Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Leila de Lima refuse COVID-19 testing

by Bernie V. Franco
Mar 20, 2020
Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, and Leila de Lima follow DOH protocol and do not avail of the COVID-19 test kits, opting for self-quarantine instead.
PHOTO/S: @kiko.pangilinan, @hontiverosrisa, @manay_leila on Instagram

Tatlong senador ang tumangging sumailalim sa COVID-19 testing dahil sa kakulangan ng test kits.

Nagdesisyon sina Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, at Leila de Lima na sa halip na gumamit ng test kits ay mag-quarantine na lamang.

Katuwiran nila, dapat ipagamit ang test kits sa mga mas nangangailangan.

Sa kasalukuyan, limitado pa rin ang test kits para sa COVID-19 na kasalukuyang pinangangambahan sa bansa.

Sa guidelines at protocol ng Department of Health (DOH), ang prayoridad na sasailalim sa testing ay ang mga 60-anyos pataas, o kaya ay nagtataglay ng marami at malubhang sintomas.

Inirerekomenda naman ang 14-day quarantine sa mga nakararanas ng mild symptoms.

Dahil sa panganib ng virus, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Pilipinas sa state of calamity, at ang buong Luzon sa enhanced community quarantine.

SENATORS SAY NO TO COVID-19 TESTING

Noong March 16, kinumpirma ni Senator Juan Miguel Zubiri na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos magkaroon ng contact sa isang nagpositibo sa virus.

Continue reading below ↓

Bunsod nito, iminungkahi ni Senate President Tito Sotto III na magpatingin din ang iba pang mga senador kahit wala silang nararamdamang sintomas.

Pero nagdesisyon sina Senador Pangilinan at Hontiveros na sa halip na gumamit ng test kit, mag-self-quarantine na lamang sila, ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong March 18.

Mensahe ni Pangilinan sa kanyang text: “Initially, I was planning to get tested, but when I learned that DOH prescribed protocols provided that only those who had been exposed to COVID positive persons with flu symptoms should be tested, I decided that since I had no symptoms then I ought not to be tested."

Dagdag pa ng senador, naka-quarantine na siya mula pa noong March 10.

Noong March 16, nag-update sa Twitter si Senator Kiko at tiniyak na siya, ang kanyang asawang si Sharon Cuneta, at kanilang mga anak ay ligtas at naka-home quarantine.

Tweet niya: "Marami ang kinukumusta ako at si Sharon at pamilya matapos ang pahayag ni Sen Migz na positive sya sa #Covid19.

Continue reading below ↓

"Ok naman ako.

"Ok kami nina Sharon at mga bata. Walang mga sipon o ubo o lagnat. Naka home quarantine mula pa nung Martes."

Ayon naman sa staff ni Hontiveros, sumusunod ang senadora sa health protocols.

“She is not displaying any symptoms," mensahe ng staff member.

Ganito rin ang ginawa ng kanilang kapwa senador na si De Lima.

Continue reading below ↓

Idinaan ng senadora sa Twitter ang kanyang pahayag.

Aniya, “Just to be clear. I will not join my colleagues to be tested for COVID-19.

"I have been relatively in involuntary quarantine for the past 3 years.

"With God’s grace, I remain healthy."

Tatlong taon nang naka-detain si De Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.

Continue reading below ↓

Inaresto ang senadora noong Februay 2017 dahil sa mga alegasyong tumanggap umano siya ng drug payoffs mula sa mga preso ng Bilibid Prison noong Justice secretary pa siya.

Ayon sa senadora, mas gusto niyang gamitin ng isang Patient Under Investigation (PUI) ang test kit.

Saad niya: “Let us use our limited testing kits sparingly or judiciously and only upon the recommendation of a physician or a health professional complying with testing standards.

Continue reading below ↓

“Hindi po puwedeng lahat na lang ng matataas na opisyales ay magpa-test kaliwa’t kanan kahit walang exposure at symptoms.

"Mas kailangan po yang limitadong testing kits sa ating mga PUI at PUM [Person Under Monitoring] cases.”

Continue reading below ↓

OFFICIALS WHO TOOK THE TEST

Samantala, maraming senador ang nagpa-test para sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Senator Sotto na importante sa mga opisyal na manatiling malusog para magawa nila ang kanilang trabaho.

Dagdag niya, "Besides, we had a colleague who tested positive.”

Ang mga senador na nagpa-test ay sina Senators Grace Poe, Imee Marcos, Bong Revilla, Pia Cayetano, Francis Tolentino, Richard Gordon, at Panfilo Lacson.

Noong nakaraang linggo ay nagpa-test din, at nagnegatibo, sina Senators Nancy Binay, Win Gatchalian, at Bong Go.

DOH EXPLAINS GOVERNMENT OFFICIALS' access to TESTS KITS

Samantala, nagpaliwanag ang DOH kung bakit nakakuha ng test kits ang mga matataas na opisyal at ang kanilang mga pamilya, kahit wala silang nararamdamang sintomas.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang pamilya ay sumailalim sa COVID-19 testing.

Sa panayam ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa DZMM noong March 17, sinabi nitong hindi pa nababago ang kanilang revise tool nang gumamit ng test kits ang mga opisyal at ang kani-kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Na-expose daw ang mga opisyal na ito sa isang pasyenteng may COVID-19, kaya kinukunsidera silang PUI.

Kuwalipikado naman daw si Pangulong Duterte na sumailalim sa test dahil kasama ang 74-anyos na Pangulo sa vulnerable group.

Sa ngayon, prayoridad ng DOH na mabigyan ng testing kit ang senior citizens at may mga malubhang sintomas.

CAVITE GOVERNOR APOLOGIZES

Kaugnay ng DOH protocol sa kanilang “device tool,” humingi ng paumanhin si Cavite Governor Jonvic Revilla dahil sa pag-avail ng COVID-19 test kit.

Ito ay matapos siyang makatanggap ng pambabatikos sa publiko dahil sa pagkuha ng test kit sa kabila ng protocol ng DOH.

Inakusahan din siyang nag-“take advantage” ng kanyang posisyon.

Tweet ng gobernador noong March 18: “I take full responsibility. There’s a protocal and triage algorithm set by DOH. In the spirit of transparency...”

Kalakip nito ang kanyang official statement kung saan ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siyang mag-avail ng test kit.

Continue reading below ↓

Noong Lunes, March 16, dumalo raw siya sa isang meeting.

Nakapasa siya at lahat ng kanyang mga kasamahan sa thermal scan.

“Unfortunately, I just learned a few minutes ago that one of the participants had been running symptoms," ani Jonvic.

“So, in the spirit of transparency, I had myself swabbed and the samples sent to RITM [Research Institute for Tropical Medicine] for verification.”

Patuloy niya: “There’s a protocol and triage algorithm set by DOH that I may have skipped.

“I take full responsibility if you think I took advantage of my position.

“I am not exempted nor immune to the virus, no one is.

“I would like to apologise and I promise never to take advantage of my position again.”

Continue reading below ↓

ADDITIONAL TEST KITS

Samantala, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magpapadala ng tulong ang China kaugnay ng COVID-19 threat sa bansa.

Kabilang na raw rito ang 100,000 testing kits at 100,000 surgical masks.

Noong March 16, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inaasahang aabot sa 10,000 rapid test kits ang ipapadala sa Pilipinas ng South Korea.

Continue reading below ↓

Nakalikom din ng P10 million ang online art auction group na Art Rocks, na isa ring private organization.

Ilalaan ang nalikom nilang pondo sa pagbili ng test kits mula sa South Korea.

Tinatayang aabot ng 10,000 COVID-19 test kits ang mabibili. Balak ng grupo na i-distribute ito sa mga pangunahing ospital sa bansa.

Miyembro ng Art Rocks si Senator Zubiri, na nagpositibo sa COVID-19.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, and Leila de Lima follow DOH protocol and do not avail of the COVID-19 test kits, opting for self-quarantine instead.
PHOTO/S: @kiko.pangilinan, @hontiverosrisa, @manay_leila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results