Alden Richards nag-react sa #AldenPautang

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 6, 2020
"I can say this proudly, na kung anumang meron ako ngayon, pinaghirapan ko yun," sabi ni Alden Richards na nagpa-setup ng pc gaming rig na nagkakahalaga na halos kalahating milyon.
PHOTO/S: @aldenrichards02 instagram (main) / Mark Van Acosta (inset)

Nag-trend ilang araw nang nakararaan ang hashtag na #AldenPautang.

Ito'y matapos na ipakita ni Alden Richards sa kanyang social media accounts ang kanyang bigating PC gaming setup.

Video: GMA News.

Nag-react naman ang tinaguriang "Kapuso Asia's Multimedia Star" sa naging reaksyon ng netizens at pag-trend ng #AldenPautang.

"Natawa lang din ako nung nag-trend siya and parang...

"Well, actually, I can say this proudly, na kung anumang meron ako ngayon, pinaghirapan ko yun," sabi ni Alden nang makapanayam siya ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.

"Kung anumang mga bagay na naibigay ko sa pamilya ko at sa sarili ko at sa ibang tao, it's all from blood, sweat, and tears," patuloy pa ni Alden.

Sinasabing halos kalahating milyon ang nagastos para sa PC gaming setup ni Alden na mahilig talaga sa online gaming.

Para sa mas detalyadong specifications at presyo ng gaming setup ni Alden, basahin ang artikulong ito: Alden Richards' new gaming rig costs nearly half a million

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I can say this proudly, na kung anumang meron ako ngayon, pinaghirapan ko yun," sabi ni Alden Richards na nagpa-setup ng pc gaming rig na nagkakahalaga na halos kalahating milyon.
PHOTO/S: @aldenrichards02 instagram (main) / Mark Van Acosta (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results