Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bea Alonzo asks John Lloyd Cruz if he's okay; John Lloyd responds, “Pwede tumawag?”

by Bernie V. Franco
Apr 22, 2020
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo have recently been communicating on social media. Tuesday night, April 21, John Lloyd asked Bea if he could call her.
PHOTO/S: Photo grabbed from YouTube (Cinema One)

Nataranta lalo ang loyal fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa sunud-sunod na palitan ng komento ng dalawang big stars nitong gabi ng Martes, April 21.

Kapansin-pansing napapadalas ang pagmemensahe sa social media ng onscreen lovers nitong mga nakalipas na araw.

Pero sa pagkakataong ito, may bahid ng pagka-senti ang mga mensahe nina John Lloyd kay Bea.

Hindi rin nangiming itanong ni John Lloyd, 36, in public kung pwede nitong tawagan ang aktres.

Kagabi, ipinost ni Bea, 32, ang larawan niyang nakatalikod at nasa tabi ng pinto.

Ang caption niya ay mula kay Marie Curie, isang Polish-French physicist.

Si Marie Curie ang kauna-unahang babaeng ginawaran ng Nobel Prize at kauna-unahang taong pinarangalan ng naturang prestigious award nang dalawang beses.

Malalim na caption ni Bea: “I remember a line I read from Marie Curie— “Nothing in life is to be feared, it is only to be understood. Now is the time to understand more, so that we may fear less.”.. NOW, more than ever.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At nagsimula na ang tila walang patid na palitan ng komento nina John Lloyd at Bea.

Kapansin-pansing may biro ang komento ni Bea, pero may senti ang sagot ni John Lloyd.

Hirit pa ni Bea, ang "drama" raw ni John Lloyd.

Ang aktor ang unang nagkomento.

Ang Instagram account ni John Lloyd ay @dumpsitegallery

Continue reading below ↓

Unang message nito kay Bea: “Marami rin ako naaalala”

Biro ni Bea: “mukha nga (smiling, blushing emoji) magandang alaala naman?”

John Lloyd: “karamihan oo,napangiti ako. [smiley] pero meron ding hindi,napaisip ako.”

Continue reading below ↓

Tila binago ni Bea ang usapan at tuloy ang panunukso sa dating leading man niya.

Tinukso ni Bea si John Lloyd na ni-like nito ang isang post ng aktres noon pang nakaraang taon.

Bea: “Napadpad ka sa bagong post ko ah. Pagod ka na kakahalungkat ng past photos? [laughing emoji]”

Malalim ang sagot ni John Lloyd: “oo pagod na”

Bea: “saan?”

John Lloyd: “sa maraming bagay”

Panunukso ni Bea: “luuhhhh… drama”

Sagot ni John Lloyd: “sana nga drama lang to”

Tanong ni Bea: “okay ka lang idan?”

Idan ang nickname ni John Lloyd.

John Lloyd kay Bea: “pwede tumawag?..”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Wala nang sumunod na sagot si Bea, at dito mistulang naputol ang usapan nila.

Pero nagsunud-sunod naman ang komento ng netizens.

Karamihan sa kanila, kinilig at natuwa sa naging pag-uusap ng dalawa.

Marami sa mga komento, may reference sa pinasikat na pinagtambalang pelikula ng dalawang romcom leads.

Ang una ay ang One More Chance (2007) at ang sequel nitong A Second Chance (2015).

Ang tawag sa kanila ng netizens ay ang mga karakter nila rito—Popoy (John Lloyd) at Basha (Bea).

At ginamit ng mga netizen ang pamosong linyang ginamit ni Bea sa pelikula: “Ako na lang, ako na lang ulit.”

Narito ang ilang komentong kilig:

Continue reading below ↓

Pero may ibang netizens na ayaw magpadala sa kilig.

Naiintriga sila kung ang malimit na pagpapalitan ng mensahe ng dalawang ABS-CBN stars ay dahil mayroon silang nalalapit na reunion project.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD, BEA EXCHANGE COMMENTS ON INSTAGRAM

Muling nabuhay ang loob ng loyal fans ng dalawa nang i-like ni John Lloyd noong April 13 ang isang 2019 post ni Bea.

Napansin ito ni Bea at biniro si John Lloyd sa comments section kung bakit bina-browse nito ang mga previous post ng aktres.

Sumunod dito, nagkapalitan ng biruan ang dalawa sa comments.

Pero hindi lang fans nina John Lloyd at Bea ang kinilig sa naging palitan ng komento.

Maging si Angel Locsin at fiancé nitong si Neil Arce ay kinilig din sa dalawa.

Tinukso pa nga nina Angel at Neil si Bea sa comments section ng isang post ni Angel nitong Lunes, April 20.

Ang tanong ngayon ng marami, may nabubuo bang pagkakamabutihan kina John Lloyd at Bea?

Continue reading below ↓

Sa tagal nang magka-love team ng dalawa, hindi na bago sa kanila ang ma-link sa isa’t isa.

Hindi ito kataka-taka lalo pa’t namayagpag ang kanilang tandem mula 2002 hanggang 2015.

Hindi masisisi ang marami nilang fans, lalo ngayong parehong single ang dalawa.

Ang huling nakarelasyon ni Bea ay si Gerald Anderson, ngunit nagkahiwalay sila noong July 2019 matapos nang halos tatlong taong pagsasama.

Umugong naman ang balitang hiwalay na sina John Lloyd at live-in partner na si Ellen Adarna noong August 2019.

Samantala, nagkaroon ng reunion sina John Lloyd at Bea nang magsama sila sa live script reading ng That Thing Called Tadhana.

Ginanap ito sa Art Fair Philippines nitong February 14, 2020, mismong Valentine’s Day.

Huli silang nagsama sa pelikulang A Second Chance noong 2015.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo have recently been communicating on social media. Tuesday night, April 21, John Lloyd asked Bea if he could call her.
PHOTO/S: Photo grabbed from YouTube (Cinema One)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results