Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

ABS-CBN franchise ends midnight today; SolGen Calida warns NTC against granting provisional authority for network to operate

by Arniel C. Serato
May 4, 2020
The big question now: Will broadcast giant ABS-CBN continue its operations tomorrow, May 5, 2020, after its 25-year legislative franchise expires midnight tonight, May 4?
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Hanggang 11:59 ng gabi na lamang ngayong May 4, 2020 ang legislative franchise to broadcast ng Kapamilya network.

Ito ay matapos ang 25 taong prangkisa ng broadcast giant na inaprubahan noong March 1995.

Binalaan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang National Telecommunications Commission (NTC) sa kakaharaping reklamo kapag binigyan nito ng provisional authority to operate ang ABS-CBN.

Sa pahayag na inilabas ni Solicitor General Jose Calida kahapon, May 3, pinaalalahanan niya ang NTC commissioners na maaari silang maharap sa mga reklamo kaugnay ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act kapag ipilit nila ang pagbibigay ng provisional permit sa ABS-CBN.

Saad sa pahayag ng OSG na ipinadala sa mga media organizations:

"The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise.”

Ayon pa kay Calida, walang batas sa ating Konstitusyon na nagsasabing maaring utusan ng Kongreso at Senado ang NTC na magbigay ng legislative franchise sa mga broadcast companies katulad ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Dagdag sa statement ng solicitor general: “[T]he Constitution gives Congress the exclusive power to grant franchises to public utilities, such as broadcasting companies, in order to operate in the country.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Although this legislative power may be delegated to administrative agencies through a law, at present, there is no such law giving the NTC or any other agency the power to grant franchises to broadcasting entities.”

Ayon pa sa statement, maaari lamang makakuha ng provisional permits mula sa NTC ang mga broadcasting companies kung mayroon silang legal and valid franchise mula sa Kongreso.

Kaya hindi na raw maaaring mabigyan ng provisional authority ang ABS-CBN Corp. at ang affiliate nitong ABS Convergence Inc. dahil mapapaso na ang kanilang prangkisa ngayong araw, May 4.

CALIDA WANTS LETTERS FROM CONGRESS AND SENATE IGNORED

Nagpadala ng sulat sa NTC sina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Legislative Franchises Committee chair Congressman Franz Alvarez upang hikayating bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN simula ngayong May 4.

Continue reading below ↓

Nagpasa rin ng resolusyon ang Senado na nag-uudyok sa NTC na mag-isyu ng provisional authority sa istasyong pag-aari ng pamilya Lopez.

Pero pagkontra ni Calida, na siyang tumatayong abugado ng Duterte administration, “sentiments of the legislature” lamang ang mga ito at hindi maaaring gamitin ng NTC.

CALIDA ALSO WANTS DOJ OPINION IGNORED

Hindi rin daw maaaring gamitin ng NTC ang legal opinion dated February 26, 2020 ng Department of Justice (DOJ).

Ang OSG na nasa ilalim ng DOJ.

Ito ay dahil daw may kaparehong opinyon ang DOJ na ibinasura ng Korte Suprema noong 2003.

Base ito sa kaso ng Associated Communications & Wireless Services United Broadcasting Network Inc. (ACWS) laban sa National Telecommunicatons Commission.

Sa nasabing desisyon, hindi pinayagan ng Supreme Court ang ACWS na mag-broadcast nang walang bagong legislative franchise mula sa Kongreso.

Ayon pa kay SolGen Calida, ang provisional authority to operate ay maaari lamang ibigay sa mga broadcasting companies na naghihintay ng issuance of certificates of public convenience (CPC) mula sa NTC.

Hindi raw kasama rito ang mga kumpanyang walang balido at kasalukuyang aktibong prangkisa.

Continue reading below ↓

Ang maari lamang daw igawad ng NTC ay ang order sa ABS-CBN na tumigil na sa kanilang operasyon.

SPEAKER ALAN PETER CAYETANO vs. solgen calida

Sa panayam ng DZMM kay House Speaker Alan Peter Cayetano nito lang April 29, 2020, tiniyak nitong hindi magsasara ang broadcast giant kahit na mapaso na ang prangkisa nito.

Saad niya, “On the other hand, I really cannot imagine a Philippines or world without ABS-CBN, di ba?

"I meany, ung pagiging Kapamilya ay likas na sa lahat, e.

“Paborito kong news dito sa istasyon na ’to, favorite sports ko dito.

"Ang Kapamilya or ABS has been part of our lives, di ba?

"But because nga part of due process is marinig natin both sides, hindi naman natin alam na ganito kagrabe ang COVID, di ba?

"Actually, dapat on May 4 or 5, may hearing na.

"But what we want to... gusto namin ipaabot sa lahat ng viewers ng ABS-CBN, DZMM, sa lahat ng mga empleyado, sa mga artista, mga directors 'no...wala pong move na isara ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

“And, in fact, nag-utos na ang House of Representatives sa NTC to grant a permit during this time.”

Makikipag-usap daw si Cayetano sa ilang senador ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

malacañang: ABS-CBN ISSUE all up TO NTC

Ipinauubaya naman ng Malacañang ang kapalaran ng ABS-CBN sa NTC.

Sa kanyang press briefing ngayong araw, May 4, natanong kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang tungkol sa banta ng OSG sa NTC sakaling magbigay ito ng provisional authority sa ABS-CBN.

Sagot ni Roque, “Well, ang SolGen po ay isang alter-ego ng ating Presidente at sumulat na nga siya sa National Telecommunications Commission.

"Itong bagay po na ito is a matter that must be dealt with by the NTC as a quasi-judicial body at aantayin po natin ang sagot ng National Telecommunications Commission.”

Dagdag pa niya, “Ang Presidente naman, ipapatupad kung anong magiging desisyon ng National Telecommunications Commission.”

Ang ibig bang sabihin nito, kapag hindi makapagbigay ang NTC ng provisional authority ay wala nang operasyon ang ABS-CBN bukas, May 5?

Continue reading below ↓

Maaari rin kayang suspendehin muna ni President Rodrigo Duterte ang rules ng franchise applications ng isang istasyon, katulad ng ABS-CBN, ngayong may COVID-19 pandemic?

Muling ipinasa ni Roque sa NTC ang desisyon tungkol dito.

Aniya, “Meron po kasing batas na nagbibigay ng kapangyarihan, na magbibigay kasagutan sa mga tanong sa National Telecommunications Commission.

“So, hahayaan po namin ang NTC na magdesisyon at kung anuman ang desisyon ng NTC, ipapatupad din po ‘yan ng buong gobyerno.

“So, ang desisyon po ay nasa NTC.”

CALIDA ACTING ON HIS OWN?

Sa mga naunang ambush interviews kay Pangulong Duterte, sinabi nitong pinatawad na niya ang pagkakamaling nagawa ng ilang tauhan ng ABS-CBN sa kanya.

Hindi umere ang kanyang political ads noong May 2016 presidential elections.

Pero ang paghahain daw ng urgent motion ni SolGen Calida sa Supreme Court na bawiin ang prangkisa ng network ay desisyon lamang nito at wala raw kinalaman ang Pangulo.

Acting on his own din kaya si SolGen Calida nang magbanta sa NTC?

Continue reading below ↓

Sagot ni Roque, “Well, ang alam ko po ay yung alam niyo rin, na napatawad na ng Presidente ang ABS-CBN.

“Pero hindi naman po pupuwedeng maimpluwensiyahan ng ating Presidente ang NTC dahil sa batas.

“Desisyon po ng Komisyon ‘yan at hindi naman po puwedeng pangunahan ng Presidente ang NTC pagdating sa siyung ito.

“Hayaan na muna nating magdesisyon ang NTC.”

Hindi naman kapani-paniwala ang sinabing ito ni Roque. Ang NTC, at ang namumuno nito, ay appointees pa rin sa una't huli ng Presidente.

Kaya mas malamang kaysa hindi, na kung ipinipilit ni SolGen Calida na huwag bigyan ng NTC ang ABS-CBN ng provisional authority to operate, ito na rin ang gustong mangyari ng Presidente.

DUTERTE THREATENS TO BLOCK ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Bago nito, makailang beses nagbanta si Pangulong Duterte tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Noong April 27, 2017, o tatlong taon bago matapos ang prangkisa ng ABS-CBN, nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng network dahil sa panggagantso diumano nito sa kanya.

Continue reading below ↓

Inulit ng Pangulo ang atraso sa kanya ng ABS-CBN sa isang speech noong May 19, 2017.

Sa kanya namang speech noong August 3, 2018, sinabi ni Duterte na hindi siya manghihimasok sa pagsusumite ng ABS-CBN ng application para sa panibagong broadcast franchise.

Pero sabi rin niya, "But if I had my way, I will not give it back to you."

Noong December 3, 2019, nagbanta muli ang Pangulo na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN nang sinabi nitong “I will see to it that you are out.”

Sa kanyang speech noong December 30, 2019, sinabi ni Duterte na mas makabubuti kung ibenta na lamang ng mga may-ari ang ABS-CBN.

ABS-CBN STATEMENT

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) ng pahayag ang ABS-CBN Corporate Communications tungkol sa isyung ito.

Ngunit wala pa silang pahayag.

Kaagad daw silang magpapadala ng statement sa PEP.ph kapag may sasabihin na ang management tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The big question now: Will broadcast giant ABS-CBN continue its operations tomorrow, May 5, 2020, after its 25-year legislative franchise expires midnight tonight, May 4?
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results