Bubbles Paraiso calls out Chito Miranda for leaving the house: “We need to stay at home.”

by Jet Hitosis
Mar 23, 2020
Bubbles Paraiso (left) calls out her best friend Chito Miranda (right) following the singer's "lakad-lakad muna sa village" post: "Set an example to your followers. Stay at home...let’s flatten the curve so we can all walk outside na again. Small sacrifices."
PHOTO/S: @bubblesparaiso, @chitomirandajr on Instagram

Sinita ni Bubbles Paraiso, 31, ang best friend niyang si Chito Miranda, 44, sa paglabas nito ng bahay habang naka-home quarantine ang buong Luzon.

Nag-react si Bubbles sa Instagram post ni Chito nitong Biyernes, March 20.

Sa post ng front man ng OPM band na Parokya ni Edgar, ibinahagi nito ang litrato sa labas ng kanyang bahay sa Tagaytay City.

Makikita sa picture na walang katao-tao sa labas ng bahay ni Chito at ng misis niyang si Neri Naig-Miranda.

Sa caption ni Chito, pinayuhan niya ang kanyang 1.3 million Instagram followers na mahalagang umiwas muna ngayon sa matataong lugar.

Ito, aniya, ay upang matiyak na mapigilan ang pagkalat pa ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Saad sa kabuuang post ni Chito (published as is):

“Lakad lakad muna sa village.

“Hangga't maaari, iwas muna tayo sa matataong lugar.

“Kung wala ka talagang choice, please be vigilant when it comes to keeping yourself, and the people around you safe and healthy.

Continue reading below ↓

“Medyo hassle talaga 'to, but we all need to do our part para maiwasan ang pagkalat ng virus at makabalik na tayo lahat sa normal na pamamaraan ng pamumuhay.

“Magiging ok din tayo.

“Stay safe, everyone!”

“SET AN EXAMPLE TO YOUR FOLLOWERS”

Nagkomento sa post na ito ni Chito ang malapit niyang kaibigan na si Bubbles, at sinabihan ang singer na manatili lang sa loob ng bahay.

Continue reading below ↓

“Chits. This is discouraged. Stay home.”

Nangatuwiran si Chito: “walang tao sa village namin.”

Continue reading below ↓

Mabilis ang sagot ni Bubbles: “set an example to your followers. Stay at home.”

Sinundan ito ng actress-model ng serye ng comments upang ipaliwanag sa kaibigan ang kanyang punto.

“even if walang tao, outside is outside. We need to stay at home, indoors.

“Gets naman the thinking na siguro pwede naman mag walking coz Walang tao but if that’s what everyone says eh di everyone will go out din”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nakumbinsi naman ni Bubbles si Chito.

Katuwiran ng singer, iniisip niyang ang pag-iwas sa pakikipaglapit o kawalan ng contact sa ibang tao ay epektibong laban sa COVID-19.

Komento ni Chito kay Bubbles: “gets gets…baka nga gayahin nga ng iba.

“Akala ko kasi basta iwas ka sa mga tao at walang contact ok lang”

Continue reading below ↓

Iginiit naman ni Bubbles ang ipinupunto na mahalagang magsilbing halimbawa si Chito sa kanyang fans, at huwag suwayin ang home quarantine.

Post ni Bubbles: “yup. but Yun nga. Set an example to your followers

“let’s flatten the curve so we can all walk (or in my case, run) outside na again.

“Small sacrifices [heart emoji]”

“Agree” na lang ang isinagot ni Chito sa kaibigan.

Continue reading below ↓

FRIENDSHIP IN THE TIME OF COVID-19

Sa sumunod na komento ni Bubbles, sinabi nitong nami-miss na niya si Chito.

Comment ni Bubbles: “missshooo. Hang when all this blows over.”

Sagot ni Chito: “miss you also, Bubbs!!! [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Ilang taon nang best friends sina Bubbles at Chito. Malapit din nilang kaibigan ang aktres na si Angel Locsin.

March 12 nang isailalim ang Metro Manila sa community quarantine.

Makalipas ang apat na araw, pinaigting ito sa enhanced community quarantine sa buong Luzon, at inobliga ang lahat na manatili lang sa bahay.

Continue reading below ↓

May kabuuang 462 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa latest update ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes ng hapon, March 23.

Labingwalo na ang gumaling sa sakit, bagamat may 33 na binawian ng buhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bubbles Paraiso (left) calls out her best friend Chito Miranda (right) following the singer's "lakad-lakad muna sa village" post: "Set an example to your followers. Stay at home...let’s flatten the curve so we can all walk outside na again. Small sacrifices."
PHOTO/S: @bubblesparaiso, @chitomirandajr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results