Entire Philippines now under state of calamity  

Mar 17, 2020
President Rodrigo Duterte issues Proclamation No. 929 declaring state of calamity in the entire country.
PHOTO/S: Courtesy: Victor Del Rosario on Facebook

Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Pilipinas sa state of calamity simula ngayong araw, March 17.

Tatagal ang state of calamity sa bansa ng anim na buwan.

Sa pamamagitan daw nito, madali nang maa-access ng national at local government units (LGUs) ang kanilang emergency funds upang masupil ang pagkalat ng corona virus disease-2019 o COVID-19.

Bahagi ng nakasaad sa Proclamation No. 929 na ipinost ng GMA News sa Twitter:

“WHEREAS, such declaration will, among others, afford the National Government, as well as LGUs, ample latitude to utilize appropriate funds, including the Quick Response Fund, in their disaster preparedness and response efforts to contain the spread of Covid-19 and to continue to provide basic services to the affected population.”

Continue reading below ↓

Ipinag-utos din ng Pangulo ang price control sa mga pangunahing bilihin.

Nauna nang iprinoklama ni Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon kahapon, March 16, upang pigilan ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.

DUTERTE VISITS BORDERS

Samantala, bumisita si Pangulong Duterte kaninang alas-kuwatro ng umaga sa ilang borders na nagpapatupad ng checkpoints, kaugnay pa rin ng enhanced community quarantine.

Ayon sa ulat ng DZMM ngayong araw, sinabi ng Group Commander ng Presidential Security Group (PSG) na si Colonel Jesus Durante III na lumabas ang Pangulo dahil gusto nitong makita nang personal ang sitwasyon sa mga checkpoints.

Sinadya raw na walang pasabi ang pagbisita ng Pangulo.

Ayon pa kay Durante, nasaksihan ng Pangulo ang mahahabang pila ng sasakyan, tao, at truck na dumaraan sa isang checkpoint.

Hindi naman daw pinayagan ng PSG na makipagkamay ang Pangulo kahit kanino.

Bukod sa Valenzuela-Meycauayan boundary sa may MacArthur Highway, pumunta rin ang Pangulo sa Mindanao Avenue checkpoint.

Continue reading below ↓

Dumaan din ang convoy ng Pangulo sa North Edsa at Balintawak.

Sa video na ibinahagi sa Twitter ng GMA News reporter na si Jonathan Andal, mapapanood dito ang pagdating ni Duterte sa Valenzuela-Meycauayan boundary.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte issues Proclamation No. 929 declaring state of calamity in the entire country.
PHOTO/S: Courtesy: Victor Del Rosario on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results