Nico Bolzico touches on his accidental reveal of Anne Curtis giving birth

by Arniel C. Serato
Mar 7, 2020
Nico Bolzico (left) replies to Erwan Heussaff's Instagram post about "some reporter" breaking the news about Anne Curtis giving birth in Australia.
PHOTO/S: Courtesy: @nicobolzico / @annecurtissmith on Instagram

Tila hindi media person ang tinutukoy ni Erwan Heussaff sa kanyang Instagram post na isang "reporter" ang unang nagbalita ng panganganak ng kanyang asawang si Anne Curtis.

Bahagi ng post na iyon ni Erwan: "P.S her name is Dahlia Amélie, in case some reporter decides to 'break the "news' again."

Sumagot kasi si Nico Bolzico sa pahaging ni Erwan na baka pati sa pangalan ng anak nila ni Anne ay maunahan siya sa pag-anunsiyo.

Si Nico ay asawa ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff.

Komento ni Nico sa post ni Erwan: “Welcome Dahlia! It is official!

"For the record, I didn't leak anything!

"If u need any parenting advice, you know where to find me @erwan! #ParentingMyPassion

Continue reading below ↓

Lumalabas na naunahan ni Nico si Erwan sa paglabas ng balitang nagsilang ng sanggol si Anne sa Melbourne, Australia, noong March 2, 2020.

Nagkataong naikuwento ito ni Nico kay Atty. Ferdinand Topacio, na nagkataong nakasama niya sa isang business meeting.

Naikuwento naman ng abogado sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong araw ring iyon, ang impormasyon mula kay Nico.

NETIZENS' COMMENTS

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang pabirong depensa ni Nico sa sarili.

Base sa mga komentong laughing with tears emojis, tuwang-tuwa ang mga ito sa likas na pagiging komedyante ni Nico.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nico Bolzico (left) replies to Erwan Heussaff's Instagram post about "some reporter" breaking the news about Anne Curtis giving birth in Australia.
PHOTO/S: Courtesy: @nicobolzico / @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results