Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey constantly exchange “love” and “likes” on Instagram

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2020
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and Scottish-Colombian traveler-businessman Jeremy Jauncey are consistent in commenting on each other's social media accounts. The two have been romantically linked since the start of 2020.
PHOTO/S: @piawurtzbach, @jeremyjauncey on Instagram

Ayaw paawat nina Pia Wurtzbach, 30, at Jeremy Jauncey, 34, sa pagkokomento at pagla-like ng Instagram posts ng isa’t isa.

Dahil dito, lalong tumitibay ang espekulasyong nagkakamabutihan na ang dalawa.

Wala pang direktang pag-amin mula kina Pia at Jeremy sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Subalit may mga nauna silang posts sa social media na tila pahiwatig ng kanilang magandang pagtitinginan.

Nagsimulang ma-link ang Filipino-German former Miss Universe sa Scottish-Colombian traveler-businessman pagpasok pa lamang ng 2020.

Si Jeremy ay founder at chief executive officer ng Instagram account na Beautiful Destinations, isang in-demand marketing platform para sa major travel brands at tourism boards na may gustong i-promote.

Ang Beautiful Destinations, na may higit 13 million Instagram followers, ay passion project ni Jeremy.

JEREMY, PIA EXCHANGE “LOVE” AND “LIKES” ON INSTAGRAM

Hanggang sa pinakahuling post ni Pia ngayong Miyerkules, March 11, isa si Jeremy sa mga unang nagkomento.

Ang post ni Pia ay tungkol sa ginawa niyang cover shoot sa Brazil kamakailan.

Continue reading below ↓

Tatlong smiling face with heart eyes ang komento ni Jeremy.

Ang kapansin-pansin pa, ang emoji na ito ang consistent comment ni Jeremy sa karamihan ng recent Instagram posts ni Pia.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Ayon sa blog.emojipedia.com, ang smiling face with heart eyes emoji “enthusiastically conveys love and infatuation, as if to say ‘I love/am in love with’ or ‘I’m crazy about/obsessed with’ someone or something.”

Halos ganito rin ang kahulugan ng emoji na ito sa dictionary.com: "This emoji is associated with adoration, love, or extreme positivity toward a specific subject (romantic or not)."

Hindi rin maitago ni Jeremy ang paghanga niya sa mga post ng beauty queen.

May komento siyang “wow” at “so awesome” sa mga larawan ni Pia na nagpapakita ng kagandahan at kaseksihan nito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi rin naman nagpapahuli si Pia sa pagpansin kay Jeremy sa Instagram.

Nag-post si Jeremy nitong weekend ng trip niya sa Giza, Egypt.

Animo’y stolen shot ang kuha ng model-businessman na nakatingin sa malayo at nasa background ang pyramids.

Birong komento ni Pia, “Manila is this way!” na tila hinihikayat si Jeremy pumunta ng Pilipinas.

Sa mga naunang post ni Jeremy, mapapansin na laging naka-like si Pia.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PIA, JEREMY AND THEIR “SIMILAR” POSTS

Nitong mga nakalipas na linggo, may mga pahiwatig sina Pia at Jeremy sa social media, na mabilis namang napansin ng netizens.

Nito lamang February 2020, magkapareho ang ipinost nilang larawan ng dining table na kuha sa isang members’ club sa Brooklyn, New York.

Mahihinuhang magkasama ang dalawa sa naturang lugar dahil nai-post ang magkaparehong picture sa parehong araw.

Ganito rin ang nangyari noong January, nang mag-post sila ng kani-kanilang selfie.

Pareho ang background at timing ng kanilang Instagram posts na kuha sa Indonesia, kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon.

December 2019 nang kumpirmahin ng kampo ni Pia na break na sila ng race car driver na si Marlon Stockinger.

Nagtagal ang kanilang relasyon ng halos tatlong taon.

Samantala, inamin naman ni Franki Russell, former housemate sa Pinoy Big Brother Otso, na nasa getting-to-know-each-other stage ngayon sila ni Marlon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and Scottish-Colombian traveler-businessman Jeremy Jauncey are consistent in commenting on each other's social media accounts. The two have been romantically linked since the start of 2020.
PHOTO/S: @piawurtzbach, @jeremyjauncey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results