UPDATE: Metro Manila to have curfew from 8 p.m. to 5 a.m.

by Arniel C. Serato
Mar 14, 2020
The Metro Manila Council, composed of the 17 mayors, unanimously approved a resolution imposing a Metro Manila-wide curfew starting tomorrow, March 15.
PHOTO/S: Courtesy: Jeffrey Lobos on Facebook

Magpapataw na ng curfew sa buong Metro Manila.

Pero ang latest update mula kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ay sa Lunes, March 16, na ito maipapatupad.

Sa panayam nito sa DZMM, sinabi niyang kailangan pang maglabas ng resolusyon ang mga mayor sa kani-kanilang bayan tungkol dito.

Ang pagpapatupad ng curfew ay base sa pinagkasunduan ng 17 Metro Manila mayors na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC).

Ayon sa naunang pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, magsisimulang ipatupad ang curfew na mula 8 p.m. hanggang 5 a.m., sa March 15.

Alinsunod pa rin ito sa deklarasyon ni President Rodrigo Duterte noong March 12 na isasailalim ang Metro Manila sa community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng corona virus disease-2019 o COVID-19.

Samantala, nagbigay-paalala si PNP Major General Guillermo Eleazar at GM Garcia na lahat ng non-essential activities ay hindi papayagan ng mga awtoridad—katulad ng pagpunta sa mga bar, pakikipag-inuman, at pagbisita sa mga kamag-anak.

Continue reading below ↓

Ang mga empleyado namang papauwi pa lang sa kanilang mga tahanan sa gabi ay papayagan daw basta magpakita sila ng identification cards (ID) o kaya ay proof of employment.

Ang pagpapatupad daw ng curfew ay dadaan pa rin sa daily review.

Kasalukuyang pandemic ang COVID-19, with 124,516 confirmed cases at death toll na 4,607 sa 118 na bansa. Ito ay ayon sa March 11 datos ng World Health Organization.

Ang Pilipinas ay mayroong 64 positive COVID-19 cases at may anim nang namamatay.

Nakalagay sa advisory ng Department of Health (DOH) ngayong umaga ng March 14: “DOH reports 1 new death due to COVID-19. This brings the total number of mortalities in the country to six (6)."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Metro Manila Council, composed of the 17 mayors, unanimously approved a resolution imposing a Metro Manila-wide curfew starting tomorrow, March 15.
PHOTO/S: Courtesy: Jeffrey Lobos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results