Umapela ang Instagram followers ni Ai-Ai delas Alas na magsuot siya ng face mask habang naghahanda ng pagkain.
Ito ang naging reaksiyon ng ilang netizens sa post ng 55-year-old comedienne nitong Huwebes, April 30.
Sa Instagram post ni Ai-Ai, makikita ang litrato niya habang naghahanda ng pastries.
Sa caption, nagpasalamat siya sa Diyos na maayos ang kalusugan ng kanyang pamilya nang araw na iyon.
Mababasa sa caption ni Ai-Ai (published as is): “Good morning .. para sa aming maagang customers magandang umaga at salamat ..
“and Lord thank you sa araw na ito .. walang kaming sakit at malakas ang aming pangangatawan amen [praying hands emoji]
“TO GOD BE THE GLORY”
FACE MASK DURING FOOD PREP
Pero isang Instagram follower ni Ai-Ai ang nakapansing walang suot na face mask ang komedyante.
Komento nito: “Mask po idol.”
Katwiran ni Ai Ai, tapos na ang cupcakes at finishing touches na lang ang ginagawa niya sa mga ito.
Reply niya: “Nag lagay lang ako ng leche glan [flan] gawa na yan chill lang kayo”

Mistulang hindi nakuntento si Ai-Ai sa isinagot niya sa netizen.
Nagpaliwanag pa siya.
Ayon sa kanya, hindi naman aabutin ng isang minuto ang paglalagay ng leche flan sa ibabaw ng mga ginawa niyang cupcakes.
Paglilinaw pa ni Ai-Ai, prayoridad ang pagsusuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay.
Pero dagdag niya, ang mga may quarantine pass lang ang makakalabas ng bahay.
Alinsunod ito sa basic guidelines ng enforced quarantine na ipinatutupad ng gobyerno.
Dagdag-sagot ni Ai Ai sa netizen: “wala pang one minute mag lagay ng leche flan sa ibabaw ..
“chill lang kayo
“ang mag mask pag lalqbas kayo kung may quarantine pass kayo.”

Isa pang Instagram follower ni Ai-Ai ang sumingit sa usapan.
Iginiit nitong mahalaga ang pagsusuot ng mask “for food hygiene.”

Sinegundahan ito ng isa pang netizen na sumagot ng “exactly!”

Ilan pang Instagram followers ng comedienne ang nakapansin sa kawalan niya ng suot na mask.

AI-AI IS COMPARED TO JUDY ANN
Ang isang netizen, ikinumpara si Ai-Ai sa aktres na si Judy Ann Santos.
Ayon sa netizen, nakasuot si Judy Ann, 41, ng face mask “pagmagseserve po xa ng mga foods.”

Tulad ni Ai-Ai, madalas ding pagluluto ang ibinibida ni Judy Ann sa kanyang Instagram posts.
May pagmamay-aring restaurant si Judy Ann, na mina-manage niya at ng asawang si Ryan Agoncillo.
Samantala, hindi na sinagot ni Ai-Ai ang iba pang komento.
Kung sisilipin kasi ang Instagram feed ni Ai-Ai, makikitang regular siyang gumagamit ng spit guard face mask tuwing nagbe-bake.
Nakasuot din ng parehong face mask ang mga tumutulong kay Ai-Ai sa kanyang pastry business.
Surgical mask naman ang suot ng anak niyang si Sancho delas Alas tuwing tumutulong ito sa pagmamasa ng dough.
Katuwang din ni Ai-Ai sa pagbe-bake ang asawang si Gerald Sibayan.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
