Watch Now

Coco Martin's co-workers defend him against Robin Padilla's allegations

by Rachelle Siazon
Feb 21, 2020
Coco Martin (left) thanks supporters defending him from "maltreatment" allegations that Robin Padilla (right) hurled against the Ang Probinsyano star.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram

Idinaan ni Coco Martin sa kanyang work account sa Instagram ang pasasalamat sa natanggap niyang suporta sa gitna ng tirada ni Robin Padilla laban sa kanya.

May handle itong @cocomartin_ph, kunsaan makikita ang lahat ng trabaho ni Coco at ang admin nito ay mula sa kampo ng aktor.

Nadawit ang pangalan ni Coco sa mga sanga-sangang batikos ni Robin tungkol sa diumano'y mga maling pamamalakad ng ABS-CBN.

Nakipagsagutan si Robin sa netizens na kumukontra sa opinyon niya sa comments section ng kanyang Instagram posts.

Isang netizen ang nagsabing sa halip na makipagdebate si Robin ay gayahin na lang daw nito si Coco, na tahimik nagtatrabaho at tumutulong sa kapwa-artista at ibang katrabaho.

Tila nasaling ang damdamin ni Robin, at bumuwelta sa pamamagitan ng pagbanggit ng diumano'y mga hindi kanais-nais na ugali ni Coco pagdating sa mga katrabaho nito.

Ibinigay na halimbawa ni Robin ang umano'y pagbuhos ng tubig ni Coco sa "mga crew na nakakatulog sa pagod" at sa "pagpatol sa babaeng location manager."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COCO'S CAMP DENIES ROBIN'S ALLEGATIONS

Pero mariin itong pinabulaanan ng kampo ni Coco.

Wala raw katotohanang minamaltrato ni Coco ang mga kasamahan nito sa trabaho.

Katuwaan lang daw ang "buhos tubig" kapag nag-pack up na ang taping at naglalaro na lang ang mga tao sa set ng FPJ's Ang Probinsyano.

Base ito sa eksklusibong palitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isang insider sa Dreamscape Entertainment noong Miyerkules, February 19.

Ang Dreamscape ang content provider sa ABS-CBN na may hawak sa FPJ's Ang Probinsyano, ang long-running primetime series na pinagbibidahan ni Coco.

May iba ring mga pahayagan at online news sites ang naglathala ng mga ulat na naglalaman ng tirada ni Robin laban kay Coco.

COCO'S CO-WORKERS SPEAK UP

Mula noong Miyerkules (February 19) hanggang Huwebes ng hapon (February 20), isa-isang ipinost sa Instagram account na @cocomartinph ang mensahe ng ilang mga katrabahong nagtanggol kay Coco.

Makikita rito ang screenshots ng mga pahayag ng mga kasamahan ni Coco na nag-react sa mga alegasyon ni Robin laban sa Kapamilya Primetime King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa, na nasaksihan kung paano raw makisama si Coco sa crew (published as is):

"Very irrelevant naman yung statement ni Robin, he was not there when that was all happening.

"The set was our playground and thats what made the crew and him get closer. Thats what made them bond."

"And he does care about the entire crew, he makes sure that everyone eats on time, had their breaks on time and on top of that, in every party that he was sponsoring he makes sure that people had their own fair share."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa pang nakatrabaho ni Coco (published as is):

"Wag na po gumawa ng kwento na hindi mo naman alam ang buong storya Sa dami ng pinagdadaanan namin, hindi sa isang katulad mo kami masisira."

Mayroon ding netizen na nagsabing dumalaw siya minsan sa set ng isang proyekto ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasaksihan niya raw doon ang "buhusan ng tubig" habang "naghahabulan ang mga crew with Coco Martin."

May iba pang posts ng pagdepensa ng netizens kay Coco na sumusuporta sa kanya.

Iisa ang caption dito ng sinumang may hawak ng @cocomartinph sa Instagram.

Sabi rito: "Pamilya tayo! Maraming salamat!"

Nagkakaiba lang kapag tina-tag ni Coco ang mga kakilalang dumepensa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa fans, mensahe naman ni Coco: "Kasama kayo sa Pamilya ng FPJ's Ang Probinsyano [Philippine flag and heart emojis]"

Kabilang din ang aktor na si Baron Geisler sa nagsabing base sa karanasan niya ay maayos na katrabaho si Coco sa FPJ's Ang Probinsyano.

abs-cbn'S LEGAL BATTLE WITH OSG

Ang mga pinakawalang salita ni Robin laban kay Coco ay nag-ugat sa sunud-sunod na social media posts ni Robin tungkol sa legal battle sa pagitan ng ABS-CBN at ng abogado ng gobyerno, ang Office of the Solicitor General (OSG).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsampa sa Korte Suprema ng quo warranto petition ang OSG, na naglalayong matigil ang operasyon ng ABS-CBN.

Inakusahan ng OSG na sangkot diumano sa "highly abusive practices" ang ABS-CBN kaya dapat mapasara ito.

Nilabag umano ng ABS-CBN ang "foreign ownership restrictions" dahil sa pagbenta ng kumpanya ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) sa foreign investors.

Kinukuwestiyon din ng OSG ang pagsingil ng ABS-CBN sa pay-per-view Kapamilya Box Office (KBO) Channel sa TV Plus, gayong gamit daw nito ay free-to-air frequency.

Sa kanilang official statement, nanindigan ang ABS-CBN na wala itong ginawang paglabag sa mga probisyon sa prangkisa nito.

Iginiit ng ABS-CBN na dumaan sa tamang proseso ng government at private regulatory bodies ang pagbenta nila ng PDRs sa foreign investors.

Hindi rin daw labag sa probisyon ng kanilang prangkisa ang lahat ng "broadcast offerings" nito kabilang ang KBO Channel.

Samantala, hindi pa dinidinig sa Kamara ang panukalang ma-renew ng panibagong 25 years ang prangkisa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Huwebes, February 21, sinabi ng Malacañang na nasa kamay ng Kamara ang pagdinig kung bibigyan nito ng lisensiya ang ABS-CBN na makapag-broadcast sa TV at radyo sa susunod na 25 taon.

Ito raw ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa spokesman nitong si Salvador Panelo.

Taliwas ito sa makailang-beses na banta ng Pangulo na sisiguruhin nitong hindi mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi rin lingid sa publiko ang galit ng Pangulo sa hindi pag-ere sa ad campaign niya noong 2016 presidential elections, gayong bayad na niya ito.

ROBIN'S LITANY OF ARGUMENTS

Si Robin ay kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte mula pa noong nangangampanya pa lang sa pagkapresidente ang noo'y Davao mayor.

Lumalabas sa posts ni Robin na pabor siyang imbestigahan ng Korte Suprema kung may nilabag nga ba ang ABS-CBN sa mga probisyon ng prangkisa nito.

Ang rason ni Robin, hindi raw makatarungan ang working conditions ng non-regular employees ng broadcast giant, partikular na sa mga nasa produksiyon ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa umano'y long working hours hanggang sa maliit na suweldong nakukuha ng crew ay kinukuwestiyon ni Robin.

Kaugnay nito, diskumpiyado si Robin sa pagtatanggol ng mga malalaking artista sa ABS-CBN, sa ngalan ng libu-libong empleyadong mawawalan ng trabaho sakaling mawalan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Ani Robin, kung talagang nakikisimpatiya ang mga malalaking artista sa non-regular employees ng ABS-CBN ay "unahin" daw ang pag-improve sa working conditions ng mga ito "at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees."

Lalo pa't malaki raw ang pinakikinabangan ng ABS-CBN sa mga kinikita nito sa mga palabas sa "TFC" o The Filipino Channel, "KBO," iba pang pay-per-view offerings ng network, at pati YouTube channel nito.

Ang siste, lihis sa isyu ng quo warranto petition ang labor issues na ibinabato ni Robin sa ABS-CBN.

Bukod dito ay tinuligsa ng netizens ang umano'y pagtirada ni Robin sa network kung saan ito ay identified star.

May ibang netizens na tinawag na "hypocrite" si Robin dahil binabatikos nito ang ABS-CBN, kunsaan kumita siya mga pelikula at teleseryeng ginawa niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling TV project ni Robin sa Kapamilya network ay Sana Dalawa Ang Puso Ko, kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, noong 2018.

Box-office hit naman ang Unexpectedly Yours, ang huling pelikula niya sa Star Cinema katambal si Sharon Cuneta.

Ang Star Cinema ay film company ng ABS-CBN.

Depensa ni Robin, may mga natulungan din siyang mga katrabaho na hindi na niya isinapubliko.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (left) thanks supporters defending him from "maltreatment" allegations that Robin Padilla (right) hurled against the Ang Probinsyano star.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results