It's now official: Luzon-wide quarantine extended to April 30

by Jet Hitosis
Apr 7, 2020
President Rodrigo Duterte has extended the Luzon-wide enhanced community quarantine to April 30 to curb the spread of the COVID-19. The announcement was made by infectious-disease Spokesperson Karlo Nograles.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Opisyal nang pinalawig ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang sa April 30.

Pormal itong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes, April 7, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ang quarantine extension ay batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Iyong enhanced community quarantine is until April 30, 11:59 p.m.

“Ito po ang rekomendasyon na tinanggap ni Pangulong Duterte,” sinabi ni Nograles sa virtual press briefing ngayong Martes ng umaga.

Si Nograles din ang tumatayong spokesperson ng IATF.

Una nang inianunsiyo ni Pangulong Duterte sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi, April 6, na posibleng ma-extend nang dalawang linggo pa ang Luzon-wide quarantine.

“Pagkatapos ng kanyang announcement, vinerify po namin ulit,” ani Nograles.

“The enhanced community quarantine is hereby extended until 11:59 p.m., April 30.”

IATF EXPLAINS NEED FOR EXTENSION

Humingi ng pang-unawa ang IATF sa publiko sa kung bakit kailangang palawigin ang quarantine.

Continue reading below ↓

“Kaya po humihingi po tayo ng extension, para unang-una, ma-measure natin kung ano yung naging full effect ng enhanced community quarantine,” sabi ng Cabinet Secretary.

Pinagpasyahan ang quarantine extension ilang araw bago simulan sa April 14 ang mass testing sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa pamamagitan nito, mas mabilis nang matutukoy ang mga positibo sa virus upang kaagad mai-isolate at magamot ang mga ito.

Nilinaw naman ni Nograles na hindi lahat ng taga-Luzon ay sasailalim sa mass testing.

Prayoridad pa rin, aniya, ang mga nangangailangan nito, at ang mga may posibilidad na taglay ang virus.

“In mass testing, we reserve it [for] those who need it,” ani Nograles.

Paliwanag niya: “Kailangan may history of travel o contact ka with COVID-19 patient.

“Kasi kung nakakulong ka lang sa bahay, bakit ka magpapa-test?”

Ayon kay Nograles, sisikapin ng gobyerno na makapagsagawa ng mahigit 10,000 tests kada araw.

Hindi pa raw nakikita ang pinakamataas na aabutin ng COVID-19 damage.

Ani Nograles, “Di pa natin nakikita ang peak ng cases.

Continue reading below ↓

“Makikita ang peak kapag ginawa ang lahat ng ito.

“Aabot na po tayo sa 13,000 to 20,000 tests per day by April 27.”

LOOSENING QUARANTINE RULES, A POSSIBILITY

Nilinaw naman ni Nograles na hindi ang peak ang target ng gobyerno, kundi ang “mag-flat” ang curve ng COVID-19 cases sa bansa.

Kapag nangyari ito, posible aniyang magkaroon ng kaunting kaluwagan sa pagpapatupad ng quarantine sa Luzon.

“If we think about that, we won't even have to look at the 'peak' scenario.

“Ang gusto nating mangyari ay hindi mag-peak, kundi mag-flat.

“[Our aim] is to relax the enhanced community quarantine,” sabi ni Nograles.

Sa latest update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng hapon, nasa 3,660 na ang positibo sa COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ng 414 na bagong kaso kahapon.

Umabot na sa 73 ang napagaling, habang 173 naman ang namatay.

Continue reading below ↓

March 17 nang sinimulang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Dapat ay magtatapos ito sa hatinggabi ng April 13, pero napalawig na hanggang April 30.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, sinuspinde ng gobyerno ang klase at pampublikong transportasyon.

Ipinagbawal din ang mass gatherings, at isinara ang napakaraming negosyo.

Ayon kay Nograles, mananatili ang mga direktibang ito habang umiiral ang enhanced quarantine hanggang katapusan ng April.

Maliban na lang, aniya, kung may babaguhin dito si Pangulong Duterte.

Una nang pinaboran ni Vice President Leni Robredo, ng business tycoon na si Ramon Ang, at ng ilang mambabatas ang quarantine extension.

Naniniwala silang makakatulong ito upang mapigilang dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pabor din sa pagpapalawig ng extension ang ilang celebrities, tulad nina Lorna Tolentino, Paolo Contis, James Blanco, Rocco Nacino, Ervic Vijandre, at Enchong Dee.

CHIEF ECONOMIST WANTS MODIFIED LOCKDOWN

Gayunman, inirekomenda ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na magpatupad ng “modified lockdown” sa Luzon.

Continue reading below ↓

Sa interview sa kanya sa ABS-CBN News Channel ngayong Martes ng umaga, sinabi ni Pernia na personal niya itong irerekomenda sa IATF sa meeting nila ngayong hapon.

Ipinaliwanag ng kalihim kung ano ang modified lockdown.

“I would suggest that it would be some kind of a modified lockdown.

“Maybe Metro Manila also easing some of the restrictions, like transportation moving around, the opening of pharmacies and sources of food and other retail shops for basic needs of people.

“In the Luzon area, especially Calabarzon, Central Luzon, and certain other areas in upper north of Luzon, many of them are agricultural provinces.

“We need to wrap up our agricultural supply.”

Ayon pa kay Pernia, baka uubra na ring bumalik sa opisina ang ilan.

Mahalaga rin sa ngayon, aniya, na maging aktibong muli ang manufacturing sector.

“Some manufacturing industries need to come back to life in terms of production and other retail businesses that would be useful in this time of limited consumption on the part of the population,” suggestion ni Pernia.

Ibig sabihin ay hindi raw makakatulong ang sobrang higpit na lockdown dahil ikasisira ito ng ekonomiya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte has extended the Luzon-wide enhanced community quarantine to April 30 to curb the spread of the COVID-19. The announcement was made by infectious-disease Spokesperson Karlo Nograles.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results