Bea Alonzo's closeness to Dominic Roque sparks romance rumors anew

by Rachelle Siazon
Apr 27, 2020
Netizens speculate about whether or not Bea Alonzo and Dominic Roque are dropping hints they are an item.
PHOTO/S: @beaalonzo / CTTO via @dominicroque Instagram

May espesyal na ugnayan nga ba sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Ito ang tanong ng isang masugid na tagasubaybay ni Bea na napansin ang umano'y mga simpleng pahiwatig na nagkakapalagayang-loob ang aktres at si Dominic.

Linggo ng hapon, April 26, nang mag-post si Bea ng picture kasama ang alaga niyang maltese dog na si Walter.

Continue reading below ↓

Isang simpleng heart emoji ang iniwang comment ni Dominic, 29, sa comments section ng post ni Bea, 32.

Kinakiligan ito ng fans ni Bea na nagsasabing bagay raw sila ni Dominic.

Napatanong pa ang iba kung si Dominic ang may kuha ng picture ni Bea kunsaan doble ang reflection ng aktres.

Continue reading below ↓

Natandaan kasi ng netizens na noong nag-Japan si Bea ay may kuha itong ginamitan ng camera trick para magdoble ang reflection ng aktres.

Si Dominic ang naka-credit na may kuha ng litrato ni Bea.

Magkasama sila at isa pang kaibigan na nagpunta ng Japan noong November 2019.

Sabi pa ng ibang netizens, walang masama kung sakaling maging sina Dominic at Bea dahil pareho raw single ang mga ito.

Continue reading below ↓


VOLUNTEERING TOGETHER?

Hinihinalang kasama si Dominic sa relief efforts ni Bea na gumawa ng face shields para sa frontliners.

Namataan ang umano'y sasakyan ng binata na nakaparada sa tapat ng bahay nina Bea.

Kuha iyon noong araw na dineliver sa bahay ni Bea ang raw materials para sa ginagawa nitong face shields noong April 3.

Continue reading below ↓

Nakasuot ng shorts at sleeveless top si Bea, na nakatayo sa likod ng isang grayish black pick-up.

Pinaniniwalaang kay Dominic ang kotse dahil tugma iyon sa kulay at estilo ng pick-up ng binata.

Continue reading below ↓

MORE CLUES?

Napukaw rin ang pansin ng netizens na tila parehong may inspirasyon sina Bea at Dominic ngayon.

Una na si Dominic na tinukso ng isa niyang kaibigan noong March 25.

Nag-post si Dominic ng selfie na ang bahagi ng caption ay "Stay positive."

Hirit ng isang netizen, "Anong positive po ito idol?"

Sagot ni Dominic, "positibo sa pag-ibig."

Continue reading below ↓

Noong April 20, si Bea naman ang inasar ng kaibigan niyang si Enchong Dee.

Nag-post si Bea ng throwback photo mula sa work-vacation trip niya sa Norway.

Sa comments section, tila nilaglag ni Enchong si Bea nang tanungin nito kung sino si "Ice" sa buhay ng aktres.

Hirit ni Enchong, "Sino nga si Ice?"

Mahabang tawa lang ang sagot ni Bea.

Continue reading below ↓

SIGHTINGS TOGETHER

Noong November 2019, sinabi ni Bea sa isang TV interview na magkaibigan lang sila ni Dominic.

Pero patuloy ang espekulasyon hinggil sa ugnayan nila dahil si Dominic lang ang bukod-tanging showbiz personality na kasama ni Bea sa isang family picture noong February 2020.

Imbitado noon si Dominic sa baby shower na inorganisa ni Bea para sa mapapangasawa ng kapatid niyang si James Carlos.

Noon ding buwan na iyon ay kasama si Dominic nang mag-grocery si Bea at si Nina Ferrer ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Silang tatlo ang magkakasamang nag-Japan noong November 2019.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens speculate about whether or not Bea Alonzo and Dominic Roque are dropping hints they are an item.
PHOTO/S: @beaalonzo / CTTO via @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results