Sharon Cuneta back on social media; joins Hyun Bin fandom

by Arniel C. Serato
Mar 12, 2020
Megastar Sharon Cuneta breaks hiatus from social media by posting picture of South Korean actor Hyun Bin of Crash Landing on You fame: "Hyun Bin, my heeeaaaaarrrt..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Muling nagparamdam ang Megastar na si Sharon Cuneta, 54, sa kanyang followers sa Instagram at Facebook kagabi, March 11, 2020.

Ito ay matapos ng halos isang buwang self-imposed break sa social media.

February 13, 2020, nagpahiwatig si Sharon na pansamantala muna niyang lilisanin ang social media, sa hindi pa rin niya inihahayag na kadahilanan.

Sabi ni Sharon sa kanyang post noon: “I will be back.

“Remember that I love you all and will forever be grateful to you for all your love and support.

“May God bless us all, always.

“Your Sharon. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Noong mga panahong iyon ay maingay ang diumano’y pagpaparinig ni Sharon sa panganay na anak na si KC Concepcion.

Kaugnay nito, nakaranas ng bashing si Sharon mula sa netizens.

Inakusahan din siyang binu-bully diumano ang anak sa aktor na si Gabby Concepcion.

Hindi naman malinaw kung ito nga ba ang dahilan ng pansamantalang pamamahinga ng Megastar sa social media.

SHARON: “GETTING BETTER EVERYDAY”

Kagabi, March 11, pagkatapos ng 25 araw na pananahimik sa social media, muling nag-post sa Instagram at Facebook ang Megastar.

Pagbati ni Sharon sa kanyang followers: “Hello everyone! How’ve you all been?

“I hope all’s been well with you all.

“Me, still resting, getting myself back together, and by God’s grace, getting better everyday.”

Kasunod nito, ibinahagi ng singer-actress ang pagkahumaling niya sa South Korean actor na si Hyun Bin.

Si Hyun Bin ang bida sa K-drama series na Crash Landing on You, na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

Pinapanood na rin daw niya ang isa pang palabas ni Hyun Bin na Secret Garden.

Pagtatapos ni Sharon, “Also, someone crashlanded into my heart really hard.

“And now we are in a Secret Garden. LOL. Is this it, Gong Yoo?

“Hyun Bin, my heeeaaaaarrrt... #dimples #thatsmile #thatface #darnjustthisman

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta breaks hiatus from social media by posting picture of South Korean actor Hyun Bin of Crash Landing on You fame: "Hyun Bin, my heeeaaaaarrrt..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results