Ellen Adarna admits she was "stuck in black hole" for nearly three years

by Rachelle Siazon
Mar 15, 2020
Ellen Adarna: "My anti depressants didnt do me any good, it made me immobile and numb. i was getting weaker mentally and emotionally—something had to be done."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Inamin ni Ellen Adarna na may pinagdaanan siyang depression sa loob ng halos tatlong taon.

Base sa kanyang Instagram Stories, nagpatingin pa raw siya sa doktor at niresetahan ng anti-depressants.

Pero hindi raw umubra ang mga ito.

Pahayag ni Ellen (published as is): "To everyone asking, i did mental training coz i was stuck in this black hole for almost 3 years.

"My anti depressants didnt do me any good, it made me immobile and numb.

"i was getting weaker mentally and emotionally—something had to be done."

Nagdesisyon si Ellen na sumailalim sa isang 14-day retreat sa Bali, Indonesia.

Mahigpit na ipinagbawal daw ang magkaroon siya ng contact sa "outside world," kaya nag-focus siya sa isang one-on-one wellness program sa tulong ng isang mentor doon.

Patuloy ni Ellen (published as is): "My mentor took videos and pics so i can see my progress and achievements and how i dealt with my demons.

Continue reading below ↓

"He documented some of the exercises so i can look back be reminded and say i did it.

"i was isolated for one week no phone no contact with the outside world.

"This is a one on one training. 14 days straight. 14 days vegetarian."

"MASTERING MY EMOTIONS"

Isa-isa ring ipinakita ni Ellen ang mental at physical exercises na ginawa nito habang nasa retreat.

Una rito ang "standing tree meditation," kunsaan limang oras na nanatiling nakatayo si Ellen sa iisang puwesto na binulugan ng chalk.

Ang lugar na kinatatayuan niya ay isang unfinished construction site na ang view sa bandang likod ay isang pool.

Tumayo raw siya roon mula 5 p.m. hanggang 10 p.m.

Continue reading below ↓

Sa isa niyang caption, naalala niya ang The Man Who Can't Be Moved ng The Script bilang paglalarawan sa kanyang meditation.

"Mastering my emotions... hahaha Ano na?! Meditate coz wala na jud choice. Hahahahah push!"

Dagdag niya, "Its all in the mind. True story."

Sa sumunod niyang workshop, makikitang nabalot ang buong katawan ni Ellen sa isang cling wrap habang nakahiga siya sa isang yoga mat.

Continue reading below ↓

Base sa ilang videos na ibinahagi ni Ellen, nakasubaybay sa kanya ang kanyang mentor.

"Use your imagination. The body is the slave of the mind. The more you imagine, the more your body is working for you," saad ng kanyang mentor.

Halos hindi naman makapagsalita si Ellen, at hindi na rin siya sumagot nang tanungin ng mentor kung tiga-saan siya sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Bahagi pa ni Ellen, "I was full force panic[k]ing coz I thought i couldnt breathe and i had no way out but to get out of it.

"So to everyone asking, yes im in bali doing my mental training."

GETTING HER "SANITY" BACK

Isa pang workshop na dinaanan ni Ellen ay ang pagtalun-talon ng limang kilometro sa isang residential street hanggang sa bandang highway ng Bali.

Continue reading below ↓

Makikitang nakatali ang paa ng sexy star para siguradong hindi ito makakalakad at panay talon lang ang magagawa nito.

"Had to jump 5km for my sanity. By the 2nd hour i was just in full meditation. Hello sa mga pinoy who saw me."

Kasama rin sa kanyang mental exercise ang maggupit ng bermuda grass nang apat na oras.

Continue reading below ↓

"Had to cut bermuda grass one by one and arrange them 'harmoniously.'"

Makikitang isa-isang nilatag ni Ellen ang mga nagupit nitong damo sa dalawang bond paper.

Ang mga simpleng gawaing ito ay nakatulong daw para maging "calma" siya.

Continue reading below ↓

Sa huli, binigyan si Ellen ng certificate na natapos niya ang kanyang 14-day retreat sa wellness center na pinuntahan niya sa Bali, Indonesia.

Sabi ni Ellen, "I can now finally say, after years of s[t]ruggling... I am no longer a prisoner in my own mind. Ahhhh!!! Freedom we meet again."

Hindi binanggit ni Ellen kung ano ang sanhi ng kanyang depression nitong nagdaang mahigit tatlong taon.

THE LAST THREE YEARS

Pero sa loob ng panahong nabanggit niya ay sakto sa paghinto ng kanyang showbiz career kasabay ng career ng noo'y nobyo niyang si John Lloyd Cruz.

October 2017 nang sabay silang umalis sa ABS-CBN weekly sitcom na Home Sweetie Home, na pinagbibidahan ni John Lloyd at Toni Gonzaga.

November 2017 nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbubuntis ni Ellen at na si John Lloyd ang ama.

June 27, 2018 nang ipanganak ni Ellen ang anak na lalaki nila ng premyadong ABS-CBN actor.

Continue reading below ↓

Patuloy pa rin noon ang pagiging low-key ng magkasintahan, maliban sa ilang pagkakataong namataan sila, tulad nang namasyal sila sa Japan noong January 2019.

Namataan din ang dalawang bumisita sa sementeryo sa Cebu kung saan nakalagak ang labi ng yumaong ama ni Ellen.

Huling nakitang magkasama sina John Lloyd at Ellen sa kaarawan ng kanilang anak noong June 27, 2019.

Pero bandang August 2019 ay pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Tikom ang bibig ni John Lloyd hinggil sa isyu. Ang tanging naiuulat tungkol sa aktor ay ang pagbabalik-pelikula nito sa Servando Magdamag.

Sa kaso ni Ellen, muli siyang naging aktibo sa social media simula nitong January 2020.

Makailang-beses na ring nagpahaging si Ellen tungkol sa kanyang pagiging "single."

Noong February 2020, nakipagkita si Ellen sa dating mga katrabaho sa ABS-CBN, na nagbirong handa na ata uling magbalik-trabaho ang sexy star.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna: "My anti depressants didnt do me any good, it made me immobile and numb. i was getting weaker mentally and emotionally—something had to be done."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results