Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bayani Agbayani trends after Congressman Mike Defensor mentions him as finance undersecretary; solon apologizes

by Jet Hitosis
Mar 24, 2020
Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor (center) apologizes to Bayani Agbayani (left) for mentioning the comedian-TV host's name while referring to Finance Undersecretary Bayani Agabin (right) during the House's special session on Monday, March 23.
PHOTO/S: @iambayaniagbayani, @miketd on Instagram, Screengrab ANC

Nag-trending si Bayani Agbayani matapos siyang batiin ng maraming Twitter users bilang "bagong finance undersecretary.”

Ito ay makaraang mabanggit ang pangalan ng 51-anyos na comedian-TV host sa kasagsagan ng special session ng Kamara nitong Lunes, March 23.

Nagkamali kasi ng banggit si Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, 50, sa pangalan ng komedyante nang tukuyin ng kongresista si Finance Undersecretary Bayani Agabin.

Nangyari ang pagkakamali ni Congressman Defensor habang nagsasagawa ng deliberasyon ang mga kongresista.

Tinatalakay noon ang panukalang magbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ng kongresista sa podium, nasabi niya: “Kay Undersecretary Bayani Agbayani ng Finance...”

Kaagad naman siyang iwinasto ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

“Ay, Agabin! Thank you, Mr. Speaker.

“Bayani Agbayani ba nabanggit ko?” natatawang idinugtong ni Congressman Defensor.

“I apologize, Mr. Speaker,” sabi ni Congressman Defensor.

WOW, MALI!

Makalipas ang ilang oras, kumalat sa Twitter ang video ng pagkakamali ng kongresista.

Continue reading below ↓

Nagkani-kanyang repost naman ang Twitter users.

Napagkatuwaan nilang batiin ang komedyanteng si Bayani bilang bagong finance undersecretary.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang ilang netizens, sinabing epektibong de-stresser para sa kanila ngayong may krisis ang hindi sinasadyang pagkakamali ni Congressman Defensor.

Continue reading below ↓

CONGRESSMAN DEFENSOR APOLOGIZES

Nitong Lunes ng gabi, nag-post sa Instagram si Congressman Defensor upang humingi ng paumanhin kina Bayani at Usec Agabin.

Post ng kongresista: “Apologies to my friends Usec Bayani Agabin and Bayani Agbayani for mixing their names in today’s session to raise 200B for the govts fight against COVID 19 virus. #apologies #BayaniAgbayani #BayaniAgabinq”

Continue reading below ↓

Tinutukoy ni Defensor ang PHP275-billion budget na inilaan ng mga mambabatas para matugunan ng gobyerno ang COVID-19 pandemic.

Sa huli, inaprubahan ng mga kongresista ang Bayanihan to Heal as One Bill para epektibong mapigilan ang pagdami ng nagpopositibo sa virus sa bansa.

Naaprubahan din ang parehong panukala sa Senado ngayong Martes ng madaling-araw, March 24.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor (center) apologizes to Bayani Agbayani (left) for mentioning the comedian-TV host's name while referring to Finance Undersecretary Bayani Agabin (right) during the House's special session on Monday, March 23.
PHOTO/S: @iambayaniagbayani, @miketd on Instagram, Screengrab ANC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results