PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

One month after enforced quarantine, poor families still awaiting cash aid

A number of poor families in Caloocan settle for P2,600 aid “kaysa wala.”
by Jet Hitosis
Published Apr 23, 2020
More than a month after government enforced Luzon-wide quarantine, many poor families are still waiting for the emergency cash subsidy from the Department of Social Welfare and Development.
PHOTO/S: dswd.gov.ph, Maiko Valentino/Unsplash

Hindi na nga buo, atrasado pa.

Ito ang himutok ng ilang taga-Caloocan City na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa pinakaaasam nilang PHP8,000 cash aid.

Ayon sa ilang residente, pumayag na nga silang hati-hatiin sa dalawa hanggang tatlong pamilya ang pera para lang may matanggap sila.

Pero hanggang ngayon, mahigit isang buwan matapos ipatupad ang enforced quarantine, ay naghihintay pa rin sila sa ipinangakong ayuda.

“Meron na ditong iba, PHP2,600 [ang natanggap],” kuwento ni "Aling Mila," 52.

“Iyong iba wala pa.

“Naghihintay pa ng tawag sa barangay,” dagdag niya.

Si Aling Mila ay solo parent sa tatlong anak na nagsisipag-aral pa.

Nagtatrabaho siya sa isang maliit na laundry shop, at may suweldong mas mababa sa minimum.

Pero nagsara ang shop nitong March 17, ang mismong araw na isinailalim ang buong Luzon sa enforced quarantine.

Nagpatupad ng no work, no pay ang amo ng ginang, kaya wala siya ngayong pinagkakakitaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang naikuwento ni Aling Mila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook.

“OKAY NA KAHIT P2,600 NA LANG… KAYSA WALA”

Ayon kay Aling Mila, pumayag sila sa pakiusap ng kanilang barangay officials na hatiin sa tatlong pamilya ang PHP8,000 cash aid.

Gaya ng kanyang mga kapitbahay, PHP2,600 din ang inaasahang matatanggap ni Aling Mila ngayong buwan.

Aniya, may isang linggo na raw ang nakalipas nang magparehistro sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash aid.

“Okay na kahit PHP2,600 na lang… kaysa wala,” sabi niya.

“Kaya lang, tagal naman.

“Wala nga akong pera, walang makain.”

THE PROCESS OF SAP APPLICATION

Karaniwang tumatagal ng isang linggo ang proseso ng pagkuha sa cash aid.

Ito ay batay sa karanasan ng mga tumanggap na ng ayuda, na na-interview din ng PEP.ph.

Magsisimula sa pagbabahay-bahay ng mga opisyal ng barangay para ilista ang mga pamilyang beneficiaries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, bibigyan na ng Social Amelioration Card (SAC) form ang mga pamilyang tatanggap ng ayuda.

pna.gov.ph

Barangay officials din ang kukuha ng filled-out forms, na isusumite sa local government office (LGU).

Ang LGU ang magpo-forward ng SAC forms sa DSWD, na siyang mamamahagi ng cash aid.

EMERGENCY CASH SUBSIDY

Ang cash aid ay nakapaloob sa Emergency Subsidy Program-Social Amelioration Program (ESP-SAP) ng DSWD.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Layunin nitong alalayan ang pinakamahihirap na pamilya na apektado ng enforced quarantine, bunsod ng COVID-19 pandemic.

Alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act, magbibigay ang gobyerno ng PHP5,000-PHP8,000 buwanang cash aid sa 18 million low-income families.

Ipagkakaloob ang ayuda para sa dalawang buwan, ang Abril at Mayo.

4.7M OUT OF 18M BENEFICIARIES GET CASH GRANT

Sa report ng Rappler nitong April 21, sinabi ng DSWD na as of April 19, mahigit PHP22 billion na ang naibigay sa 4.7 million beneficiaries ng SAP.

Nangangahulugan na 26 per cent pa lang ng target beneficiaries ang nakatanggap ng ayuda.

Ito ay kahit pa kinumpirma ng DSWD na PHP74.5 billion na ang nailabas nito para sa mga LGUs, ayon pa sa report.

Ang PHP74.5 billion ay bahagi ng PHP100 billion na nailipat na ng gobyerno sa DSWD noong April 2.

dswd.gov.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, inanunsiyo ng DSWD na tatapusin nito ang pamamahagi ng first tranche ng cash aid hanggang April 30.

Ibig sabihin, milyun-milyon pang katulad ni Aling Mila ang maghihintay ng cash aid sa mga susunod na araw.

Mas masuwerte naman kaysa sa ginang ang karamihan sa kanila, dahil buo nilang matatanggap ang PHP8,000 subsidy.

Pero bakit nga ba may mga barangay na kailangang hatiin ang ayuda mula sa gobyerno?

Walang ganoong abiso ang Malacañang, DSWD, o LGU.

DIVIDING P8000 INTO 3 TO COVER 3 FAMILIES

Isang kagawad sa isa pang barangay sa Caloocan ang nakapanayam ng PEP.ph.

Pag-amin niya, kani-kanyang “diskarte” ang mga barangay para maraming makatanggap ng ayuda.

Kulang kasi ang Social Amelioration Card (SAC) forms na ipinamahagi ng DSWD sa karamihan ng barangay sa Caloocan.

Sa kanyang barangay, halimbawa, mahigit 1,300 pamilya raw ang nagpalista para tumanggap ng subsidy.

“Ang ibinigay lang ng DSWD na form ay 467,” anang kagawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katwiran ng kagawad: “Alam po natin na bawal ang hati.

“Pero inaasahan po ng lahat ng tao ang SAC form na iyan.”

“DISKARTE” NG BARANGAY

Dahil daw sa dami ng nangangailangan ng ayuda, kinailangang gumawa ng paraan ang barangay.

"Hinati," pagkumpirma ng kagawad.

“Iyon ang diskarte na kahit papaano nagkaroon ang mga tao ng ayuda galing sa gobyerno.

“Iyon lang ang aming paraan para hindi magalit ang tao sa barangay.

“At iyon din ang nakikita namin para lahat ay magkaroon.”

Sinabi ng kagawad na aware ang Caloocan City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na hinahati-hati ng ilang barangay ang cash aid.

Inamin din ng kagawad sa PEP.ph na may 62 pang pamilya na hindi nakakatanggap ng cash aid sa kanilang barangay.

“Meron pang pending na 62 na hindi pa na-evaluate.

“Kasi 405 lang ang naprubahan.”

Paliwanag niya, nagkaroon ng problema sa SAC forms ng mga ito.

Kapag naayos na ang problema, tatanggap pa rin daw ng ayuda ang naturang beneficiaries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DSWD: DIVIDING CASH AID IS NOT ALLOWED

Sa kanyang panig, sinabi ng kagawad na hinahati nila sa dalawa ang PHP8,000 cash aid.

Aniya, karamihan sa pamilyang SAP beneficiary sa kanilang barangay ay tumanggap ng PHP4,000.

May mga tumanggap din daw ng buong PHP8,000, gaya ng ilang senior citizens.

Umaasa naman ang kagawad na sa susunod na buwan ay hindi na ganoon kalaki ang kulang na SAC forms na ibibigay ng DSWD sa barangay.

Iyon ay para hindi na nila kailangang hatiin pa ang cash aid.

Pero dati nang sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na bawal hatiin ang cash subsidy.

Ang halaga raw kasi ng ayuda ay ibinatay sa isang-buwang gastusin ng isang pamilya lamang.

Gayunman, aminado si DSWD Secretary Rolando Bautista na nagkaproblema dahil marami kaysa sa inaasahan ang beneficiaries na nailista ng LGUs.

DSWD EXPLAINS COMPUTATION Of TARGET BENEFICIARIES

Dati nang nagpaliwanag ang DSWD sa hindi nagtugmang bilang ng target SAP beneficiaries at listahan ng LGUs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Dumlao, ang target ay ibinatay sa Listahanan 2015 ng kagawaran.

Ang Listahanan ay database para sa 15 million poor at near-poor families sa bansa.

Mula sa 15 milyong pamilya sa Listahanan, nagdagdag ang gobyerno ng 3 million, na ibinatay sa population growth rate data ng Philippines Statistics Authority.

Ito ang computation na pinagbatayan sa budget ng cash aid para sa 18 million households.

QUALIFIED FAMILIES CAN APPEAL

Sakaling kuwalipikado ang pamilya sa ayuda pero wala sa listahan, maaari silang maghain ng apela sa kani-kanilang CSWDO, ayon kay Dumlao.

Dapat lang mai-file ang apela tatlong araw matapos simulan ang pamamahagi ng SAC forms sa barangay.

Sa LGUs naman nagpasaklolo si Secretary Bautista ng DSWD.

“For the time being, we encourage LGUs to utilize their Local Development Fund (LDF) to provide assistance for those who are not covered by the ESP-SAP,” ani Bautista.

Kasunod ng pahayag na ito ni Bautista, maraming LGUs ang namahagi ng hiwalay na financial aid mula sa kanilang pondo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para ito sa mga pamilyang hindi napabilang sa SAP beneficiaries.

Kabilang sa mga LGUs na ito ang Pasig, Manila, at Caloocan.

Sa ngayon, inaabangan ang susunod na kabanata ng kailangang-kailangang ayuda.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
More than a month after government enforced Luzon-wide quarantine, many poor families are still waiting for the emergency cash subsidy from the Department of Social Welfare and Development.
PHOTO/S: dswd.gov.ph, Maiko Valentino/Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results