Did Ellen Adarna finally confirm breakup with John Lloyd Cruz?

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2020
Ellen Adarna finally addresses questions about her reported breakup with John Lloyd Cruz. When a netizen asked what happened between her and the actor, Ellen replied, “only god can answer this question.”
PHOTO/S: Courtesy: ANNE JELIQUE EDANO ON FACEBOOK / @MYPHOTOGRAPHS89 ON INSTAGRAM

Hindi man diretsahan, tila kinumpirma na mismo ni Ellen Adarna, 31, na hiwalay na nga sila ni John Lloyd Cruz, 36.

Base ito sa kanyang mga sagot sa katanungan ng netizens sa Instagram.

Matagal nang napapabalita ang hiwalayan nina Ellen at John Lloyd ngunit walang nagkukumpirma nito mula sa dalawang kampo.

Pero mahahalata sa kanilang social media accounts na hindi na sila nagsasama, kumpara noong kasagsagan ng kanilang relasyon na panay ang post nila ng mga larawang magkasama sila.

Sa kanyang Instagram post noong March 29, Linggo, tungkol sa mental training exercise, isang netizen ang nagtanong sa Cebuana actress kung ano nangyari sa kanila ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

Tanong ng netizen (published as is): “I am curious what really happened why you and John Llod had fallen out…”

Makahulugang sagot ni Ellen: “only god can answer this question.”

Sa bagong Instagram post ng aktres ngayong Miyerkules, April 1, isang netizen din ang nagtanong tungkol kay John Lloyd.

Continue reading below ↓

Pag-uusisa ng netizen: “I may have been stuck under a rock, but where is JL and your kid?”

Tugon ni Ellen: “its better to just stay under that rock esp now that theres corona. [upside down face emoji]”

Base sa mga sagot ni Ellen, wala na sa kanyang buhay si John Lloyd.

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

Agosto 2019 umugong ang balitang hiwalay na sina Ellen at John Lloyd.

Ayon sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa kampo nina John Lloyd at Ellen, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa bago pa man magdiwang ng kanyang unang taong kaarawan ang anak nilang si Elias.

"Co-parenting" na lang daw ang arrangement ng dating magkarelasyon.

Sabi pa ng source, “Hindi naman kasi nagbago mga buhay. Mahirap na ganun.”

May isa pang source na nagsabing hindi na raw masakyan ni Ellen ang pagiging “too weird” umano ng dating partner.

Nitong Marso 2020 ay nagtungo si Ellen sa Bali, Indonesia para sa isang "mental training."

Ito ay may kinalaman sa pagka-stuck daw niya sa isang "black hole for almost 3 years."

Kung babalikan, nakapaloob sa tatlong taong sinasabi ni Ellen ang pakikipagrelasyon niya kay John Llloyd, pagsilang ng kanilang anak, at paghihiwalay nila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna finally addresses questions about her reported breakup with John Lloyd Cruz. When a netizen asked what happened between her and the actor, Ellen replied, “only god can answer this question.”
PHOTO/S: Courtesy: ANNE JELIQUE EDANO ON FACEBOOK / @MYPHOTOGRAPHS89 ON INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results