Regine Velasquez gives advice to Matteo Guidicelli on Mommy Divine

by Bernie V. Franco
Mar 4, 2020
Asia's Songbird Regine Velasquez (left) to Matteo Guidicelli (center) on strained relationship with his mother-in-law Divine Geronimo (right): “Normal naman sa mga pamilya na nagkakaroon ng sama ng loob."
PHOTO/S: Noel Orsal / @matteog on Instagram / ABS-CBN

May payo si Regine Velasquez kay Matteo Guidicelli tungkol sa hindi magandang relasyon ng aktor sa kanyang mother-in-law na si Divine Geronimo, o mas kilala sa tawag na Mommy Divine.

Hindi lingid sa marami na tutol si Mommy Divine sa pagpapakasal ng kanyang anak na si Sarah Geronimo kay Matteo.

Si Regine at asawang si Ogie Alcasid ay malapit na kaibigan nina Sarah at Matteo.

Inamin ng Asia's Songbird na isa siya sa mga nilalapitan ni Sarah kapag may problema sila ni Matteo.

“Manghihingi 'yan ng payo sa akin kapag meron silang pinoproblema… ganoon siya,” sabi ni Regine tungkol sa Popstar Royalty.

Samantala, nagsalita si Regine nang matanong kung ano ang maipapayo niya kay Matteo tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ni Mommy Divine.

“Ang pamilya mo kasi, pamilya mo, e. Hindi na natin iyon mae-erase.

“Normal naman sa mga pamilya na nagkakaroon ng sama ng loob.

“Wala namang perfect.

"Para kay Matteo, normal lang na minsan may hindi pagkakaintindihan sa in-laws.

Continue reading below ↓

“Normal iyon. Wala namang perfect talaga.

“Ang importante, silang dalawa [ni Sarah].

“Pag silang dalawa nagkakaintindihan sila, everyting else [follows],” pahayag ni Regine sa interview sa kanya ng ABS-CBN News noong February 29, Sabado.

SARAH LOVES HER FAMILY

Naniniwala rin si Regine na mahal ni Sarah ang kanyang ina at ang kanyang pamilya.

Darating din daw ang araw na magkakaayos sina Sarah at Mommy Divine.

"Siguro kailangan nilang ipagdasal yung family ni Sarah, for healing ba," sabi ni Regine.

“Kasi, like I said, nanay mo yun, forever mong nanay yun.

“At saka knowing Sarah, hindi niya iyon matitiis.

“Kilala natin lahat, she loves her [mother], grabe.

“She just needed to choose her own happiness versus her family.

“And sometimes, nangyayari iyon, na kinailangan din niyang isipin yung sarili niya.

“Hindi naman sa nagiging selfish siya…

“She’s old enough, I think. Nasa tamang edad na siya.

“But, yun na nga, siguro manghingi tayo ng prayers and, lahat, instead na makialam sa lahat ng gulo, ipagdasal na lang natin sana maging maayos ang pamilya.

Continue reading below ↓

“Dahil siyempre, para kay Sarah, masayang araw ng buhay [ang kasal], and I’m sure she wants to share it with her family.

“I’m praying sana maayos na nila.

“And I think, wala rin naman siyang choice,” pagtukoy ni Regine kay Mommy Divine.

ASHMATT SECRET WEDDING

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa Victory Church sa Bonifacio Global City, Taguig, noong February 20, 2020.

Pagkatapos nito ay dumiretso ang mag-asawa at ang kanilang piling bisita, kabilang ang pamilya ni Matteo, sa isang restaurant sa Shangri-La at the Fort, sa BGC din, para sa pribadong wedding reception.

Dito nagkaroon ng komosyon dahil biglang dumating si Mommy Divine, na hindi imbitado.

Consistent ang kuwento ng eyewitnesses na nagwala at nagsisisigaw umano si Mommy Divine sa venue nang malamang ikinasal na ang anak nang hindi niya nalalaman.

Ipina-blotter pa si Matteo ni Jerry Tamara, close-in security ni Sarah, dahil sinuntok umano siya ng aktor at pinagbintangang siya ang nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa secret wedding.

Continue reading below ↓

Itinanggi ni Matteo na sinuntok niya ang bodyguard.

Sa pinakahuling balita, nakipag-settle na si Tamara sa kampo nina Sarah at Matteo sa halagang P200,000.

REGINE SAYS SARAH IS HAPPY

Noong February 24, apat na araw pagkatapos ng kontrobersiyal nilang kasalan ni Matteo, nag-taping muli si Sarah para sa The Voice Teens ng ABS-CBN.

Na-post pa sa social media ang pagbisita ni Regine sa set para personal na batiin ang Popstar Royalty.

Ipinaliwanag ni Regine kung bakit binisita niya si Sarah sa set matapos maikasal kay Matteo.

“I wanted to see if she was okay… that was the first and foremost [intention].

“Because I texted her and she answered.

“But I wanted to see her, and she looked happy, she was happy.

“And more than anything else, it’s the most important thing.

“That’s what I wanted to see, despite the [controversy] and all that."

Paniniyak naman ni Regine tungkol kay Sarah: “She’s happy.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez (left) to Matteo Guidicelli (center) on strained relationship with his mother-in-law Divine Geronimo (right): “Normal naman sa mga pamilya na nagkakaroon ng sama ng loob."
PHOTO/S: Noel Orsal / @matteog on Instagram / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results