Goin' Bulilit’s Carl John Barrameda marries Nikolai Cimatu

by Arniel C. Serato
Mar 8, 2020
Carl John Barrameda
Goin' Bulilit's Carl John Barrameda and non-showbiz girlfriend Nikolai Cimato tie the knot on March 7, 2020, in a simple wedding ceremony held at Las Casas Filipinas de Acuzar, Quezon City.
PHOTO/S: Courtesy: @iamjosel / @kyrixter on Instagram

Ikinasal na kahapon, March 7, ang dating Goin’ Bulilit actor na si Carl John Barrameda, 26, sa kanyang fiancée na si Nikolai Cimatu, 26.

Ginanap ang kasalan sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Quezon City.

Continue reading below ↓

Si Carl ay bahagi ng unang batch ng Goin’ Bulilit na nagsimulang umere sa ABS-CBN mula taong 2005 hanggang 2019.

Labing-apat na taon ang itinakbo ng show sa ere, at nagtapos noong August 4, 2019.

Sa post ng ka-batch ni Carl na si Miles Ocampo sa kanyang Instagram Stories kagabi rin, sinabi niyang si Carl ang unang miyembro ng now-defunct show na ikinasal.

Continue reading below ↓

Sabi ni Miles, “1st Bulilit to get married!! Congratulations Nik and kuya @carlbarrameda!! We love you. #SwerteNikCarl.”

Ang post naman ni John Manalo sa kanyang Instagram, “Kakasal ka na dodong.”

Continue reading below ↓

Dumalo rin sa kasalan ang mga ka-batch nila sa show na sina Miles, John, Igiboy Flores, CJ Navato, at Alfred Alain.

Continue reading below ↓

Noong February 19, 2019 na-engage sina Carl at Nikolai sa Hong Kong.

Pitong taon na ang kanilang relasyon.

Sinabi ni Carl sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 28, 2019 na sa March 2020 naka-set ang kanilang wedding.

Congrats and best wishes, Carl and Nik!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Goin' Bulilit's Carl John Barrameda and non-showbiz girlfriend Nikolai Cimato tie the knot on March 7, 2020, in a simple wedding ceremony held at Las Casas Filipinas de Acuzar, Quezon City.
PHOTO/S: Courtesy: @iamjosel / @kyrixter on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results