Tapos na raw si Julia Barretto, 23, sa pagiging conscious sa kanyang image sa showbiz industry.
Paliwanag ng ABS-CBN actress, kagaya ng maraming artista ay talagang naging maingat siya sa kanyang image noon.
Pero, hindi na raw ngayon.
“When I was younger, it made me so stiff.
"It made me careful of the things that I always say or, like, careful, like, how I present myself,” sabi ni Julia.
Tinawag pa niyang isang “trap” ang magkaroon ng image at ingatan ito.
Aminado si Julia na ganito ang kaugalian ng mga artista sa industriyang ginagalawan nila.
“For celebrities, it comes so naturally to always think what public perception would be, what they would say. It’s, like, automatic.
“It’s, like, part of us already, and it’s so hard to get yourself out of that trap,” saad niya.
Ibinahagi ito ni Julia sa podcast, kasama ang kanyang kapatid na si Claudia Barretto, nitong May 4, Linggo.
Ayon pa kay Julia, sa dami ng kanyang karanasan sa showbiz, “I feel, like, I’m at a point in my life where, in my career, that what you see is what you get.
“I don’t put an effort anymore to put up a façade to satisfy the image that you have of me in your head.”
Sa murang edad na siyam ay pinasok na ni Julia ang pag-aarista.

JULIA BARRETTO: “I’M HUMAN.”
Ani Julia, magpapakatotoo na siya sa kanyang sarili.
Hindi na raw mahalaga kung ano ang magiging tingin sa kanya ng iba.
“Right now, it’s like I don’t want to sacrifice my freedom as a person just because I’m afraid of who I’m gonna disappoint or who I’m going to upset.
“I’m going to be me.
"If it’s not going to match the image in your head of me at this point, it’s not my problem anymore,” pahayag ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.
Bilang isang tao, natural daw na maapektuhan siya kapag may naririnig siyang hindi magagandang komento.
Ano ba ang naiisip niya kapag may isyung ipinupukol sa kanya?
Ayon kay Julia, “First reaction is, when they say something about you and you know yourself so much, and when you know the truth, and you know the real story, of course, it hurts because that’s, like, that’s not me.
“Or sometimes it’s, like, no, that’s not the story.”
Madali raw sa kanyang balewalain kapag may ipinupukol na isyu sa kanya kapag hindi naman daw ito totoo.
Pero ibang usapan na raw kapag idinadamay ang kanyang pamilya.
“What I don’t like witnessing or seeing happen is when they involve my family.
“You can say anything you wanna say about me, but don’t say anything about my family," sabi ni Julia.
Inusisa rin si Julia kung ano ang nararamdaman niya kapag nahuhusgahan siya, at ang tingin sa kanya ay kabaliktaran ng imahe sa kanya ng publiko.
“They already have an image of the person that I am.
"When you see me on TV, the roles that I play, they already think they know who I really am, who Julia is,” sabi niya.
Ayon pa kay Julia, kawawa ang mga artista dahil nadidiin sila kapag nakakagawa ng pagkakamali, gayong normal lamang daw ito dahil tao rin sila.
Mas pinagpipiyestahan pa raw kapag nakagawa ng mali ang isang artista.
“I feel, like, when a celebrity makes a mistake, they celebrate even more.
"And they wanna dig deeper because it makes them realize, ‘Oh, they’re just like us. She’s like me.’
"And instead of punishing themselves for their mistakes that they have done, they just rather punish somebody else for it.”
Noong nakaraang taon, nasangkot sa malaking isyu si Julia matapos siyang pagbintangang third party umano sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Mariing itinanggi ni Julia ang isyu.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)
