Kiray Celis, boyfriend Stephan Estopia post "prenup" photos

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2020
Kiray Celis and boyfriend Stephan Estopia will celebrate their third monthsary on March 13, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @kiraycelis on Instagram

Kinakiligan ng netizens ang Instagram post ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis, 25, tungkol sa sweet photos nila ng nobyong si Stephan Estopia, 23.

Kuha ito sa isang farm sa Naic, Cavite na may mga atraksiyon at tanawing makikita sa iba’t ibang tourist destinations sa mundo.

Bahagi ng caption ni Kiray: “Sabi nga nila, 'One day, i will travel the whole world with the person i love the most.’ NATUPAD NA NGA!!!”

Saad pa ni Kiray, maiikot sa nasabing lugar ang mundo kahit walang passport at visa.

“Sa naic cavite lang po ito.

“At since lahat ng sulok sa lugar nato eh instagramable, Meron silang day tour para sainyo.

"Magandang Location rin to para sa tiktok mo. HAHAHAHAHAHA

“kami ng family ko ng overnight kami. Kasama ng mga friends namin. So para sa mga walang lovelife, pwedeng pwede niyong yayain pamilya or kaibigan niyo.”

Nilinaw naman ni Kiray sa huli na hindi “prenup photos” ang mga ito.

Continue reading below ↓

“Btw, hindi ito prenup. HAHAHAHAHAHAHAHHAHA (laughing in terms emoji).”

THE COMMENTS

Nagkomento naman sa post ni Kiray si Lovi Poe.

Ayon sa Kapuso actress, “Inlababo (two hearts emojis)”

Sagot ni Kiray, “mana po sayo aling virgie! (blue heart emoji).”

Continue reading below ↓

Ang tawag ni Kiray kay Lovi ay “Aling Virgie,” na mula sa totoong pangalan ng aktres na Lourdes Virginia Poe.

May kilig ang komento ng maraming followers ni Kiray, at ang iba sa kanila ay nagsabi pang “Sana all.”

Continue reading below ↓

PRENUP TRIP

Ayon naman sa post ng boyfriend ni Kiray, "prenup trip" lamang ang kanilang mga larawan.

Ipinagsigawan din ni Stephan sa publiko kung gaano niya kamahal ang nobya.

Sabi ni Stephan, “Yung jowa mong pinagtritripan ka sa lahat ng picture niyo.

"Prenup nga trip pala i love you very much johanna ismael celis (revolving hearts emoji)”

Continue reading below ↓

Sina Kiray at Stephan ay naging opisyal na magkasintahan noon lamang December 13, 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis and boyfriend Stephan Estopia will celebrate their third monthsary on March 13, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @kiraycelis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results