Frankie Pangilinan turned off by trolls, turns off Instagram comments  

by Arniel C. Serato
Mar 19, 2020
Frankie Pangilinan on shutting down comments section of her Instagram account: "This isn’t even political discourse it’s just blatant negativity, the kind of energy we don’t need to foster at this time.”
PHOTO/S: Ocs Alvarez

Hindi na nakayanan ni Frankie Pangilinan ang sobrang below-the-belt comments sa kanyang Instagram account, kaya nagdesisyong itong i-turn off na ang comments section nito.

Mensahe ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa Twitter ngayong Huwebes, March 19 (published as is):

“im turning off comments on my instagram because i woke up to this.

"- i’ve never gotten this volume of commentary before.

"- this isn’t even political discourse it’s just blatant negativity, the kind of energy we don’t need to foster at this time.”

Continue reading below ↓

Kalakip ng mensahe ni Frankie ang screenshots ng mga masasamang ipinupukol ng netizens.

Sa isang screenshot, makikitang isang netizen ang walang habas na nagsabing “bobo” si Frankie, at pinaratangang pang ang kanilang yaman ay galing sa pera ng bayan.

Narito pa ang ibang nakakainsultong comments na ibinahagi ni Frankie sa kanyang post:

Continue reading below ↓

Sinabi pa ni Frankie sa isang Twitter post niya kagabi na ibang klase na itong pag-atake at pagkuyog sa kanya.

“dude paid trolls are really unreal ha getting 35+ comments on a post from three days ago and all in one minute"

Continue reading below ↓

Ang naging desisyon niya: “and now i’m muting this bc a few boomers gonna call me ugly and i don’t need that energy while bonding w my sister goodnight”

FRANKIE'S TWEETS THAT TRIGGERED THE BASHING

Lumalabas na ang pinagmulan ng matinding bashing kay Frankie ay ang magkasunod na posts niya sa Twitter kahapon, March 18.

Continue reading below ↓

Una, ibinahagi ni Frankie ang screenshot ng pahayag ng Twitter user ding si Carl Taylo (@caarltaylo).

Tungkol ito sa tila pagbibigay prayoridad ng gobyerno sa militar sa halip na sa kalusugan ng mamamayan.

Pahayag ni Carl: "When we say #MedikalHindiMilitar, we mean focusing the government's efforts in allocating all available funds to aid the health sector to support our public hospitals and our health workers by secure PPE's (Personal Protective Equipment) and other necessary equipment that our hospitals badly need.

"We mean nationwide mass testing so that we can actually diagnose and treat even those asymptomatic.

"We mean temporary quarantine centers, disinfecting of heavily infected areas, distributon of free face masks, hand soaps, alcohol, drinking water rations, and vitamins to every barangay.

"Obviously we're not asking doctors and health workers to man the checkpoints instead of the military, but what we're asking is they be equipped with PPE's, sufficient and the right kind of thermometer guns, and mobile disinfecting areas, and to be led by trained health worker/s."

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan ito ni Frankie.

Sabi niya sa caption: “i couldn’t find the right words to phrase my feelings but @caarltaylo wrote this so eloquently and captured the sentiments exactly. so now i’m sharing it with you. #MedikalHindiMilitar

Dagdag paliwanag ni Frankie: “to quote @caarltaylo, alam naman po namin na nandiyan po ang militar upang limitahan ang pag-galaw ng publiko upang maiwasan ang lalong pag-kalat ng virus. 'di naman kasi sinabi na 'di sila kailangan. basa-basa po muna kasi ano? ingat nalang po sa covid-19! salamat!”

Continue reading below ↓

Ni-repost naman ni Carl ang tweet ni Frankie tungkol sa kanyang post.

Mensahe ni Carl sa caption: "grabe yung mga tao na nagco-comment.

"'di 'man lang nabasa yung nakasulat pero grabe maka-atake sa amin. basahin niyo po muna pls.

"always stay hydrated, wash your hands, and stay safe from covid-19. salamat!

Continue reading below ↓

Sa ngayon, nababalot ang mundo sa takot dahil sa delubyong dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa Pilipinas, mayroon nang 202 positive cases at 17 deaths.

Isinailalim ng gobyerno ang bansa sa state of calamity, samantalang idineklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan on shutting down comments section of her Instagram account: "This isn’t even political discourse it’s just blatant negativity, the kind of energy we don’t need to foster at this time.”
PHOTO/S: Ocs Alvarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results