Nag-alala para kay Iza Calzado ang singer-songwriter na si Gary Valenciano at ilang Instagram followers ng aktres.
Ito ay makaraang i-post ni Iza, 37, nitong Linggo, April 26, ang litrato niyang nakaupo sa hospital bed habang nakakabit sa kanya ang non-rebreather mask.
Ang non-rebreather mask ay oxygen therapy upang mapaluwag ang paghinga ng isang may respiratory disease, ayon sa webmd.com.
Ginagamit itong respiratory support sa mga pasyente ng coronavirus disease o COVID-19.

Halos isang buwan na ang nakalipas nang mapagaling si Iza sa pneumonia at COVID-19.
Sa orihinal na maikling caption ng kanyang post, nagpasalamat si Iza sa Diyos.
Na-realize daw niya na, “Every breath is a blessing.”
Pero hindi binanggit ni Iza kung kailan kuha ang picture.
IZA’S LATEST PHOTO ALARMs FANS
Kaya naman ilang Instagram followers ng aktres ang nagulat sa litrato niya.
Pilit nilang kinukumpirma kung luma na ang picture na ipinost ni Iza.


Nag-aalalang tanong ng mga netizens, nagpositibo raw bang muli sa COVID-19 ang aktres?
Ang alam kasi nila ay nagnegatibo na ito sa coronavirus at fully recovered na.




Inakala nilang latest photo ang ipinost ni Iza at naka-confine itong muli sa ospital.



GARY WORRIED, OTHER CELEBRITIES PRAY WITH IZA
Ito rin ang pumasok sa isipan ni Gary V., 55.
Bakas ang pag-aalala sa comment ni Gary: “This is an older pic yes? Or are you back there????? [five praying hands emojis]”
Ang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila ang sumagot sa tanong ni Gary.
Kinumpirma ni Karen na lumang litrato ni Iza ang ipinost ng aktres.
Sa katunayan, ayon sa broadcaster, na-interview niya si Iza ilang araw na ang nakalipas.
Sagot ni Karen kay Gary: “older pic Gary! [praying hands emoji] I intrvwd Iza already a few days ago, she is well!!!”

Praying hands at heart emojis naman ang komento sa litrato ni Iza ng iba pang celebrities.
Gaya ni Karen, alam nilang lumang picture ni Iza ang ipinost nito, at maayos na ngayon ang lagay ng aktres.
Kaisa sila sa pagdarasal at pasasalamat sa Diyos na napagtagumpayan ni Iza ang COVID-19.
Kabilang sa kanila sina Anne Curtis, Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, Vina Morales, Phoemela Baranda, Gretchen Fullido, Tim Yap.


Nagkomento rin ng parehong emojis sina Karen Davila, Jhong Hilario, Liz Uy, at Angelika dela Cruz.


IZA EDITS CAPTION OF ONE-MONTH OLD PHOTO
Isang Instagram follower ni Iza ang nag-suggest na linawin ng aktres sa caption kung kailan kinunan ang litrato.
Sa panahon daw kasi ngayon, ayon sa netizen, hindi maiiwasang magdulot ng “panic pa more” ang picture na gaya ng ipinost ni Iza.


Walang sinagot si Iza sa mga nagkomento sa kanyang post, pero in-edit niya ang caption.
Nilinaw ng aktres na kuha ang picture eksaktong isang buwan na ang nakalipas, o noong March 26.
Ito ang kabuuan ng edited caption ni Iza (published as is):
“The Lord has powerful ways, indeed!
“Grateful for my llife today and always.
“Even more grateful for his instruments of life - our positive spirit and resilience, especially in our frontliners.
“This was me exactly a month ago.
“Every breath is a blessing. [praying hands emoji]”
IZA’S COVID-19 BATTLE
March 28 nang nagpositibo sa COVID-19 si Iza.
Makalipas ang dalawang araw, March 30, ay negatibo na ang resulta ng retest sa aktres.
Desidido si Iza na mag-donate ng blood plasma, na makakatulong para mapagaling din ang iba pang COVID-19 patients.
Pero kinailangang ipagpaliban ito ng aktres dahil mas mababa sa minimum cut-off ang kanyang hemoglobin.
Kailangan daw munang patuloy na magpalakas si Iza upang makapag-donate siya ng blood plasma.
