Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Coco Martin lambasts government anew over ABS-CBN shutdown: "Buti pa yung POGO, ipinaglalaban niyo!"

by Rachelle Siazon
May 9, 2020
Coco Martin on fighting for his 11,000 Kapamilyas in ABS-CBN: "Dapat kumilos tayo! Dapat magsalita tayo! Dapat lahat ng mga artista iparinig niyo kung anong nawala sa atin! Kasi kung mananahimik tayo, aabusuhin tayo!"
PHOTO/S: Kim Chiu Facebook

Hindi napigilan ni Coco Martin na muling magbuhos ng galit dahil sa umano'y walang pusong panggigipit ng gobyerno sa ABS-CBN.

Lampas na raw siya sa punto na daanin pa sa diplomasya ang apelang ibalik sa Kapamilya network ang "tahanan" na basta na lang daw inagaw sa kanila.

Hindi lang daw para sa kapakanan ng mga artistang gaya niya, kundi higit lalo para sa 11,000 empleyado na pinakaapektado sa pagpapasara sa network.

"Hindi ito labanan ng diplomasya!

"Binarubal na tayo, e. Tinatarantado na tayo, e.

"Anong expect natin? Pagdadasal natin sila?

"Pinagdasal na natin sila! Tiniis na natin sila!

"Dapat kumilos tayo! Dapat magsalita tayo!

"Dapat lahat ng mga artista iparinig niyo kung anong nawala sa atin!

"Yung 11,000 na nasa ABS-CBN, iparinig niyo!

Puno ng emosyon si Coco na napapahampas na para igiit ang kanyang ipinupunto.

"Kasi kung mananahimik tayo, aabusuhin tayo!

"Para tayong batang kinotongan, at pagkatapos kapag nagkita kayo, anong expect natin?

Continue reading below ↓

"Kasi ito na yung pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho! Anong iniingatan natin?!

"Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako nang patayan sa 'yo! Kahit patayin niyo pa ako!"

COCO: "ANO PO BANG NAGAWA NAMING MALI?"

Hindi raw maintindihan ni Coco kung paano umabot sa puntong ipasara ang buong istasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Gaano ba kasama iyong nangyari? Ano po bang nagawa naming mali?

"Ano bang nagawang mali ng kumpanya ko?"

Kung tutuusin daw ay handa ang ABS-CBN harapin ang Kongreso sa kung ano man ang kailangan para mabigyan ng panibagong 25-year franchise ang network.

Nagtapos ang prangkisa ng Kapamilya network nitong May 4, 2020.

Una na rin sinagot ng ABS-CBN big bosses ang mga alegasyon laban sa ABS-CBN sa Senado, nang magkaroon ng hearing para sa franchise renewal ng network, noong February 24, 2020.

At base sa imbestigasyon ng Senado, ani Coco, lumabas na maaaring bigyan ng provisional authority mag-operate ang ABS-CBN, habang hinihintay ang desisyon ng Kongreso sa prangkisa ng network.

Continue reading below ↓

Pero ipinasara pa rin ang ABS-CBN noong May 5, matapos mag-isyu ng Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na bibigyan nila ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang June 2022.

Nagbanta naman si Solicitor General Jose Calida na kakasuhan niya ang NTC officials kapag binigyan nila ng provisional authority ang ABS-CBN.

Nauna na rito, noong Pebrero 2020, naghain ng quo warranto petition si Calida sa Supreme Court upang hilingin ang pagbawi sa legislative franchise ng ABS-CBN.

Ito ay dahil diumano sa nadiskubreng “highly abusive practices of ABS-CBN” sa operasyon nito.

Si Calida ang abugado at "alter ego" ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinaing ni Coco: "Kung ang kumpanya namin may ginawang kasamaan, kawalanghiyaan...

"Sa pamantayan sa aking buhay, alam niyo po, hindi ko luluninin kung anuman ang ipagagawa sa akin.

"Ako ang kauna-unahang tatanggi at makikipaglaban."

Nagsalita si Coco at iba pang Kapamilya stars sa #LabanKapamilya Facebook Live, na ipinalabas sa Facebook account ni Kim Chiu.

Continue reading below ↓

Ginanap ito kagabi, Biyernes, May 8.

Kasama sa balitaktakan sina Kim, Bela Padilla, John Prats, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, at Judy Ann Santos.

Kabilang din sina Raymart Santiago, Michael de Mesa, at Rowell Santiago.

Naroon din ang ABS-CBN resident directors na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Co-moderators sina Boy Abunda at Bianca Gonzalez.

At sumali rin si Kim Atienza para magbigay-linaw sa mga alegasyong ibinabato sa Kapamilya network.

FURIOUS AT THE "INJUSTICE" OF IT ALL

Hindi matanggap ni Coco na sa gitna na kinahaharap na health crisis ng bansa ay inuna pa raw ng pamahalaan ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Pahayag niya, "Anong klaseng tao 'to?

"Sa gitna ng pandemya, sa gitna ng nangyayari sa ating bansa, nauna niyo pa isipin ang pagpapasara sa ABS-CBN kaysa tugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating bansa?"

Hindi man lang daw inisip na malaki ang ambag ng mga artista pagdating sa binabayarang milyun-milyong buwis sa gobyerno kada taon.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito ay nanguna raw ang ABS-CBN sa pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Kusang loob daw na mga artista mismo ay nagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan, kahit pa inilagay sa bingit ng panganib ang sariling buhay.

Dahil itinuro raw ng ABS-CBN sa Kapamilya stars ang kahalagahan ng "serbisyo sa bayan."

Gigil na tanong ni Coco: "Bakit dumating ang pagkakataon na ito na kami ang isipin niyong tanggalin?

"Na sa panahon ngayon, ang ABS-CBN at ang mga artista ang isa sa mga tumutulong sa tao na yun?"

Paano raw nangyaring mas may malasakit pa umano ang gobyerno sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ang mga empleyado ay panay banyaga.

"Ano po ang uunahin nating gawin? Tanggalin ang kumpanyang tumutulong sa ating kapwa? Sa lahat ng mga Pilipino?

"O iyong sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa yung POGO, ipinaglalaban niyo!

"Itong kumpanyang tumutulong sa lahat ng mga tao ngayon, pinasara niyo! Ano yun?!"

Continue reading below ↓

Giit pa ni Coco, dumagdag lang ang ABS-CBN sa problema ng bayan gayong wala naman daw kapasidad ang gobyerno na tustusan ang pangangailan ng taong-bayan.

"Tapos yung mga tao, tuwang-tuwa na nawalan ng trabaho ang 11,000 na tao?" ani Coco patungkol sa bashers ng ABS-CBN.

"O ngayon, kaming 11,000 na tao, anong mangyayari sa amin ngayon?

"Ngayon, kaming mga artista, paano namin tutulungan ang ibang pamilyang tinutulungan at binubuhay namin?"

ROQUE: PUMILA ANG ABS-CBN PARA SA AYUDA

Sa puntong ito ay tinabla ni Coco ang suhestiyon ni Malacañang spokesperson Harry Roque na mag-apply daw ang mga taga-ABS-CBN sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa ayuda.

Kaugnay ito ng one-time PHP5,000 cash aid mula sa DOLE para sa workers ng small and medium enterprises.

"Anong sabi ni Harry Roque, 'O, pumila kayo sa DOLE. Huwag kayo mag-alala, bibigyan namin kayo ng ayuda.'

"E, kung ang buong Pilipinas nga hindi niyo masuplayan ng ayuda! Pati kami, makikidagdag!"

Continue reading below ↓

MORE HARM IN KEEPING SILENT

Sa pagpapatuloy ng pagsasalita ni Coco, iginiit niyang walang inutos ang ABS-CBN sa kanila na magsagawa ng Facebook Live.

Kusang-loob daw silang lumantad sa publiko dahil hindi nila maatim na basta na lang yurakan ang karapatan ng higit 11,000 empleyado ng network na naghanapbuhay nang maayos.

Continue reading below ↓

Aminado si Coco na marami ang kumukuwestiyon sa intensiyon nilang mga artista sa pagdepensa sa kanilang home network.

Batikos daw ng iba sa kanilang mga Kapamilya stars, "Hindi, nagtatrabaho kasi 'yan sa ABS-CBN. Hindi, mga boss na 'yan. Hindi, kumikita na 'yan nang malaki."

Pero hindi raw iyon ang motibo ni Coco.

Sa totoo lang daw ay matagal na niyang napaghandaan ang financial security niya at ng kanyang pamilya.

Dahil umpisa pa lang na pasukin niya ang showbiz ay alam niyang hindi raw panghabambuhay na trabaho ang pag-aartista.

"Hindi dun. Lampas-lampas na po dun. Hindi na po pansarili ang iniisip namin.

"Ang iniisip namin, kapwa namin. Paano namin maibabalik ang blessing na ibinigay sa amin?"

Si Coco ay bida ng FPJ's Ang Probinsyano, ang Kapamilya top-rating primetime series, na umere mula September 2015 hanggang sa nitong March 2020.

Pansamantalang natigil ang programa nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Alam daw ni Coco na posibleng marami ang umayaw sa kanya dahil sa pagtatanggol sa mga Kapamilya niya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Kasi sa totoo lang po, kung ako makasarili, kung lahat kaming mga artistang nagsasalita ay makasarili, hindi po namin ito gagawin.

"Kasi bakit po? Puwede namin isipin, 'E, paano na? Baka masira mga career namin. E, paano kung di na kami magustuhan ng tao?'

"'Bakit kami lalaban? Bakit kami lalaban sa mga taong tumutuligsa sa amin?"

Pero ani Coco, mas malaki raw ang panganib na dulot ng pananahimik.

"Kung hindi namin gagawin ito, at di maririnig ng mga tao ang nasa dibdib namin, ang mga hinaing namin, ang mga nasa isip namin—sino po ang gagawa?

"Lahat kami matatakot? Anong gagawin namin sa bahay namin? Magti-TikTok para mapaligaya po kayo?"

Sa huli, humingi ng paumanhin si Coco sa kanyang emotional outburst.

"Pasensiya na po kayo... Sorry po, sorry po.

"Sobra po ang galit ko talaga...

"Alam ko, hindi lang po ako... Marami sa mga kasamahan ko sa industriya.

"Pero kung di ako maglalakas-loob, at magpapaka-neutral ako, at magpapaka-diplomasya ako, hindi ito ang tamang paraan para kausapin kayo."

Continue reading below ↓

Ang tanging intensyon daw ni Coco ay ilabas ang tunay niyang saloobin.

"At least sa amin, ako, bahala na bukas. Sasabihin ko kung anong nararamdaman ko.

"Ako po si Coco Martin. At maraming salamat po sa inyo."

***

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on fighting for his 11,000 Kapamilyas in ABS-CBN: "Dapat kumilos tayo! Dapat magsalita tayo! Dapat lahat ng mga artista iparinig niyo kung anong nawala sa atin! Kasi kung mananahimik tayo, aabusuhin tayo!"
PHOTO/S: Kim Chiu Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results