Ara Mina on "buhusan" in Ang Probinsyano: "I don’t think dapat seryosohin yung ganun."

by Arniel C. Serato
Mar 9, 2020
Singer/actress/entrepreneur Ara Mina still hoping to settle down with the right man: "Oo naman, ayoko namang maging matandang dalaga."
PHOTO/S: Arniel Serato

Kamakailan ay naging malaking usapin ang birada ni Robin Padilla laban kay Coco Martin tungkol sa “buhusan ng tubig” umano sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano, ang long-running primetime series ng ABS-CBN.

Pinatotohanan ni Arjo Atayde, dating kasamahan ni Coco sa tele serye, ang tungkol dito. Ngunit, aniya, biruan lamang ito at for fun.

Ipinagtanggol din si Coco ng mga kasamahan niya sa palabas, kabilang na si Lorna Tolentino.

Nagsalita na rin ang kampo ni Coco tungkol sa akusasyon ni Robin.

Sa panig ni Ara Mina, na kakapasok lang sa Ang Probinsyano, hindi raw niya madalas nakakasama sa taping ang ABS-CBN Primetime King.

Narinig daw niya ang isyu, pero hindi raw ito dapat seryosohin.

Saad ni Ara, “Hindi ko siya madalas makasama, e. Magkaibang unit kami.

“Naririnig ko yung issue, pero parang wala namang ganung napag-usapan sa taping.

“Wala namang ganung isyu. Hindi ko alam.

“E, sa taping naman, maraming biruan, e.

Continue reading below ↓

“So I don’t think dapat seryosohin yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang online site si Ara sa grand opening ng pang-apat na branch ng kanyang restaurant na Hazelberry (A Taste of Love) kahapon, March 8.

Matatagpuan ang ika-apat na branch ng pastry at restaurant shop ni Ara sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa.

Dumalo sa opening ang mga kaibigan ni Ara na sina Martin Nievera, Sunshine Cruz, Tirso Cruz III, Jan Marini-Alano, Melissa Ricks, Bodie Cruz, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

HOPING TO SETTLE DOWN WITH THE RIGHT MAN

Matagumpay man sa negosyo at karera ngayon si Ara, mukhang hindi naman nakikiayon ang kanyang love life.

Ilang failed relationships na ang dumaan sa buhay ng singer/actress/entrepreneur.

Natatawa niyang sabi, “Malay mo naman, maging successful na rin ako, you know, it's 2020.

“So, I guess it’s a new, another decade, 2020.

"Baka ito na yung start ng magagandang mangyayari sa buhay ko.

“Ngayon, nari-reap ko na rin yung sa business.

“I think, mari-reap ko na rin pati sa love life, di ba?

“Siguro naman, maawa na sa akin si Lord.

“I’m in the right age to settle down soon, and we’ll see.”

So, pinapangarap pa rin niyang mag-asawa?

Tugon ni Ara, “Oo naman, ayoko namang maging matandang dalaga.

“Meron namang mga ano diyan, nagki-care sa akin.

"Ang tanong diyan, if I’m ready.

“Ako na lang ang iniintay.”

Problema raw kasi niya ang oras.

Continue reading below ↓

“Yun ang problema sa akin, e, masyado akong workaholic.

“Yung time ang problema sa akin.

“Yun ang winu-workout ko sa sarili ko, kasi magiging unfair din ako sa ka-partner ko.

"Yun talaga ang problema sa akin, time.”

May isa nang anak si Ara mula sa dating niyang karelasyon na si Mayor Patrick Meneses.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer/actress/entrepreneur Ara Mina still hoping to settle down with the right man: "Oo naman, ayoko namang maging matandang dalaga."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results