Ellen Adarna posts meme about staying with the "wrong person"

by Rachelle Siazon
Mar 19, 2020
Ellen Adarna whiles away 14-day self-quarantine with funny allusions to her single status.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Single and ready to mingle?

Tila ito ang pahiwatig ni Ellen Adarna sa kanyang mga kuwelang Instagram Stories habang sumasailalim sa self-quarantine sa isang hotel sa Cebu.

Kababalik lang ni Ellen sa Pilipinas mula sa kanyang 14-day retreat sa isang health and wellness center sa Bali, Indonesia.

Bahagi ng direktiba ng gobyerno para sa mga biyaherong dumarating mula sa ibang bansa ang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine bago makauwi ng bahay.

Pero hindi raw problema para kay Ellen ang sundin ito, pati ang utos ng gobyerno na manatili sa bahay ang mga tao, para iwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Wala raw yang one month kumpara sa pakikipagrelasyon sa maling tao.

Sabi sa quote card ni Ellen: "Stay at home for 1 month di mo kaya? Nag-stay ka nga sa maling tao for how many years kinaya mo."

Nilagay niya ang meme na ito sa kanyang Instagram Story, Miyerkules ng gabi, March 18.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Ellen, "daily routine" naman talaga niya ang manatili sa bahay.

Continue reading below ↓

Noon namang Martes, March 17, may pahaging si Ellen tungol sa kanyang pagiging single.

Tinitignan niya ang nirekomenda sa kanyang listahan ng mga puwedeng kainin, at kasama roon ang dates na prutas na "3 a day" ang serving.

Sa caption ng kanyang Instagram Story, hirit ni Ellen kalakip ng laughing emoji, "Looking for a date 3 times a day."

Continue reading below ↓

Ang huling nakarelasyon ni Ellen, 31, ay ang aktor na si John Lloyd Cruz, 36. Mayroon silang one-year-and-nine-month-old na anak na lalaki.

Naiulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan noon pang August 2019.

Pero tikom ang bibig ni John Lloyd, na nagbalik-pelikula man ay hindi pa rin humaharap sa entertainment media.

Sa kaso ni Ellen, hindi pa ito nagbabalik sa pag-arte, pero naging aktibo na sa social media mula noong January 2020.

PROUDLY SINGLE

Ilang beses na ring nagpahaging si Ellen na siya ay "single."

Noong February 2020, nag-post siya ng meme kontra sa kasabihang hindi ka dapat mag-alala kung naghahanap ka ulit ng bagong karelasyon.

Saad sa quote, "When you're single and people tell you there are plenty of fish in the sea, these are the fish."

Kalakip nito ang litrato ng mga isdang kakaiba ang hitsura o tila wacky ang pose.

Sabi naman sa written text mula kay Ellen, "Asa ang arowana?! HAHAHA"

Continue reading below ↓

"WHAT HAD BEEN"

Nang makipagkita naman si Ellen sa ilang mga kasamahan sa ABS-CBN noong February 13, 2019, ipinahiwatig nitong nagkuwentuhan sila tungkol sa kanyang "what had been."

May nagpaalala pa kay Ellen na hindi problema sa aktres ang pagiging single sa Valentine's Day noong 2015.

Sabi raw ni Ellen sa Facebook post nito noon, "f*** valentines LOL! who needs a date when there's tequila. #rampa #walwal."

Continue reading below ↓

Walang binanggit na pangalan si Ellen sa kanyang "what had been."

Pero hindi kaila sa publiko ang kontrobersiyal nilang relasyon noon ni John Lloyd.

Kahit na hindi aktibo sa showbiz ang dalawa noon, nasubaybayan ng publiko ang love story nila mula noong September 2017 hanggang sa napabalitang hiwalayan nila noong August 2019.

GETTING OVER HER DEPRESSION

Hanggang sa nitong March 2020 ay nagkuwento si Ellen tungkol sa personal "black hole" na kinalagyan niya sa loob daw ng halos tatlong taon.

Dala raw ito ng matindi at mahabang depression, pero hindi raw gumana ang mga "anti-depressants" na nireseta sa kanya ng doktor noon.

Pero ang kanyang 14-day retreat daw sa Bali ang naging susi para matutunan niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Sabi pa ni Ellen, "I can now finally say, after years of s[t]ruggling... I am no longer a prisoner in my own mind. Ahhhh!!! Freedom we meet again."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna whiles away 14-day self-quarantine with funny allusions to her single status.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results