PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta to critics of senator husband: “Damned if you do, damned if you don’t.”

Sharon Cuneta posts message of thanks from individuals, institutions for Senator Kiko Pangilinan.
by Arniel C. Serato
Published Apr 16, 2020
Sharon Cuneta posts screenshots of testimonies from people and institutions that received aid from her husband Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
PHOTO/S: Courtesy: @jeffreyaromin / @kiko.pangilinan on Instagram

Ibinahagi ni Sharon Cuneta sa Instagram ang mga mensahe ng pasasalamat ng mga tao at institusyong natulungan ng mister na si Senator Kiko Pangilinan.

Base sa mga larawang ipinost ng Megastar kagabi, April 15, namigay ang mambabatas ng mga gulay galing sa kanilang farm, packed meals mula sa kanilang restaurant (Mesa), at iba pang tulong para sa frontliners at informal workers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa anim na posts, iisa lang ang caption ni Sharon:

“Some people say 'Damned if you do, damned if you don’t."

"So they can damn Kiko all they want - we don’t really care - it’s about time you knew that at least HE DID!

"Hah! (This is just one of many.)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento si Senator Kiko sa post ng kanyang misis

Makahulugang sabi nito: “Naku si Commander in Chief may lahing katipunera at gerilya.... Don't me!!”

Ang pag-post ni Sharon ng mga ipinamahaging tulong ng asawa ay tila sagot niya sa mga nagtatanong kung ano ba ang naging ambag ng senador sa bayan ngayong may COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ito ng mga pagpuna ng senador sa mga hakbang ng pamahalaan ngayong may health crisis.

Dahil wala nang ibang masabi, ang ilang netizens ay nagtanong na lang kung ano ang tulong na nagawa ni Senator Kiko.

Noong nakaraang linggo ay sinagot ni Sharon ang mga mapaghanap na netizens.

Sabi ng Megastar: “Hindi kasi mahilig sa press release ang asawa ko.”

Ibig sabihin, tahimik na tumutulong ang kanyang mister sa mga nangangailangan.

ANGEL LOCSIN, NETIZENS PRAISE SENATOR KIKO AND SHARON

Sa comments section ng bagong Instagram post ni Sharon, pinuri ng netizens ang mag-asawa sa tulong na kanilang ginagawa.

Ayon sa isang netizen, ngayong nahaharap ang mundo sa isang krisis, hindi na kailangang magpataasan pa ng ihi ang sinuman tungkol sa tulong na naibibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo naman ng isang netizen, huwag nang pansinin ni Sharon ang mga pumupuna dahil malinis daw ang puso nila at handang tumulong sa iba.

Samantala, nagpakita naman ng suporta si Angel Locsin kay Sharon. Nagkomento ito ng person-raising-both-hands-in-celebration emoji.

Tugon ng Megastar: "@therealangellocsin back at ya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Angel sa mga nagtanggol kay Sharon laban sa bashers na nagtatanong kung ano na ang naitulong nito.

Kalaunan, isiniwalat ni Angel na palihim na tumulong si Sharon sa kanyang proyektong #UniteTENTweStandPH at nagbigay ng tatlong milyong piso.

Layon ng proyeko ni Angel na makapagtayo ng tents sa labas ng hospital premises para maging sleeping quarters ng frontliners at maging karagdagang espasyo na rin para sa COVID-19 patients.

Natupad naman ito, sa tulong na rin ng mga artistang gaya ni Sharon at mister na si Senator Kiko.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta posts screenshots of testimonies from people and institutions that received aid from her husband Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
PHOTO/S: Courtesy: @jeffreyaromin / @kiko.pangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results