Ellen Adarna posts sweet e-card for Spanish guy; May trip to Spain cancelled

by Rachelle Siazon
Apr 3, 2020
Is she ready to love again? Ellen Adarna (left) sends Spanish guy Carlos Lemus (in photo) a sweet e-card filled with hearts, kisses, and lovestruck emojis.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Siya na nga ba ang bagong inspirasyon ni Ellen Adarna?

Ipinahiwatig ni Ellen na tuloy pa rin ang komunikasyon nila ng Spanish guy na nagngangalang Carlos Lemus.

Kahapon, April 2, ipinagdiwang ni Ellen ang kanyang 32nd birthday.

Panay ang upload niya sa Instagram Stories ng birthday messages mula sa kanyang mga kaibigan.

Pero agaw-pansin ang personal post ni Ellen kalakip ng ipinadala niyang e-card kay Carlos.

Mayroon itong disenyong cartoon character na si Snoopy habang yakap nang mahigpit si Woodstock.

May written text ito na "Long After the Hug."

Naka-tag si @doncarlemuss sa mensahe ni Ellen na "VIEW ECARD."

Pinuno rin ito ni Ellen ng hearts, lovestruck, at kisses emojis na wari'y nagpapahiwatig ng kilig niya rito.

Continue reading below ↓

CANCELLED TRIP TO SPAIN

Una nang ibinahagi ni Ellen na nakatakda sana siyang magbakasyon sa Madrid, Spain, sa Mayo.

Noong March 25, ipinost niya sa Instagram Story ang natanggap na sulat mula sa isang airline company tungkol sa kanyang booked flights.

Nakasaad dito ang flight itinerary ni Ellen na may connecting flight mula sa Cebu, Mactan, hanggang Dubai sa May 13; at mula Dubai hanggang Madrid, Spain, sa May 14.

May booked flight din siya mula sa Dubai pabalik ng Cebu sa May 26.

Pero ayon sa airline company, kanselado ang lahat ng ito dahil sa "health concerns globally."

Sabi naman sa written text ni Ellen: "Even May Flights Are Cancelled. I guess this lockdown is up until May..."

Sa ngayon, ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Pilipinas ay mula March 15 hanggang April 14.

Hindi pa malinaw kung mali-lift na ang travel ban at home quarantine sa bansa sa April 14.

Continue reading below ↓

BONDING IN SPAIN

Si Carlos Lemus ay ilang beses namataang kasama ni Ellen sa mga litrato ng aktres noong nagbakasyon ang huli sa Madrid, Spain.

Noong una ay sa Instagram Stories lang ipinapakita ni Ellen ang lalaki.

Pero noong January 25, 2020, nag-post si Ellen ng litrato kunsaan nakayakap siya kay Carlos.

Continue reading below ↓

Pareho silang nakatalikod habang nakatayo sa labas ng isang cafe, kunsaan matatanaw ang Puerta de Alcala Arch, sikat na tourist spot sa Madrid.

Caption doon ni Ellen ay "¡!Siiiii!!!¡!¡" o sa Ingles ay "Yeeeees!!!!"

Malaman din ang heart at lovestruck emojis na reply ni Carlos sa post ni Ellen.

Isang malapit na non-showbiz friend ni Ellen ay nag-comment din ng heart emojis.

Continue reading below ↓

SINGLE AND READY TO LOVE AGAIN?

Ilang beses na ring nagpahiwatig si Ellen tungkol sa pagiging "single" at pagtalikod niya sa "what had been."

Ang big star na si John Lloyd Cruz ang huling lalaking nakarelasyon niya at siyang ama ng kanyang anak.

Nasubaybayan ang love story nina John Lloyd at Ellen mula noong September 2017 hanggang noong August 2019, ang buwan kung kailan pumutok ang balitang hiwalay na diumano sila.

Nitong March 29, 2020, may ilang netizens ang lakas-loob na nagtanong kay Ellen kung ano ang tunay na nangyari sa kanila ni John Lloyd.

Sagot lang ng sexy star: "only god can answer this question."

Si Ellen ay huling napanood sa Home Sweetie Home, defunct sitcom ng ABS-CBN, noong October 2017.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito bumabalik sa showbiz.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is she ready to love again? Ellen Adarna (left) sends Spanish guy Carlos Lemus (in photo) a sweet e-card filled with hearts, kisses, and lovestruck emojis.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results