Comedian Babajie dies of pneumonia at age 35

by Jerry Olea
May 4, 2020
Babajie, Alfredo Cornejo Jr. in real life, succumbed to pneumonia Monday afternoon, May 4. He was 35. Babajie was a regular featured guest on GMA-7's Bubble Gang.
PHOTO/S: Screen grab from Kapuso Mo Jessica Soho

Pumanaw na ang comedian na si Babajie, Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay.

Binawian siya ng buhay nitong Mayo 4, Lunes 3:18 p.m., sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa pneumonia.

Siya ay 35 anyos.

Lumabas-labas noon si Babajie sa gag show ng GMA-7 na Bubble Gang, at naitampok siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nakilala si Babajie dahil sa matulis niyang baba.

Hindi ike-cremate ang mga labi ni Babajie.

Ibuburol siya sa kanilang bahay sa Malibay, Pasay City.

Nagbilin si Babajie sa kanyang inang si Minda Cornejo na, para sa burol niya, damit-pambabae ang isuot sa kanyang katawan at punuin ng mga bulaklak ang dalawang banga.

Si Aling Minda ang nakabantay kay Babajie sa ospital mula nang ma-confine ito roon noong Abril 25.

Ililibing si Babajie sa Sgt. Mariano Cemetery sa Pasay.

Sa ngayon ay hindi pa napa-finalize kung kailan ang libing.

BABAJIE'S FAMILY

Maliban sa inang si Minda, ang mga naiwang kapamilya ni Babajie ay ang tatlong kapatid na sina Almin, Alina, at Aljohn.

Continue reading below ↓

Isang taon nang patay ang kanyang ama noong Mayo 1, Biyernes.

Ang pinsan ni Babajie na si Cid Cornejo ang nagbalita sa Facebook account nito sa pagpanaw ng comedian (published as is):

“Un na pala un tinototoo mo ung mga msg mo sa akin..

"Bakit? Maaga pa.. Bata ka ka pa..

"Alam mo kuya na mahal na mahal kita.. Ikaw ang pinakaclose ko noon pa man ikaw nag turo sa akin mag business.. Ikaw madalas kong kasama....

"Mamimiss kita.. I'm so proud of U lagi kita ipinag mamalaki. Lagi mong kakampi..

"Masakit kuya.. Ndi ko kayang sabihin..

“Queen Babajie Cornejo forever in our hearts. Kuya.. May you rest now...”

Continue reading below ↓

Nagkasunud-sunod na kapagkuwan ang pagpo-post ng mga nagmamahal kay Babajie sa Facebook account nitong Queen Babajie Cornejo.

Ayon kay Atheena Santamaria, line producer ng indie films na Field Trip at The Fate, “Lagi kong nakaka-chat si Babajie. Nag-a-ask siya kung ano ang OK kainin.

“Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Marami pa siyang mga pangarap para sa kanyang ina at mga kapatid.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Babajie, Alfredo Cornejo Jr. in real life, succumbed to pneumonia Monday afternoon, May 4. He was 35. Babajie was a regular featured guest on GMA-7's Bubble Gang.
PHOTO/S: Screen grab from Kapuso Mo Jessica Soho
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results