Are Nadine Lustre and James Reid back together?

by Arniel C. Serato
May 11, 2020
Nadine Lustre and James Reid fans, known as JaDine, rejoice over possible reconciliation of their idols.
PHOTO/S: Mark Atienza

Nagkabalikan na ba ang dating magka-live in na sina Nadine Lustre at James Reid?

Ito marahil ang iniisip ng JaDine fans dahil sa makahulugang birthday greeting ni Nadine, 26, sa kaarawan ng dating partner.

Ngayong araw, May 11, ipinagdiriwang ni James ang kanyang ika-27 kaarawan.

Sa kanyang Instagram, isang simpleng “seedling” emoji ang nakalagay sa post ni Nadine sa larawang magkasama sila ni James.

Continue reading below ↓

Maaaring bagong simula ang pakahulugan ng sumisibol na halaman.

Nagbunyi naman ang mga kaibigan ng dalawa.

Sa comments section, naglagay sila ng heart emojis o di kaya'y maiiksing komento na naghahayag ng kanilang kaligayahan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JADINE BREAKUP

Nalungkot ang maraming fans nina James at Nadine sa hiwalayan nila matapos ang halos apat na taong relasyon.

February 2016 opisyal na umamin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Unang inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa hiwalayan nina James at Nadine noong January 1, 2020.

Pagkalipas ng 19 na araw, noong January 20, kinumpirma ng dalawa ang kanilang breakup.

Sa joint statement na inilabas ng dalawa, sinabi nina James at Nadine na napagkasunduan nilang tapusin ang kanilang relasyon upang mapagtuunan ang kani-kanilang mga karera.

Pinabulaanan din nila ang mga lumabas sa social media na dahilan diumano ng kanilang hiwalayan.

Nananatili naman daw silang “good friends” kahit hiwalay na.

Bahagi pa ng kanilang pahayag na ipinadala sa Tonight With Boy Abunda: “We agreed that going separate ways was best for both of us.

"We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre and James Reid fans, known as JaDine, rejoice over possible reconciliation of their idols.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results