Ellen Adarna speaks about co-parenting with John Lloyd Cruz

by Arniel C. Serato
Apr 29, 2020
Ellen Adarna on co-parenting setup with John Lloyd Cruz: "he [Elias] stays with me. He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram / File

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Ellen Adarna tungkol sa co-parenting status nila ng dating karelasyong si John Lloyd Cruz.

Sa July ay magdadalawang taon na ang anak nilang si Elias Modesto.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 28, magiliw na ipinakita ni Ellen ang kanyang “mumbod” ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.

Nakalagay sa caption ng 32-year-old Cebuana actress: "#quaranTan #mumbod thanks to my ever amazing yaya @jessamucho for the amazing videos, boomerang and pics.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, isang netizen ang nangahas magtanong kay Ellen tungkol sa anak nila ni John Lloyd, 36.

Napanood daw kasi ng netizen ang Instagram Live nina John Lloyd at Bea Alonzo, kung saan napag-usapan ng magka-love team na kasama ng aktor ang anak nila ni Ellen.

Ipinakilala pa nga ni John Lloyd si Elias kay Bea.

Tanong ng netizen: “How often do you see your son?

“I’ve watched bea ig live and it was mentioned that your son is with john lloyd...

“I’m curious Lang coz I’m a mum and can’t imagine myself being away with my kids”

Sa sagot ni Ellen, lumalabas na dalawang beses kada linggo nakakasama ni John Lloyd ang anak nila.

Sabi ng aktres (published as is): "he stays with me. He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”

Continue reading below ↓

Unang linggo ng Agosto 2019, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalayan ng dalawa.

Sa nasabing report din inilagay ng PEP na co-parenting na lamang ang status ng dalawa.

#MUMBOD

Sa post pa rin ni Ellen ng larawan niyang naka-two piece, marami ang humanga sa kanyang katawan na parang hindi raw nanganak.

Komento ng isa niyang follower: “murag wala nanganak [parang hindi nanganak] hi ate elen.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ng isa: “Dzae unsaon pag ing ana nga lawas? Huhuhuhu makasuya jud sha dzae! [‘Day paano ma-achieve ang ganyang katawan? Huhuhu nakakainis ka talaga ‘Day!]”

Pero may ilan namang nagtanong kung edited ba ang kanyang picture dahil iba raw ang kulay ng kanyang balat bandang tiyan.

Sagot dito ni Ellen: "nope. I just tan a lot and i dunnu why my stomach and mid part of my body tanned the most."

Continue reading below ↓

Biro naman ng isang netizen, nakalimutan daw ni Ellen lagyan ng sunblock yung bandang tiyan niya.

Pag-sang ayon ni Ellen, "i think mao tong start na nasunog akong tiyan kai hantod ron grabe itom kau ako tiyan compared sa uban parts hahahahaahahahhaahhahahaah"

("I think yun ang simula na nasunog ang aking tiyan hanggang ngayon grabe ang itim talaga ng tiyan ko kumpara sa ibang bahagi hahahahaahahahhaahhahahaah')

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on co-parenting setup with John Lloyd Cruz: "he [Elias] stays with me. He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results