Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

James Reid at Nadine Lustre, break na

by Jojo Gabinete
Jan 1, 2020
Ayon sa isang malapit kina James Reid at Nadine Lustre, nag-alsa balutan at umalis na ang aktres sa bahay ng aktor sa Quezon City.
PHOTO/S: Mark Jesalva / cosmo.ph

Hindi ikatutuwa ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang balitang hiwalay na ang real-life lovers dahil sa “irreconcilable differences.”

Ang breakup nina James at Nadine ang unang malungkot na balita sa Philippine showbiz sa pagpasok ng taong 2020.

Tiyak na hindi ito basta matatanggap ng JaDine fans na umasa at naniwalang may forever sa kanilang mga iniidolong artista, kaya ang mga ito ang magkakatuluyan.

Hindi lingid sa malalapit na kaibigan nina James at Nadine ang naganap na hiwalayan, na hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko.

Ayon sa isang malapit na tao kina James at Nadine ay nag-alsa balutan at umalis na si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City, na naging saksi sa pagmamahalan ng dalawa sa loob ng ilang taon.

Sa mga interbyu noon kina James at Nadine, hindi nila itinanggi ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong.

CRYPTIC INSTAGRAM POSTS

Hindi naman nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng avid fans ng JaDine ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil ngayong araw, January 1, 2020, may ilan nang nagtatanong kung totoo ang balitang nakarating sa kanila tungkol sa split-up nina James at Nadine.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos mabasa ang cryptic posts ni Nadine sa Instagram nitong mga nakalipas na araw.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

One week ago, nag-post si Nadine ng larawan ng isang babaeng nakatalikod habang nasa isang veranda ng tila condo unit o hotel room.

Naka-bikini lamang ang babae sa larawan na pinaniniwalaang si Nadine.

Caption ng aktres: "I can't be who you want."

Continue reading below ↓

Three days ago, nag-post naman si Nadine ng larawan ng apat na taong nasa dagat.

Caption niya rito: "no questions. just go with it."

Two days ago, at pinaka-recent, nag-post ang aktres ng black-and-white photo niya habang nakatingin sa night view ng lungsod mula sa kanyang condo unit o hotel room.

Continue reading below ↓

Caption dito ni Nadine: "for good reason, lost all of my love."

Kapansin-pansin ding walang posts sa social media sina James at Nadine na magkasama sila nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Ang pinakahuling post ni James ng larawan kung saan kasama niya si Nadine ay noon pang Halloween 2019.

Continue reading below ↓

Saksi ang publiko sa matinding pagmamahalan nina Nadine at James, na inamin nila sa kanilang concert sa Smart Araneta Coliseum noong February 2016.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang malapit kina James Reid at Nadine Lustre, nag-alsa balutan at umalis na ang aktres sa bahay ng aktor sa Quezon City.
PHOTO/S: Mark Jesalva / cosmo.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results