Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Frankie Pangilinan tries to calm Pinoys; posts chat with Senator Kiko about President's special powers

by Arniel C. Serato
Mar 25, 2020
Frankie Pangilinan keeps herself updated through dad Senator Francis Pangilinan about Bayanihan to Heal as One Act, which gives President Rodrigo Duterte special powers.
PHOTO/S: Ocs Alvarez

Kabilang si Frankie Pangilinan sa mga sumubaybay sa special session ng Kamara at Senado na nagsimula noong Lunes ng umaga, March 23, at natapos ng Martes ng madaling-araw, March 24.

Ang virtual special session ay ipinatawag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang gumawa ng panukalang batas na magkakaloob sa kanya ng special powers.

Ito ay may kinalaman sa kinahaharap na COVID-19 krisis ng bansa.

Matapos ng special session, nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ibigay kay Pangulong Duterte ang hinihingi nitong special powers.

Tinawag ang bill na Bayanihan to Heal as One Act.

Kabilang naman ang ama ni Frankie, si Senator Francis "Kiko" Pangilinan, na bumoto para sa Act.

FRANKIE’S CONVERSATION WITH DAD KIKO

Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Frankie ang screenshot ng usapan nila ng ama tungkol sa mga panibagong extraordinary powers ng Pangulo.

Sabi ni Frankie sa caption: “hope this eases your heart as it did mine tonight.”

Continue reading below ↓

Ayon sa usapan nila ng ama, mababanaag ang pag-aalala ni Frankie na mapagkalooban ng emergency powers ang Pangulo.

Tiniyak naman ng senador sa anak na tinanggal na nila ang mga kontrobersiyal na probisyong nakaakibat dito.

Sabi ni Senator Kiko: “We have removed a lot of the controversial provisions."

Tanong ni Frankie: “Such as?”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sagot ni Senator Kiko: “No more takeover of public utilities, limiting the powers t(o) 90 days.”

Narito ang kabuuang usapan ng mag-ama:

Continue reading below ↓

Si Senator Kiko ang presidente ng Liberal Party, ang pinakamalaki at nangungunang opposition party sa Pilipinas.

Si Frankie ang panganay sa tatlong anak ng senador sa Megastar na si Sharon Cuneta; ang dalawa pa ay sina Miel at Miguel.

BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT

Kabilang sa Bayanihan To Heal As One Act ang pagbibigay sa Pangulo ng kapangyarihang maglilipat ng naipong pondo ng ehekutibo.

Continue reading below ↓

Kabilang din dito ang pagbibigay ng financial assistance sa halos 18 milyong pamilyang Pilipino.

Saklaw rin ang pagsasailalim sa bansa sa national emergcency.

Sa unang pinalutang ng Malacañang tungkol sa emergency powers ng Pangulo, nakapaloob ditong may kapangyarihan ang gobyerno na i-take over ang mga malalaking kumpanya at utilities.

Inalmahan ito ng mga grupo ng lawyers, ng business sector, at ilang pulitiko.

Ayon sa Dean ng Ateneo School of Government na si Tony La Viña, sa laki at dami ng executive powers ng President, hindi na kailangan ang dagdag na special powers.

Liban pa sa, ayon sa pag-aaaral ng dekano, lahat ng presidenteng nabigyan ng emergency powers ay walang nagawang espesyal na hindi magagawa gamit ang existing powers ng isang presidente.

Sa napagkasunduan ng Kamara at Senado, tinanggal ang probisyong ito.

Ngunit, binigyan pa rin ng kapangyarihan ang Pangulo na pansamantalang pamunuan ang "privately-owned hospitals, medical, and health facilities including passenger vessels and other establishments."

Continue reading below ↓

Babayaran din dapat ng gobyerno ang naturang mga establisiyento kung mangyayari ito.

Tatagal ng tatlong buwan ang additional powers na ibinigay sa Presidente.

Ngunit maaari itong umiksi, depende sa pagpapasya ng Kongreso.

Gayunpaman, maaari itong ma-extend nang mahigit tatlong buwan, depende pa rin sa pagpapasya ng Kongreso.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan keeps herself updated through dad Senator Francis Pangilinan about Bayanihan to Heal as One Act, which gives President Rodrigo Duterte special powers.
PHOTO/S: Ocs Alvarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results