Jodi Sta. Maria, Karen Davila, Gretchen Ho dismayed by palakasan system: politicians without symptoms asking for COVID-19 testing in their homes

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2020
(L-R) Actress Jodi Sta. Maria, news anchor Karen Davila, TV host Gretchen Ho, and TV reporter Chiara Zambrano angry that a number of politicians are reported asking to be tested for COVID-19 in their homes.
PHOTO/S: @jodistamaria, @iamkarendavila, @gretchenho, and @chiarazambrano on Instagram

Dismayado ang ilang celebrities sa usap-usapang ilang pulitiko ang humihiling na unahin silang isailalim sa COVID-19 testing sa kani-kanila mismong tahanan.

Ito ay sa kabila ng kakulangan pa rin ng COVID-19 test kits sa gitna ng krisis dulot ng virus.

Umalma ang ABS-CBN personalities na sina Jodi Sta. Maria, Karen Davila, at Gretchen Ho sa impormasyong ito.

March 21, Sabado, ibinahagi ng ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano ang isang statement na galing umano sa medical practitioners na nasa frontline.

Sa isang comment sa kanyang Instagram, binanggit ng ABS-CBN reporter na ang statement ay “gawa ng doctors.”

Nakasaad sa statement: “This message of utter frustration was shared by a medical doctor over requests of numerous politicians to be prioritized for COVID-19 testing when the backlog is already overwhelming.

“This is bogging down the COVID-19 testing. Politicians and their staff are now asking to be serviced in their homes by the DOH surveillance team.

Continue reading below ↓

“We have so many PUIs awaiting their results, and we can’t send (home) the PUMs who have been admitted the week before because we don’t have results yet.”

Ang PUI ay tumutukoy sa Patient Under Investigation, habang ang PUM ay Patient Under Monitoring.

Sabi pa sa statement: “Perhaps, if media can investigate this ‘palakasan’ system, we might be able to alleviate the overburdened emergency rooms.

“As of yesterday, ERs are already full.”

Continue reading below ↓

JODI, KAREN, GRETCHEN REACT

Ni-retweet nina Jodi, Karen, at Gretchen ang post ni Chiara.

Nagbigay rin sila ng reaksiyon tungkol dito.

Para kay Jodi, dapat pangalanan ang mga opisyal na umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

Mensahe ng Kapamilya actress: “Wag naman po sanang ganito.

“Sana pwedeng ma-disclose kung sinu-sino ang mga ito.”

Continue reading below ↓

Reaksyon ng Kapamilya TV host na si Gretchen: “Serbisyo muna, tao muna.”

May halong galit naman ang tweet ni Karen: "Ibang klase. 'Politicians and their staff now asking to be serviced in their homes by DOH surveillance team'

"THIS. MUST. STOP. Politicians should stop feeling entitled.”

Continue reading below ↓

Maanghang pang komento ng ABS-CBN News anchor: “Nakakagalit.

“Tumigil na kayong mga pulitiko at staff ninyo na nagpapa-test pa sa bahay pa sa ating DOH surveillance team.

“Dapat lahat ng pangalan nyo mabunyag sa totoo lang.”

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang film director at award-winning author na si Jerry B. Gracio sa mga opisyal na nanguna umano sa pagpapa-test.

Continue reading below ↓

Gusto rin niyang mapangalanan ang mga opisyal na ito.

NETIZENS ENRAGED


Nagpupuyos din sa galit ang ilang netizens sa di pa kumpirmadong impormasyon tungkol sa ilang opisyales ng gobyerno.

Gusto nilang mapangalanan ang government officials na nagnanais na puntahan sila sa bahay para sa COVID-19 testing.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PRIORITY IN COVID-19 TESTING

Ayon sa inilabas na device protocol ng DOH, prayoridad sa COVID-19 testing ang mga pasyenteng may edad 60-anyos pataas at ang mga nagtataglay ng malubhang sintomas.

Pinapayuhan naman ang mga may mild symptoms na mag-self-quarantine sa loob ng 14 days.

Ito ay dahil sa kakulangan pa rin ng available test kits.

Regular naman ang pag-a-update ng DOH sa pagdating ng medical supplies, kabilang ang test kits, mula sa ibang bansa.

OFFICIALS WHO GOT TESTED; DOH EXPLAINS

Matapos magpositibo si Senator Juan Miguel Zubiri sa COVID-19 noong nakaraang linggo, inirekomenda ni Senate President Tito Sotto na magpa-test ang iba pang senador—may sintomas man o wala.

Katuwiran ni Sotto, kailangang matiyak na malusog sila upang magawa nang maayos ang kanilang trabaho.

Aniya, ang ibang senador "volunteered to be tested because we wanted to make sure we are healthy enough to do our work. Besides, we had a colleague who tested positive.”

Continue reading below ↓

Kabilang din sa nagpa-test sina Senators Win Gatchalian, Bong Go, Nancy Binay, Grace Poe, Imee Marcos, Bong Revilla, Pia Cayetano, Francis Tolentino, Richard Gordon, at Panfilo Lacson.

Sumailalim din sa testing si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang pamilya.

Nagpa-test din at nagnegatibo sa COVID-19 sina Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez, at Transportation Secretary Arthur Tugade.

Samantala, tumangging magpa-test sina Senators Kiko Pangilinan, Leila de Lima, at Risa Hontiveros dahil sa kulang na nga ang test kits at maaari naman silang mag-self quarantine.

Sa interview ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa DZMM noong March 17, nagpaliwanag siya kung bakit nakakuha ng test kits ang matataas na opisyal.

“Nung mangyari ang mga test na ito, especially yung sa ating higher officials, hindi pa natin na-revise yung decision tool natin,” ani Vergeire.

Diin pa niya, na-expose ang mga opisyal na ito sa isang pasyenteng may COVID-19, kaya ikinukunsidera silang PUI o Patients Under Investigation.

Continue reading below ↓

The DOH ALGORITHM AND TRIAGE CHART

Noong March 16, naglabas ang DOH ng guidelines para sa monitoring at testing ng mga indibidwal para sa COVID-19.

Narito ang ilang keypoints:

*Patient under monitoring o PUM ang indibidwal na walang sintomas (lagnat, ubo, hingal, sintomas sa baga), pero may exposure (sa bansang may COVID-19; taong may COVID-19). Hindi siya kailangang sumailalim sa test, pero kailangang mag-self-quarantine sa loob ng 14 na araw.

* Patient under investigation o PUI ang indibidwal na may exposure (sa bansang may COVID-19; taong may COVID-19) at nakaramdam ng sintomas matapos ang 14 na araw. Hindi siya kailangang i-test, pero kailangang mag-self-quarantine muli ng 14 na araw.

* PUI rin ang indibidwal na walang exposure (sa bansang may COVID-19; taong may COVID-19), pero may malalang sintomas o mayroong hindi pangkaraniwang pulmonya, may kasama sa bahay, trabaho, o classroom na may trangkaso. (a) isasailalim sa COVID-19 test ang may mild symptoms, may ibang sakit, at may edad. (b) isasailalim sa COVID-19 test ang kritikal o may malubhang kundisyon.

Continue reading below ↓

*Papupuntahin naman sa tamang klinika ang may exposure (sa bansang may COVID-19; taong may COVID-19), pero walang lumabas na sintomas pagkatapos ng 14 na araw; gayundin ang pasyenteng may mga sintomas pero walang exposure (sa bansang may COVID-19; taong may COVID-19) at hindi malala ang mga sintomas.

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Actress Jodi Sta. Maria, news anchor Karen Davila, TV host Gretchen Ho, and TV reporter Chiara Zambrano angry that a number of politicians are reported asking to be tested for COVID-19 in their homes.
PHOTO/S: @jodistamaria, @iamkarendavila, @gretchenho, and @chiarazambrano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results