Remember When: Inamin ni Karen Reyes ang relationship niya kay Sarkie Sarangay
by Rommel R. Llanes Taong 2018 nang makorner ng reporters si Karen Reyes at tanungin ito tungkol sa kanyang love life.
Sabi ng Kapamilya artist sa interview, magti-three years na sila ng kanyang rocker boyfriend na si Sarkie Sarangay, lead singer ng bandang Silent Sanctuary.
Ang pagiging mature daw nito ang nagustuhan niya kay Sarkie. Fourteen years ang agwat ng edad nila at bagay raw silang dalawa dahil pareho silang mature kung mag-isip.
Biniro pa nga raw niya ito noon na "Tito Levels" na ang edad nito kumpara sa edad niya.
Kahapon, May 10, Linggo, inamin ni Karen na isa na siyang ganap na ina. Ginawa niya ang pag-amin sa kanyang YouTube channel.
Dalawa na ang kanyang anak. Hindi naman niya binanggit sa kanyang video kung sino ang ama ng kanyang mga anak.





