Vice Mayor Gian Sotto defends Mayor Joy Belmonte against "most wanted mayor" chatter

by Rose Garcia
Mar 19, 2020
Sa gitna ng mga sitsit tungkol sa pagiging "most wanted mayor," nakakuha ng kakampi si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa katauhan ng kanyang vice mayor na si Gian Sotto. Inisa-isa ni Gian ang mga ginagawang hakbang ni Joy upang masugpo ang COVID-19 sa kanilang lungsod.
PHOTO/S: Facebook

Dahil sa COVID-19 outbreak, nasusubok ang kakayahang mamuno, hindi lamang ng mga nasa national level kundi lalo na ang nasa local na pamahalaan, partikular na ang mga mayor.

Nitong mga nakalipas na araw ay naging viral sa social media ang meme na “Finding Mayor.”

Dito ay pinupuri ng netizens ang mga mayor na aktibo at visible sa kanilang mga nasasakupan sa gitna ng banta ng COVID-19.

Nasa unahan ng listahan ng netizens sina Pasig Mayor Vico Sotto, Manila Mayor Isko Moreno, Cainta Mayor Kit Nieto, at Makati Mayor Abby Binay.

Sa kabilang banda, nangunguna naman sa listahan ng “missing in action” o “most wanted mayors” si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ilang netizens na taga-Quezon City ang nag-repost ng memes na ito at nagtanong: “Nasaan si Mayor Joy?”

Kabilang ang writer na ito sa nag-post ng tungkol dito.

Sa comments section, ilang personalidad ang nag-react upang ipagtanggol si Mayor Joy.

Continue reading below ↓

Kabilang na rito si Ciara Sotto, nakababatang kapatid ng vice mayor ng Quezon City na si Gian Sotto.

Sina Ciara at Gian ay mga anak ni Senate President Tito Sotto.

VICE MAYOR GIAN ON MAYOR JOY

Ibinahagi ni Ciara sa aming thread ang naging sagot ni Gian sa mga netizen na tumutuligsa kay Mayor Joy.

Inisa-isa ni Gian ang mga ginagawang hakbang umano ni Mayor Joy at ng lungsod ng Quezon kaugnay ng COVID-19 outbreak.

Saad ni Vice Mayor Gian tungkol kay Mayor Joy, base sa post ni Ciara:

“She’s in the city hall or area every day. I was at their ExeCom, and GRABE! Nakaka pagod ginagawa niya.

“From giving directives to each BARANGAY chairman on how the procedures are when there is a report of a COVID person, to the quarantine instructions per BARANGAY...

“To the giving directives to the QCDRRMC on how to respond sa epidemic...

“Everyday and whole day Meeting and messaging with Health Department, QCGEN, NOVALICHES DISTRICT HOSPITAL and BHW and Health Centers... etc

Continue reading below ↓

“Sama pa natin yung Department of Public Order, executive time nag ayos ng guidelines na susundin sa traffic scheme, and papaano mamaintain yung Social Distancing sa mga open establishments...

“Meron pa yung siya nakipag meet with the Business Sector, and had an agreement with Mall owners to give consideration sa mga stalls and umuupa na stores na sarado na wag muna mag bayad ng tent for the whole quarantine period...

“Si Mayor Joy rin and Gen Montejo magset up ng Checkpoints in every are of QC. We fixed the proper coordination ng bawat Police Station and Station Commanders to conduct the checkpoint and maintain police visibility.

“May ongoing rin kaming sineSet Up na provision ng pagkain para sa mga under privileged sector, para mabigyan sila ng food, ... and wala pa ako sa kalahati."

CHYNNA ORTALEZA

Ipinagtanggol din ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza si Mayor Joy.

Base raw sa kanyang personal na karanasan, maagap ang pagresponde ng COVID-19 hotline sa kanilang lugar.

Continue reading below ↓

Sabi ni Chynna, “She set up a very effective QC Covid hotline.

“I called for a friend yesterday and the ambulance was there in less than 20 minutes.

“At least in this area I can attest to the efficacy of its implementation.”

PRESS CONFERENCE

Kahapon, March 18, nagpatawag ng press conference si Mayor Joy upang iulat ang kasalukuyang sitwasyon ng Quezon City sa gitna ng COVID-19 crisis

Dito ay sinagot din ng alkalde ang mga sitsit na hindi raw siya makita o mahagilap ng kanyang constituents.

Pahayag niya: "Ako ang inyong punong-lungsod.

"Ako ang ina ng Lungsod Quezon at hindi ko po pababayaan ang mga mamamayan ng Lungsod Quezon.

"Umasa ang mga mamamayan natin na aktibo tayong kumilos.

"Bagkus, hindi tayo mahilig mag-post, pero tayo po ay kumikilos para sa kapakanan ng sambayanan ng Lungsod Quezon."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa gitna ng mga sitsit tungkol sa pagiging "most wanted mayor," nakakuha ng kakampi si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa katauhan ng kanyang vice mayor na si Gian Sotto. Inisa-isa ni Gian ang mga ginagawang hakbang ni Joy upang masugpo ang COVID-19 sa kanilang lungsod.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results