Sharon Cuneta to daughter KC Concepcion: “I love you no matter what. That will never change.”

by Bernie V. Franco
Mar 19, 2020
Sharon Cuneta tells daughter KC Concepcion: “I will always love you with all my heart, even if sometimes we cause each other pain."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

“Anak ko si KC. Walang puedeng mas may magmahal sa kanya nang higit sa akin.”

Kay Sharon Cuneta, 54, mismo galing ang pahayag na ito patukoy sa panganay na anak na si KC Concepcion, 34.

Nitong Lunes, March 16, nagbigay ng indikasyon si Sharon na nagkaayos na sila ni KC pagkatapos ng dalawang buwang tampuhan.

Ipinromote ni Sharon via Instagram ang YouTube Channel ni KC, anak niya sa dating asawang si Gabby Concepcion.

January 2020 nang magpalitan ng mga pahayag ang mag-ina sa social media tungkol sa kanilang di pagkakaunawaan.

Pero nitong Lunes, bukod sa pagpapakita ng suporta ni Sharon sa YouTube channel ni KC, ipinahayag din ng Megastar ang pagmamahal sa anak.

“I love you no matter what. That will never change,” mensahe ni Sharon kay KC sa comments section ng post ng Megastar.

SHARON’S LOVE FOR KC

Sinuklian ni KC ang pagpapahayag ng pagmamahal ng ina.

Aniya, “I love you too, Mama, no matter what.[cupid heart emoji]”

Continue reading below ↓

Sumagot dito si Sharon.

Mensahe niya kay KC: “No matter what you do, I have taught you right from wrong and I will always trust in God Almighty in the way I have raised you.

“You are a beautiful person.

“And you shall always be my baby.

“I will always love you with all my heart, even if sometimes we cause each other pain.

Continue reading below ↓

“That’s normal as no one is perfect.

“But the world may turn upside down and the one hand that won’t be letting you go of yours even if she falls to her death is your Mama’s. [heart emoji]”

SHARON HOPEFUL TO HAVE A BETTER RELATIONSHIP WITH KC

May isang supporter si KC ang naantig sa ginawa ni Sharon para sa panganay na anak.

Continue reading below ↓

Sabi ng fan, natuwa siyang sa wakas ay nakita niyang sinuportahan ni Mega ang ginagawa ni KC.

Himutok kasi ng fan, nang mag-aral ng gemology sa ibang bansa si KC ay hindi niya nakitang sinuportahan ito ni Sharon.

Nang i-launch ni KC ang kanyang jewelry line na Avec Moi noong March 2018, hindi rin dumating si Sharon.

Kaya naman ikinatuwa ng fan na sinuportahan ni Sharon ang YouTube channel ni KC.

Continue reading below ↓

May sagot dito ang Megastar.

Tinukoy niya kung ano ang madalas pag-ugatan ng tampuhan nila ni KC.

Saad ni Sharon (published as is): “Sa totoo lang may hidwaan kami nung launch ng avec moi.

“Ayaw din nya ipasabi nung una na nag-aaral siya sa states ng gemology.

“Mula nung maliit sya kahit wala akong tulog at halos sumuka na ng dugo sa pagod, never ako nakamiss ng kahit anong school activity nya.

“She is very independent kasi but the downside of that is that minsan di ko na alam ang nangyayari sa anak ko dahil di sya nagkukwento.

“Late ako lagi makaalam.”

Nabanggit na ni Sharon ang tungkol dito sa isa niyang post noong kasagsagan ng tampuhan nila ni KC.

Umaasa naman ang Megastar na ngayong bati na sila ni KC, mas gaganda ang relasyon nilang mag-ina.

“Now it will be better.

“Anak ko si KC.

“Walang puedeng mas may magmahal sa kanya nang higit sa akin. [heart and praying hands emojis].”

Continue reading below ↓

May paliwanag din si Sharon kung bakit malaki ang pag-asa niyang mas magiging mabuti ang relasyon nila ni KC.

Kumuha raw kasi ng condominium unit si KC malapit sa condo unit niya.

“At least si #1 malapit lang,” sabi ni Sharon, pagtukoy sa panganay na anak.

“Malaki na siya. Kailangan magwalis-walis sa condo niya!

Continue reading below ↓

“Pero only one kembot kung gusto niya pumunta dito…” banggit ng ng singer/actress/host.

Sa isang hiwalay na post kamakailan, nabanggit naman ni KC na nakatira siya ngayon sa isang condominium sa Rockwell Center sa Makati City.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta tells daughter KC Concepcion: “I will always love you with all my heart, even if sometimes we cause each other pain."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results