Matteo Guidicelli says rumored Italy wedding to Sarah Geronimo a hoax

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2020
Pressed by reporters at the National Youth Commission welcome ceremony for their newest ambassador Matteo Guidicelli, the actor denied reports that he and wife Sarah Geronimo ever planned a grand wedding in Italy.
PHOTO/S: Courteys: National Youth Commission on Facebook / @matteog on Instagram

Bago pa man ang secret Christian wedding nina Matteo Guidicelli, 29, at Sarah Geronimo, 31, noong February 20, maugong ang balitang gaganapin ang grand wedding nila sa Italy.

Ayon pa sa mga lumabas na reports, strictly invitational lamang daw ito para sa malalapit na kaibigan at kamag-anak nina Matteo at Sarah.

Pero naka-lockdown ngayon ang buong Italia dala ng coronavirus disease (COViD-19) outbreak.

Sa kasalukuyan ay may 9,000 infections na at lagpas 630 na ang namamatay sa Italy.

Kaya tanong ngayon ng marami: tuloy pa ba ang napabalitang kasal nina Matteo at Sarah sa Italy ngayong Marso?

Ngayon ay nilinaw mismo ni Matteo na hindi totoong may plano silang magpakasal sa Italy.

Sa awarding ceremony at pormal na pagtanggap kay Matteo ng National Youth Commission bilang youth ambassador kahapon, March 10, tinanong ng ABS-CBN News ang Kapamilya actor kung matutuloy pa ba ang napababalitang kasalan nila ni Sarah sa Italy.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktor at Philippine Army reservist, wala silang plano ng asawang si Sarah na magpakasal sa Italy, kahit bago pa man pumutok ang epidemya ng COViD-19.

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Matteo at Sarah noong February 20 sa Victory Church – Every Nation sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ginanap naman ang wedding reception sa Ministry of Crab, Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Patapos na ang wedding reception nang magkaroon ng komosyon dahil sa di-inaasahang pagdating ng ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Inakusahan si Matteo ng personal bodyguard ni Sarah, si Jerry Tamara, ng pananapak, dahil mainit umano ang ulo ng groom sa bodyguard na pinaghinalaan niyang nagsumbong kay Mommy Divine ng sikretong kasalan.

Mariin itong itinanggi ni Matteo.

Kalaunan, pumayag makipag-ayos si Jerry sa kampo ni Matteo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pressed by reporters at the National Youth Commission welcome ceremony for their newest ambassador Matteo Guidicelli, the actor denied reports that he and wife Sarah Geronimo ever planned a grand wedding in Italy.
PHOTO/S: Courteys: National Youth Commission on Facebook / @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results