong 2nd Lieutenant.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagpasalamat si Matteo sa NYC matapos niyang i-retweet ang announcement ng komisyon.

Para sa aktor, ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong NYC Youth Ambassador ay “an honor and privilege.”

Continue reading below ↓

Ang NYC ay pinamunuan noon ng aktor at military reservist ding si Dingdong Dantes bilang Commissioner-at-Large (2014-2016), sa termino ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Naging NYC commissioner din ang singer-songwriter na si Ice Seguerra (2016-2018), sa mga unang taon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

newlywed

Na-appoint si Matteo sa NYC mahigit isang linggo makaraan siyang ikasal sa longtime girlfriend na si Sarah Geronimo nitong February 20.

Ikinasal sina Matteo at Sarah sa isang secret Christian ceremony sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Pero nahaluan ng kontrobersiya at naging laman ng mga balita ang kasalan ng dalawa dahil sa gulong nangyari sa reception ng kasal.

Napaulat na nagkaroon ng suntukan, eskandalo, sigawan, at iyakan ilang oras matapos ang wedding ceremony.

Gayunman, sa latest update, ay naareglo na ang mga sangkot sa gulo, at inaasahang sa pamamagitan nito ay ganap nang matutuldukan ang issue.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and Philippine Army reservist 2nd Lt. Matteo Guidicelli is the newly-appointed Youth Ambassador of National Youth Commission, as the government office "recognizes his significant contribution to youth development."
PHOTO/S: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results