Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jennylyn Mercado appeals to DILG to monitor Metro Manila mayors' aid to constituents

by Arniel C. Serato
Mar 24, 2020
Jennylyn Mercado to DILG: "Naimomonitor niyo po ba ang nagagawa at hindi nagagawa ng mga Mayor ng bawat lungsod para makatulong sa crisis? Madami pa pong mga tao na nagsasabi na hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na relief goods mula sa kanilang barangay."
PHOTO/S: Shaira Luna

Umapela si Jennylyn Mercado sa pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na subaybayan ang aksiyon ng mga alkalde ng Metro Manila ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 crisis.

Nasa ika-siyam na araw na ngayon ang pinapairal na enhanced community quarantine sa buong Luzon upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), maraming netizens ang lumalapit sa mga artista upang manawagan sa kani-kanilang mayor upang mabigyan sila ng ayuda.

Isa sa nilapitan ng netizens si Jennylyn, 32.

Sa Instagram, may mga nagpapadala raw ng mensahe sa Kapuso actress na wala pa silang relief goods na natatanggap mula sa mga pinuno ng kanilang lungsod o barangay.

Sa kanyang verified Facebook account, kinalampag ni Jennylyn ang DILG upang matugunan ang kagutumang nararamdaman ng mga mahihirap na mamamayan.

Sabi ng Descendants of the Sun actress, “Nanawagan po kami sa DILG Philippines.

“Naimomonitor niyo po ba ang nagagawa at hindi nagagawa ng mga Mayor ng bawat lungsod para makatulong sa crisis?

Continue reading below ↓

“Madami pa pong mga tao na nagsasabi na hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na relief goods mula sa kanilang barangay.

“Lagpas na po ng isang linggo ang Lockdown.

“Paano po ang ating mga kababayan na hindi sapat ang pera para makabili ng kanilang makakain araw araw?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Sana po ay matulungan na sila kaagad.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, sinabihan ni Jennylyn ang kanyang followers na ilagay ang kanilang mga lugar at kung sino ang mga opisyal doon.

Dahil dito, umapaw ang mga komento ng mga netizen sa kanyang post.

Kahit sa Facebook status ng maraming netizens, sinasabi ng karamihan sa mga ito na wala pa rin silang natatanggap na relief goods.

Ang iba naman ay reklamo tungkol sa quarantine pass ang ipinu-post.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado to DILG: "Naimomonitor niyo po ba ang nagagawa at hindi nagagawa ng mga Mayor ng bawat lungsod para makatulong sa crisis? Madami pa pong mga tao na nagsasabi na hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na relief goods mula sa kanilang barangay."
PHOTO/S: Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results