Sylvia Sanchez, husband Art Atayde test positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 31, 2020
In an Instagram post on Tuesday, March 31, veteran actress Sylvia Sanchez announced that she and her husband, businessman Art Atayde, both tested positive for COVID-19.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a on Instagram

Nagpositibo sa coronavirus disease ang aktres na si Sylvia Sanchez at asawa niyang businessman na si Art Atayde.

Mismong ang 48-anyos na aktres ang nagkumpirma nito sa kanyang Instagram post ngayong Martes, March 31.

Ipinost ni Sylvia ang mismong laboratory result forms nila ni Art, 54, mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Nakasaad sa form na March 24 nang magpasuri ang mag-asawa sa COVID-19.

Ito ay dahil nakaramdam sila ng mga sintomas ng virus.

Ayon kay Sylvia, nang panahong iyon ay dumaranas siya ng chills.

Ang asawa naman niyang si Art, may ubo at nahihirapang huminga.

Dagdag ng beteranang aktres, simula nang magpa-swab test sila ay naka-isolate na silang mag-asawa.

Mababasa sa caption ni Sylvia: “On March 24, my husband and I were brought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath.

“We were made to take the covid-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated.”

Continue reading below ↓

Sa kanyang post, nanawagan si Sylvia sa mga taong nakasalamuha nila bago pa naipatupad sa Luzon ang enhanced community quarantine nitong March 17.

Apela ng aktres, sakaling nakakaramdam ang mga ito ng sintomas ng COVID-19 ay dapat na kaagad magpasuri.

“We would like to request those whom we saw prior to the community quarantine to monitor for symptoms of shortness of breath, cough, fever, LBM and sore throat,” saad pa sa post ni Sylvia.

SYLVIA AND ART ARE GETTING BETTER

Nagbigay rin ng update ang aktres, at sinabing bumubuti na ang pakiramdam nila ng mister.

“Art and I are getting better each day.

“Although this is slower than our usual recovery, we know that with prayers and strict compliance with our doctor’s orders, we will get there”

Sa huli, nanawagan si Sylvia sa kanyang 619,000 Instagram followers na tiyaking sila ay malusog.

Aniya, mahalagang manatili na lang sa bahay ang lahat upang maiwasang kumalat ang COVID-19.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Sylvia: “Stay safe, healthy and take your 1000mg of vitamin C and 20mg of zinc daily!

“Most importantly, stay home to help prevent the spread of the virus. [praying hands, heart, praying hands, kiss, praying hands emojis].”

Sina Sylvia at Art ay may apat na anak.

Ang dalawang nakatatanda nilang supling ay parehong nasa showbiz na rin, sina Arjo Atayde at Ria Atayde.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on Tuesday, March 31, veteran actress Sylvia Sanchez announced that she and her husband, businessman Art Atayde, both tested positive for COVID-19.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results