Erwan Heussaff chides "reporter" who broke story about Anne Curtis giving birth

by Arniel C. Serato
Mar 6, 2020
Erwan Heussaff and wife Anne Curtis formally introduce their firstborn, Dahlia Amelie Heussaff, to the public via Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @annecurtissmith / @erwan on Instagram

“P.S her name is Dahlia Amélie, in case some reporter decides to 'break the 'news' again.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Erwan Heussaff sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes ng umaga, March 6.

Sa unang pagkakataon ay pormal na ipinakilala nina Erwan at Anne Curtis sa publiko ang kanilang anak na si Dahlia Amélie Heussaff.

Isinilang ni Anne ang panganay nila ni Erwan sa Australia noong March 2, Lunes.

Ngunit ngayong araw lang nila ito inanunsiyo sa publiko.

Sa Instagram, ipinost ni Erwan ang larawan ng mga paa ni Dahlia Amélie.

Sa kanyang caption, binigyang pugay ng food blogger ang misis na si Anne sa pagiging “impressive” nito sa panahong ito’y nagdadalantao at hanggang sa makapanganak.

Bahagi ng caption ni Erwan: “Our beautiful little daughter was born on March 2, 2020.

“I never knew that my heart could grow so quickly in just one day.

“I also had no idea that I could fall even more in love with my wife.

Continue reading below ↓

“Anne was so impressive throughout her pregnancy and labor and I will forever be in her debt.”

Sa dulong bahagi ng kanyang mensahe ay nagpasaring naman si Erwan sa isang “reporter” na unang nagbalita sa panganganak ni Anne.

Aniya: “P.S her name is Dahlia Amélie, in case some reporter decides to 'break the 'news' again.

“P. P. S hug your mothers. #girldad

Continue reading below ↓

WHO IS THE "REPORTER"?

Hindi tinukoy ni Erwan kung sino ang "reporter" na pinasasaringan niya.

Ngunit ang anunsiyo tungkol sa panganganak ni Anne ay hindi nanggaling sa kanilang kampo.

Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga unang naglabas ng balita tungkol sa panganganak ni Anne.

Ang impormasyon ay nanggaling sa controversial personality na si Atty. Ferdinand Topacio.

Hindi naman itinatago ng abugado na aksidenteng nasabi sa kanya ni Nico Bolzico, bayaw ni Erwan, ang panganganak ni Anne nang magkita sila sa isang business meeting noong araw na iyon.

Si Nico ay asawa ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff.

Nagpaabot pa si Atty. Topacio ng congratulatory message sa dalawa sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinalita rin ng entertainment editor ng The Philippine Star na si Ricky Lo na nanganak na si Anne noong March 2.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erwan Heussaff and wife Anne Curtis formally introduce their firstborn, Dahlia Amelie Heussaff, to the public via Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @annecurtissmith / @erwan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results