PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fans defend Claudine Barretto from body-shamers

A fan of Claudine Barretto defends the actress by saying that “size doesn’t define beauty.”
by Jet Hitosis
Published May 4, 2020
Fans slam netizens who commented on Claudine Barretto's apparent weight gain. They argued that it is "disrespectful" and "rude" to call out on someone about his or her weight.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

Ipinagtanggol si Claudine Barretto ng fans laban sa mga body-shamers.

Ito ay matapos magkomento ang maraming netizens tungkol sa timbang ng 40-year-old actress, sa Instagram post nito noong Linggo, May 3.

Ang post ay birthday greeting ni Claudine sa kanyang Tita Cherry Yap.

Tampok sa post ang mga lumang litrato ni Claudine kasama ang kanyang Tita Cherry.

May litrato sina Claudine at Cherry kasama ang ina ng aktres na si Inday Barretto at kapatid na si JJ Barretto.

May larawan din na makikitang kasama ni Claudine ang teen actress na si Francine Diaz at ilan pang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Claudine: “To one of the most pure & loving heart my Tita @itsmecherrylimyap

“Happy happy birthday guid ta.

“Thank you for loving us bcoz we luv u guid!”

BODY-SHAMING IS RUDE

Sa comment section, maraming Instagram followers ni Claudine ang nakapansin ng kanyang timbang.

Sinabi ng isa na dapat nang magpapayat ang aktres dahil “antaba muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinuldukan ng netizen ng loudly crying face emoji ang kanyang komento, sa malinaw na pagpapahayag ng concern para kay Claudine.

Hindi sinagot ni Claudine ang netizen, pero mabilis na nag-react ang fans ng aktres.

Tinawag nilang “rude” ang naturang komento.

Paglilinaw ng iba pang fans, luma na ang mga litratong ipinost ni Claudine.

Ang isang fan, ipinamukha sa netizen na “body shaming is unacceptable.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabila nito, maraming iba pang Instagram followers ni Claudine ang napakomento rin tungkol sa timbang ng aktres.

Sabi ng ilan, mas bagay daw kay Claudine kapag payat siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba, kinumbinsi ang aktres na mag-diet uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Observation naman ng isang fan, mistulang “namamaga” raw si Claudine.

Ang pamamaga raw ng aktres ay parang hindi magandang epekto ng nainom nitong gamot, o maaari naman daw na dahil sa kawalan ng exercise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FANS RUSH TO CLAUDINE’S DEFENSE

Kung tuluy-tuloy ang mga negatibong komento tungkol sa timbang ni Claudine, tuluy-tuloy rin ang pagtatanggol sa aktres ng fans.

Iginiit ng isang fan na “size doesn’t define beauty.”

Hindi raw payat o sexy lang ang matatawag na maganda.

Isa namang netizen ang gumamit ng #walangmodo sa mga nagkokomento tungkol sa timbang ni Claudine.

Nagpapakita raw ng kawalang respeto ang pagpuna sa sukat ng katawan ng kapwa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-relate naman sa aktres ang isa niyang Instagram follower.

Ayon sa netizen, bahagi na ng pagbati sa kulturang Pinoy ang punahin ang timbang ng kapwa.

Sa huli, ayon sa netizen, ang mahalaga ay masaya sa buhay si Claudine.

WEIGHT LOSS AND COMEBACK PROJECT

April 2018 nang ginulat ni Claudine ang kanyang Instagram followers sa mga ipinost niyang litrato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita kasi sa mga litrato nang mga panahong iyon ang malaking ibinaba ng kanyang timbang.

March 2019 naman nang mamataan si Claudine sa opisina ng Star Magic sa compound ng ABS-CBN.

Ang Star Magic ang talent management arm ng network.

Pero ilang araw bago lumabas ang naturang litrato, inihayag ni Claudine sa isang Instagram Live session na posibleng gumawa siyang muli ng teleserye o pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng July, kinumpirma ng aktor na si Piolo Pascual na magkakaroon sila ng reunion movie ni Claudine.

Unang nagtambal sina Piolo at Claudine sa blockbuster film na Milan, noong 2004.

Sa interview kay Piolo noong July 6, sinabi niyang September 2019 sisimulan ang shooting ng pelikula nila ng aktres.

Ngunit hanggang ngayon ay walang linaw kung matutuloy pa ang proyekto, na big screen comeback sana ni Claudine.

Taong 2015 nang huling napanood sa pelikula si Claudine, sa Etiquette for Mistresses.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans slam netizens who commented on Claudine Barretto's apparent weight gain. They argued that it is "disrespectful" and "rude" to call out on someone about his or her weight.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results