Celebrities call for COVID-19 mass testing; DOH says it is not advisable for now

by Bernie V. Franco
Mar 24, 2020
(From left)) Luis Manzano, KC Concepcion, Alex Gonzaga, Bianca Gonzalez, and Winwyn Marquez believe that COVID-19 mass testing could help curb the current health crisis the Philippines is facing.
PHOTO/S: Youtube (KC; Luis, via Magandang Buhay); Instagram (Alex, Bianca, Winwyn)

Mass testing ng COVID-19.

Ito ang nakikitang isang epektibong paraan ng ilan sa mga artista at personalidad upang mas maraming buhay ang maligtas mula sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng gabi, March 23, iniulat na 82 ang bagong kaso ng COVID-19.

Ito ang pinakamataas na bilang ng confirmed cases sa loob ng isang araw, sa ngayon.

Umakyat na ang total number of confirmed cases sa 462.

Ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 ay 33, habang 18 naman ang naka-recover.

CELEBRITIES CALL FOR MASS TESTING

May mga kilalang personalidad na naniniwalang epektibo ang pagsasagawa ng mass testing upang maagapan ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ang panawagan ni Alex Gonzaga sa kanyang tweet: “I agree. Yes to #MassTestingNgayonNa. Every filipino deserves this privilege. Please!”

Continue reading below ↓

Tanong naman ni Luis Manzano: “Serious question, why aren’t we doing mass testing yet?

“Is it a lack of budget? Availability of test kits?”

Ganito rin ang sentimyento ni KC Concepcion.

Sundot niya sa tweet ni Luis: “Thinking the exact same thing, have we gotten the answer to this?”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Bianca Gonzalez: “I really hope budget is released for the production of more testing kits because FREE MASS TESTING is just as important as the quarantine.”

Ni-retweet ni Bianca ang mensahe ni Tonyo Cruz, isang vlogger-columnist, na naniniwalang malaki ang magagawa ng mass testing sa kasalukuyang health crisis sa bansa.

Tweet ni Tonyo: “The spike in #COVID19 cases further justifies the demand for the government to implement FREE MASS TESTING starting in Metro Manila.”

Continue reading below ↓

Panawagan naman ng Kapamilya actor na si Khalil Ramos: “We badly need to start mass testing. #MassTestingNgayonNa”

Sa kanyang tweet noong Linggo, March 22, ginamit ni Winwyn Marquez ang “mass testing” hashtags.

Mensahe ng Kapuso actress-beauty queen: “Also.. please please FOLLOW PROTOCOL. unahin ang symptomatic patients, frontline health workers, and communities with confirmed cases.

Continue reading below ↓

"Kung may available na, na test kits unahin ang kailangan unahin...sana magawa..im hoping na gawin na. #MassTestingPH #FreeMassTestingNOWPH”

Si Agot Isidro, ginamit ang hashtag na #MassTestingNowPH noong Sabado, March 21.

Continue reading below ↓

SENATOR HONTIVEROS & VICE PRESIDENT ROBREDO

Pinangangambahan naman ni Senator Risa Hontiveros ang kalusugan ng frontliners, na binubuo ng medical at health workers.

Aniya, maging ang frontliners ay hindi pa nate-test sa kabila ng pagharap sa COVID-19 related cases araw-araw.

Panawagan ng senadora, mass testing para sa frontliners at mga at-risk sa pandemic disease.

Tweet ni Hontiveros ngayong Lunes: “Nagkakasakit na yung mga health workers at frontliners natin.

“Pero kahit sila hindi natetest dahil sa current triage.

“Mass testing will protect our healthworkers, frontliners, & those who are at-risk.

“Mass testing will save more lives.

“#MassTestingNgayonNa”

Continue reading below ↓

Ito rin ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa kanyang tweet noong Linggo.

“Early into this crisis, I already called on the administration to implement mass testing at community level.”

Aniya, patuloy niyang ipananawagan ang mass testing sa Pilipinas.

OFFICIALS OVERSTEPPING DOH PROTOCOL?

Nitong weekend, may kumalat na impormasyon sa social media tungkol sa hinaing ng frontliners.

Continue reading below ↓

Diumano, may mga pulitikong hinihinging unahin silang isailalim sa COVID-19 testing at puntahan ng DOH surveillance team sa kani-kanilang bahay.

Ito ay sa kabila ng DOH protocol na gawing prayoridad ang mga edad 65 pataas, at ang mga taong nagpapakita ng marami at malubhang sintomas.

Naging mainit na topic sa social media ang pagtukoy sa high-ranking government officials na sumailalim sa COVID-19 testing kahit may DOH protocol.

Nang makumpirmang nagpositibo sa COVID-19 si Senator Juan Miguel Zubiri noong March 16, inirekomenda ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang mga kapwa senador na sumailalim sa test, may sintomas man o wala.

Katuwiran niya, mahalagang matiyak ang kanyang kalusugan para magawa niya ang trabaho sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa.

Sa kanyang official statement na inilabas sa Facebook nitong Linggo, kinumpirma ni Senator Sotto na dalawang beses siyang sumailalim sa COVID-19 testing.

Ang iba pang mga senador na sumailalim sa test ay sina Win Gatchalian, Nancy Binay, Bong Go, Imee Marcos, Grace Poe, Pia Cayetano, Bong Revilla, Francis Tolentino, Panfilo Lacson, at Richard Gordon.

Continue reading below ↓

Nagpa-test at negatibo ang resulta nina Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Finance Secretary Carlos Dominguez, at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nauna na ring nagpa-test si Pangulong Rodrigo Duterte at lumabas na negatibo ang resulta.

Pero sa kabila ng panawagang magsagawa ng mass testing, may kakayahan na ba ang Pilipinas para gawin ito?

DOH: MASS TESTING NOT EFFICIENT RIGHT NOW

Dahil sa kakulangan ng “resources,” hindi pa raw kayang ipatupad ang COVID-19 mass testing sa ngayon.

Ito ang inamin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Sa ngayon po, ang mass testing, unang-unang because of our resources, hindi pa po 'yan advisable.

"It’s not efficient for us right now," pahayag ng DOH Undersecretary sa panayam niya sa GMA Network TV-radio news program na Dobol B sa News TV nitong Lunes.

Una nang nabanggit ng DOH ang problema ng Pilipinas sa kakulangan sa sapat na bilang ng COVID-19 test kits.

Continue reading below ↓

May mga bansang nagpaabot ng tulong sa Pilipinas, gaya ng medical supplies at kabilang na rito ang test kits.

Kabilang sa mga bansang ito ang South Korea, China, at Brunei.

Pero kung pagbabasehan nga ang DOH protocol, na prayoridad ang 65-anyos pataas at ang mga may malubhang sintomas, nangangahulugang hindi talaga sapat ang test kits sa bansa.

Sa ilalim ng protocol, self-quarantine ang rekomendasyon sa mga taong nakararanas ng mild symptoms.

Banggit pa ni Vergeire, kung sakali mang magkaroon ng sapat na resources ang bansa para sa mass testing, kinakailangan pa ring maipatupad ang lockdown para maiwasang kumalat ang virus.

Aniya, ipinatupad at sinunod ang lockdown sa ibang bansa kaya naging effective.

“Kailangan pa nating palawigin ang ating pagpapatupad [ng lockdown] bago natin magawa kung sakaling dumating ang puntong meron tayong ganyang resources.”

Samantala, nilinaw naman ni Director General Eric Domingo ng Food and Drug Administration (FDA) na ang test kits na ginagamit ngayon sa bansa at aprubado ng ahensiya ay hindi parang pregnancy test kits.

Continue reading below ↓

"Wala pong ganoon. Wala pong mga pregnancy test-kit type na mga testing for COVID-19 na available po sa atin, na registered po sa atin," ani Domingo sa panayam niya sa DZBB noong March 18.

Paano ba isinasagawa ang COVID-19 testing?

Gamit ang swab, kukunan ng specimen ang pasyente na galing sa ilong at lalamunan, ayon sa report ng CNN Philippines.

Pagkatapos nito ay ipadadala ang sample sa accredited laboratory at malalaman ang resulta sa loob ng 48 hours o dalawang araw.

Sa kasalukuyan, bukod sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), apat na accredited subnational laboratories ang nagsasagawa ng testing.

Ito ay ang Baguio General Hospital and Medical Center sa Benguet, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu, Southern Philippines Medical Center sa Davao City, at San Lazaro Hospital sa Maynila.

Sinabi rin ng DOH na hanggang 1,000 tests lang kada araw ang kayang i-conduct ng bansa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left)) Luis Manzano, KC Concepcion, Alex Gonzaga, Bianca Gonzalez, and Winwyn Marquez believe that COVID-19 mass testing could help curb the current health crisis the Philippines is facing.
PHOTO/S: Youtube (KC; Luis, via Magandang Buhay); Instagram (Alex, Bianca, Winwyn)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results