Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vic Sotto proud of son Mayor Vico for "doing a good job"

by Gorgy Rula
Mar 24, 2020
Vic Sotto on son Pasig City Mayor Vico Sotto: "Yung kay Vico, I think he’s doing his job. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang mga constituents, na aalagaan sila—and he’s doing a good job."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Hindi na maipagkakailang proud si Vic Sotto sa anak niyang si Vico Sotto.

Maraming Pasigueño at netizens kasi ang humahanga sa pagkaaktibo ni Mayor Vico sa gitna ng kinahaharap na health crisis ng bansa.

Ang 30-anyos na alkalde ay anak ni Vic, 65, sa aktres na si Coney Reyes, 65.

Saad ni Vic tungkol sa anak, “Of course, proud ako na he’s doing a good job.

“Pero sabi ko nga, hindi lang naman siya, pati yung ibang mga ating namumuno sa bansa.

“Lahat sila, they’re doing a good job.

“Sabi ko nga, mula sa ating Pangulo hanggang sa ating mga health workers, e, talagang sama-sama.

“Pag sama-sama, may bayanihan, kakayanin natin ‘to.”

Sinang-ayunan din ni Vic ang pahayag ni Mayor Vico na hindi dapat pagkumparahin ang local government units, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa isang global killer, ang COVID-19.

Ayon sa Eat Bulaga! host, “May nadinig akong interview sa kanya, maganda yung sinabi niya na dapat wala nang kumpara-kumpara.

Continue reading below ↓

“Ako, personally, dapat tigilan muna yung pulitika. Wala muna yung pulitikahan.

“Isipin na lang natin kung papa'no tayo makakatulong sa kapwa.

“Kahit nasa bahay tayo, kung wala man tayong magawa na pang-donate na kung ano man, magdasal tayo.

“Iyon ay isa sa mga donasyon na puwede nating gawin na maaaring makatulong sa ating kapwa.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

TRUE IDOLS

Saad pa ni Vic, “Yung kay Vico, I think he’s doing his job.

“Iyon ang ipinangako niya sa kanyang mga constituents, na aalagaan sila—and he’s doing a good job.

“At hindi lang siya...

“Hindi natin puwedeng kalimutan ‘yan, talagang ‘ika nga, medyo lumalaban sila nang tagilid. Nakataya ang buhay nila.

"Pero lumalaban sila para sa ating kapwa.

"Iyon ang ating mga lodi, ‘ika nga. Iyon ang mga idol natin.

“So, yung pulitika, kalimutan na natin ‘yan.

“Saka na tayo magpulitikahan pagkatapos ng krisis,” pahayag ni Vic.

MAGING ISTRIKTO SA SARILI: MAG-HOME QUARANTINE

Pairalin ang home quarantine, ani Vic.

Lalo na ngayong mahigit isang linggo nang nasa Enchanced Community Quarantine ang buong Luzon, gawin daw ang pinapairal ng mga awtoridad.

Continue reading below ↓

Sila raw ng misis na si Pauleen Luna, sinusunod daw nila ito, kaya rin nagkakaroon siya ng panahong maka-bonding nang husto ang anak nilang si Talitha.

Pahayag ni Vic, “Sana sumunod na lang sa mga patakaran na nilalahad ng ating gobyerno.

"Yun naman ay para sa atin, e. Para sa ating mga kababayan, para sa ating lahat.

“Hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

"Kasi hindi lang naman Pilipinas ang apektado dito, e, kundi buong mundo.

“Ibang usapan na ‘to. Kailangan talaga ng sakripisyo.

“Alam nating maraming nahihirapan.

“Pero siguro tiisin na lang natin ang hirap na ito, kesa naman ang ating mga kamag-anak ay magkasakit at kung ano pa ang mangyari.”

Dagdag ni Vic, “Gusto natin mabawasan, gusto natin matigil.

“Although, hindi ganun kadali sa nakikita ko, iyon ang aking personal na opinyon.

“Sana maging istrikto tayo sa sarili natin.

“Yung sarili natin, disiplinahin natin.

“Yung mga nahihirapan, yung mga nawalan ng trabaho, e, alalayan naman sila ng ating gobyerno. Hindi sila maaring makalimutan ng ating mga namumuno.

Continue reading below ↓

“Yun lang siguro ang hinihingi ng ating gobyerno—yung disiplina.

“Yun naman ay para sa kabutihan ng lahat,” mataman niyang pahayag.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on son Pasig City Mayor Vico Sotto: "Yung kay Vico, I think he’s doing his job. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang mga constituents, na aalagaan sila—and he’s doing a good job."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results