Ex-Senator Jinggoy Estrada released from San Juan Police station without charges

by Jojo Gabinete
May 3, 2020
Former senator Jinggoy Estrada has been released by the San Juan City Police after he was brought to the police station Sunday afternoon for allegedly violating quarantine protocols.
PHOTO/S: Jinggoy Estrada Facebook

Pinayagan ng San Juan City Police si former Senator Jinggoy Estrada na makauwi matapos imbitahan sa presinto ngayong Linggo, May 4.

Ito ay kaugnay ng reklamong nilabag umano ni Estrada ang social distancing, isa sa mga provisions ng Enhanced Community Quarantine, nang mamigay siya ng mga bangus sa mga residente ng Barangay Salapan.

Ayon sa Estrada supporter na si Rhonel Cisneros, walang kasong isinampa laban sa dating senador.

Pero pinayuhan si Estrada na makipag-coordinate sa local government unit tungkol sa kanyang mga susunod na relief operations.

SOCIAL DISTANCING

Sa panayam ng mga miyembro ng media pagkatapos ng imbestigasyon sa kanya, nanindigan si Estrada na hindi siya lumabag sa ipinatutupad na social distancing nang mamahagi siya ng mga bangus mula sa farm ng kanyang ina na si Dra. Loi Ejercito.

Pahayag niya, "I made it a point, every time I go to the barangays to distribute the bangus, I make it a point na the people will observe social distancing.

Continue reading below ↓

"As I’ve said earlier, I’ve been doing this for the past two weeks.

"And all of a sudden, while I was distributing bangus kanina sa Barangay Salapan, suddenly the policemen came and invited me over here for some interrogation.

"And I was asking them what was my violation.

"They told me that I violated certain provisions of the enhanced community quarantine.

"So sabi ko, anong klaseng violation?

"Sabi nila, they have daw copies of people were not observing social distancing."

Paliwanag pa ni Estrada, "So ako naman, I was pretty sure, I was pretty confident that yung mga tao ko, inuutusan nila yung mga tao to observe social distancing.

"In the video that was shown to me by the policemen were not the video that were taken… those were old videos.

"Nagkumpol-kumpol ang mga tao and, if you notice the video, wala po ako doon.

"Wala po ako sa videong yun.”

Continue reading below ↓

Si Estrada, 57, ay naging three-term mayor ng San Juan City mula 1992 hanggang 2001.

MAYOR ZAMORA DENIES REPORTING ESTRADA

Samantala, itinanggi ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa panayam sa kanya ng TV Patrol ngayong gabi, May 3, na siya ang nagsuplong kay Jinggoy kaya inimbitahan ito ng San Juan Police.

Saad ng 42-anyos na alkalde, "Meron kasing monitoring team si DILG, si IATF, and si PNP, just like any other city. They know what's happening.

"In fact, araw-araw nagmo-monitor 'yan sa amin kung anong nangyayari."

Ayon pa kay Zamora, alam daw ng mga taga-San Juan ang ginagawang pag-iikot ni Estrada.

"Yung ginagawa niya kasing pag-ikot sa iba't ibang barangay, kitang-kita naman ho ng lahat 'yan e.

"Kahit saan ka magtanong, alam na nangyayari 'yan.

“Yung mga tagarito, alam nila na nag-iikot, parating maraming tao, walang social distancing.”

Sinabi rin ni Zamora, walang naging problema kung nakipag-ugnayan si Estrada sa kanyang opisina tungkol sa pamimigay nito ng relief goods.

Continue reading below ↓

Ibinigay niyang halimbawa ang permit na ipinagkaloob sa anak ni Estrada na si dating Vice Mayor Janella Estrada.

Saad ni Zamora, "Katunayan, ang kanyang anak, nung April 29, nag-apply sa aking opisina para sa kanyang botika.

"Meron siyang libreng botika kung saan mamimigay siya ng gamot.

"Agad-agad, inaprubhan ko 'yan.

"In fact, sa loob lang ng isang araw, ni-release namin yung certification para sa kanyang anak.

"So, walang dahilan na hindi namin i-approve.

"'Yan naman po ay tulong para sa tao. Hindi naman natin sila pinipigilan."

Bago ang pag-aresto kay Estrada ngayong araw, noong Abril lamang ay nagkairingan ang dating senador at si Mayor Zamora.

Ito ay kaugnay naman ng pagharang ni Zamora sa mobile market ni Janella.

Ayon sa kampo ni Janella, sinabing "illegal" ang mobile market nito dahil nakikipagkumpitensiya raw ito sa vendors ng Agora Market.

Mas mababa raw ang presyo sa mobile market ni Janella, at hindi raw ito maituturing na charity dahil may pera pa ring involved.

Continue reading below ↓

Ayon sa kampo ni Zamora, naging "illegal" ang mobile market ni Janella dahil sa kawalan nito ng permit, na kinakailangan ng sinumang maglalako.

Si Janella ay tinalo ni Zamora sa pagka-alkalde noong 2019 elections.

Noong 2019 din nagtapos ang pamumuno ng pamilya Estrada sa lungsod ng San Juan pagkatapos ng 50 taon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former senator Jinggoy Estrada has been released by the San Juan City Police after he was brought to the police station Sunday afternoon for allegedly violating quarantine protocols.
PHOTO/S: Jinggoy Estrada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results