PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

President Rodrigo Duterte donates one-month's salary for COVID-19 response

Senators, congressmen, other government officials to also donate their salaries.
by Bernie V. Franco
Published Apr 6, 2020
President Rodrigo Duterte (in photo) will donate one-month's salary to the country's fight against COVID-19. Meantime, the President's SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth) remains undisclosed.
PHOTO/S: RTV Malacañang

Ido-donate ni Pangulong Rodrigo Duterte, 75, ang isang buwang sahod para sa paglikom ng dagdag na pondo sa paglaban sa COVID-19.

Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang statement nitong Linggo, April 5.

Ito ay matapos ang ulat na karamihan sa cabinet members ng administrasyon ay magbibigay ng 75 percent ng kanilang sahod sa government funds.

Sa kasalukuyan, may nakalaang P275 billion emergency fund na idi-distribute sa 18 million Filipino families.

Ang emergency fund ay nakapaloob sa Bayanihan To Heal As One Act, o Republic Act 11469, ang batas na nagbibigay ng maraming karagdagang powers kay Pangulong Duterte.

Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ng mamamayang Pilipino kung kailan ipamamahagi ang bilyong-bilyong pondo.

Hinihintay din ang official report sa disbursement ng pondo na, ayon sa To Heal As One Act, ibinibigay dapat sa taumbayan linggo-linggo.

Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

GOVERNMENT OFFICIALS ALSO TO DONATE SALARIES

Bago pa man ang pagdo-donate ni Pangulong Duterte at ng kanyang gabinete, una nang napaulat ang pagdo-donate ng Kongreso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Sabado, May 4, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang Facebook live, "Almost 200 Congressmen already will donate our whole suweldo ng May."

Aniya, umabot sa P40 milyon ang pinagsama-sama nilang sahod.

Noong Sabado rin, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tahimik na tumutulong ang mga kapwa niya senador sa gitna ng COVID-19 crisis.

Bahagi ng kanyang statement: “Sa katotohanan, karamihan ng mga kasama ko sa Senado—naka-quarantine man o hindiay tahimik na tumutulong sa ating mga kababayan sa iba't bang bayan o lugar sa aming personal na kapasidad.

“Wala kaming mga media na nakabuntot sa amin 24 oras para makaEPAL lang sa panahon ng COVID19.”

Malinaw na ang pinakawalang statement ni Senator Sotto ay patama kay Manila Mayor Isko Moreno sa ginawa nitong hamon.

MAYOR ISKO'S CHALLENGE TO SENATORS, CONGRESSMEN

Tila naglabasan ang mga pahayag ng top government officials nang maghamon si Manila Isko sa kanila—partikular na sa congressmen at senators—via Facebook live noong April 2, Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ni Mayor Isko: "Ibuhos natin lahat ng resources natin, administrasyon o oposisyon, may kiling sa kaliwa, may kiling sa kanan, pwede ho ba, bilang ama ng lungsod ng Maynila na bahagi ng ating bansa, ako po, nagsusumamo sa inyo mga senador at congressman, lahat kaming mga pulitiko, nagsusumamo ako sa inyo, wag kayong maghanap na ng butas.

"Hindi bawat salita ng kasalukuyang lider ay binibigyan natin ng halaga o ibang kahulugan.

“Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo, i-donate niyo lahat ng sweldo ninyo, lahat ng kakayanan ninyo, ngayon niyo ipakita ang tulong sa tao.

"Walang magaling dito. Walang mahusay sa laban na ito. Paulit-ulit kong sinasabi wag na kayong lumayo sa pagkukumpara.

"Mga senador, 24 lang kayo, mga sekretaryo, mga pulitikong katulad ko.

"Ngayon niyo pakita, ngayon natin ipakita, ipakita niyo ang pagmamahal niyo sa Pilipino."

Si Mayor Isko, kasama ang Manila vice mayor at councilors, ay nakalikom ng P4.7 milyon mula sa kanilang sahod ng buong Abril.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ido-donate nila ito sa Philippine General Hospital, isa sa COVID-19 exclusive hospitals.

">

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRESIDENT DUTERTE’S SALN

Samantala, bukod sa isang buwang sahod na donasyon ng Pangulo, binanggit din ni Panelo na 10 percent ng kanyang sahod, at ng assistant secretaries ng Offices of the Chief Presidential Legal Counsel, ay didiretso sa Office of Civil Defense.

Pero magkano nga ba ang sahod ni Pangulong Duterte sa isang buwan?

Nabanggit sa ABS-CBN News Online na, noong 2019, ang monthly salary ng Pangulo ay tinatayang nasa P400,000.

Noong Disyembre 2019, naging kontrobersiyal ang Statement of Asset, Liabilities, and Net Worth (SALN) for 2018 ni Pangulong Duterte.

Hindi kasi isinapubliko ang kanyang SALN, na may deadline na April 30, 2019.

Ang pagsasapubliko ng SALN ng isang government official ay mahalaga—at nakasaad sa Republic Act 6713—para sa transparency at accountability.

Katuwiran ni Panelo, kailangan lang isumite ng Pangulo ang kanyang SALN, pero hindi kailangang isapubliko, ulat ng ABS-CBN News noong December 16, 2019.

"If he is hiding anything he would not have filed any SALN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That is the job of the Ombudsman to release [the President's SALN].”

Dagdag pa niya, "This President's style is different but he has not transgressed any law.”

Makalipas ng dalawang araw, nagkaroon naman ng statement ang Office of the Ombudsman, ang opisinang naglalabas ng SALN ng Pangulo at ng government officials sa mga nakalipas na administrasyon.

Sa pahayag na inilabas ni Ombudsman Samuel Martires noong December 18, lumalabas na wala siyang intensiyong ihayag ang SALN ng Pangulo sa pagtatapos ng 2019.

Anito: “Hindi lingid sa aking kaalaman na may karapatan ang mamamayan na malaman ang SALN ng mga kawani ng pamahalan.

"Subalit may tungkulin din ako na dapat gampanan at ito ay ang pangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan alinsunod sa nakasaad sa Implementing Rules and Regulations ng RA 6713.”

Ang Republic Act 6713 ay kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Section 8 ng batas, nakasaad dito ang pagsasapubliko ng SALN ng lahat ng government officials and employees.

Nakasaad dito: Statements and Disclosure. - Public officials and employees have an obligation to accomplish and submit declarations under oath of, and the public has the right to know, their assets, liabilities, net worth and financial and business interests including those of their spouses and of unmarried children under eighteen (18) years of age living in their households.

Hindi malinaw kung bakit tila tanging sa kaso ni Pangulong Duterte hindi ito sinusunod.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte (in photo) will donate one-month's salary to the country's fight against COVID-19. Meantime, the President's SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth) remains undisclosed.
PHOTO/S: RTV Malacañang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results