KC Concepcion opens up about solo living in a time of community quarantines

by Bernie V. Franco
Mar 13, 2020
KC Concepcion on living alone while the entire Metro Manila is on community quarantine: [Sa] mga panahon katulad ngayon… Kung okay rin mag-isa o kung, di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sa ‘yo at meron ka ring kausap."
PHOTO/S: @ethandavid_ and @itskconcepcion on Instagram

Naglabas ng sentimyento si KC Concepcion, 34, kaugnay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas.

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa bansa sa Code Red Sub-level 2 nitong Huwebes, March 12.

Ang hakbang na ito ng administrasyon ay para maiwasang lumala pa ang kaso ng coronavirus sa bansa.

Ang mahabang mensahe ni KC ay idinaan niya sa sunud-sunod na videos na ipinost nito sa Instagram Story kagabi.

Ang kanyang mensahe ay para sa mga kagaya niyang naninirahang mag-isa.

Bungad ng aktres, “For now, gusto ko lang i-share na kung kayo ay katulad ko na mag-isa sa bahay at walang kasama sa bahay, or hindi na nakatira sa parents niyo, or single kayo, wala kayong asawa, at wala sa tabi niyo ang boyfriend niyo, or wala kayong boyfriend or girlfriend… ako din, mag-isa lang ako dito."

Salamat na lamang daw sa modern technology at may komunikasyon siya sa kanyang mga kamag-anak.

Continue reading below ↓

“Na-touch talaga ako kanina dahil meron kaming group chat ng mga titos and titas ko sa mother side, na alam nila na mag-isa lang ako and they would tell me na, ‘Basta alam mo na nandito lang kami,’” pagbabahagi ng anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion.

Bagamat maaga siyang naging independent, sinabi ng dalaga na sa mga panahong ganito ay naiisip niya kung mas maganda ba kung may kasama.

“Home away from home.

“Nasanay na akong tumira mag-isa since 18 [years old] ako, since nag-college ako.

“I know na maraming tao dito, who are like me, na napaka-independiyente at nagawa naman.

“Pero siyempre, sa mga panahon katulad ngayon, na ganito, yung lang…

"Kung okay rin mag-isa o kung, di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sa ‘yo at meron ka ring kausap.

“Pero thank God talaga na may mga video calls na ngayon, may text, di ba?

Continue reading below ↓

“At least ngayon nalilibang ang mga sarili natin and may mga ways to entertain ourselves,” aniya, katulad daw ng video chat at instant messaging.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si KC, at kagagaling ng Boracay kung saan siya dumalo sa kasal nina Jay-R at Mica Javier.

Nag-aral si KC sa American University of Paris sa France, kung saan siya nagtapos ng International Corporate Communications, minor in Theatre Arts noong 2007.

Continue reading below ↓

KC: “WHAT IS LIFE?”

Mensahe pa ni KC para sa mga kagaya niyang mag-isa, samantalahin ang pagkakataong ito para ingatan ang sarili at magmuni-muni.

“I encourage those like me, who live alone, to take this time to, one, self-quarantine, so that you can just check ourselves for the next 14 days to see if clear kayo, if may napi-feel kayo.

“My doctor told me don’t go to hospitals unnecessarily, because more than 90 percent of those infected recover.”

Pero paalala ni KC, huwag hintaying lumala ang sakit, lalo na kung may mga nararamdamang mga sintomas.

“Just take this time to just pray and think about life.

“What is life na ba ito?” sabay tawa ng aktres.

Patuloy niya, “Maybe it’s good for us to think about what really matters in life.

“Walang perfect, like what I’ve said before, pero sana maipakita natin sa isa't isa ang pagmamahal natin.

“My way of showing that I care is letting you guys know you’re not alone.

Continue reading below ↓

"Actually gusto ko ngayon sabihin sa sarili ko, ‘You’re not alone.’”

Sa huli, ipinaalala ni KC ang patuloy na pag-iingat sa sarili, pagdarasal, at pagkalap ng tamang impormasyon ngayong panahong may banta ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion on living alone while the entire Metro Manila is on community quarantine: [Sa] mga panahon katulad ngayon… Kung okay rin mag-isa o kung, di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sa ‘yo at meron ka ring kausap."
PHOTO/S: @ethandavid_ and @itskconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results